Infatuation.06

134K 3.8K 227
                                    

"Lesson number five, Apollo. Dancing."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinasabi ni Miss Laviña. Dancing? Hindi ako marunong sumayaw. Noong prom night ko, walang nagsayaw sa akin dahil kilala ang repustasyon ng mga pang kong pareho namang kaliwa. Noong acquaintance party noong college, pinilit ko lang isayaw ako ni Jayson – iyong kaklase kong bakla – dahil ngamumukha lang akong tanga kakaupo sa table naming – wala naman nangyayari. Pagkatapos nang gabing iyon, namaga ang mga daliri ni Jayson sa paa at kahit kailan ay hindi na niya ako isinayaw pa. Muntik nang masira ang friendship naming ni Jayson dahil sa pamamaga ng paa niya.

"Iba na lang." Ungot ko. Nasa loob kami ng library, lahat ng klase ko ay doon ginaganap. Tiningnan ako ni Miss. Laviña at saka pinanlakihan ng mga mata. "Sabi ko nga iyon, bakit ba kasi ayaw mo, Sheena?" Binalingan ko ang assistant ko. Nginitian niya lang ako at saka nag-iwas ng tingin. Lagot sa akin ang babaeng ito mamaya, pinagtatawanan niya ako, nakakinis.

"What kind of dancing do you do?" Tanong ni Miss Laviña. Nagkibit balikat ako.

"Harlem Shake." Walang abog na sabi ko. Miss Laviña looked at me na para bang hindi siya makapniwala sa lumabas sa bibig ko. Siguro kung nakakamatay ang irap, kanina pa ako nakabulagta.

"I won't even ask kung ano iyon." She sighed. "Today, I am going to teach you how to dance tango."

"Tango?" Ulit niya. Tumalikod si Miss Laviña at saka sinenyasan na lumapit sa kanya si Robert. Nang makaplapit si Robert dito ay agad nitong pinindot ang remote para sa tugtog. Tahimik akong tumayo doon at pinagmasdan sila. Ang lapit-lapit nang mga ito sa isa't-isa. Halos magkapalit na ng muka ang dalawa. Nakatayo lang ako doon, titig na titig sa kanila hanggang sa matapos ang tango nila ay nakatayo lang ako.

Iniisip ko kasi kung sasayaw ako ng ganoon, sinong kapartner ko? Napangiti ako, bet ko si Gene! Gusto ko na namang kiligin. Bigla ko na naman kasing naalala iyong date namin noong Linggo. Hindi naman iyon iyong date na inaasahan ko. Hindi ko nga alam kung bakit naiisip kong halayin na si Gene sa first date, pero noong nag-first date kami – kasama naming si Tratra, nagpunta kami sa Star City at doon nakita ko kung gaano kamahal ni Gene ang anak niya, akala ko nga hindi kami magiging okay pero kahit kasama ni Gene si Tratra ay attentive din siya sa akin. He was so sweet – hindi ko nga alam kung bakit mas pinili ni Alexis si Jacintong walang utak kaysa kay Gene na super sweet at super gentleman – I sighed – love is blind – ika nga nila.

"Naintindihan mo ba, Miss Cai?" Tanong ni Miss Laviña sa akin. Wala sa loob na tumango ako. Ngumiti siya sa akin at saka tumango na rin. She looked at me. "Sasayaw ka ngayon."

"Ngayon agad? Hindi ba pwedeng bukas naman? Excited ka masyado ha." Komento ko. Kinunutan na naman ako ni Miss Laviña ng noo. Muli kong binalingan si Sheena.

"Bakit ba kasi ayaw mo, Sheena?" Tanong ko sa kanya. Sheen tried hiding her smile. Tumalikod muli siya sa akin. Napanguso naman ako.

"Robert, pakitawag ang partner ni Miss Cai."

Agad na tumalima si Robert. Wala akong ideya kung sino ang kapartner ko, sana gwapo para naman matuwa ako. Muling bumukas ang pinto0 ng library at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Lukas Consunji na nakasunod sa butler niya.

He grinned at me. Nagsirko yata ang puso ko. Tulad ng palagi niyang ginagawa ay tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay ngingisi ng ganoon. Pero ngayon mas malaki ang ngisin niya – siguro natuwa siya sa suot ko. Naka-razor back kasi ako saka leggings na kulay black.

"Hi, Apollo." He said. He used that husky tone again. Mula nang halikan niya ako dito sa library ay dumidistansya na ako sa kanya. Ayoko kasing lumapit sa kanya dahil alam kong sa oras na gawin ko iyon, ako rin ang mapapaso. Hindi ko naman itatanggi na may naramdaman akong kakaiba sa mga halik niya – hindi iyon ang unang beses na hinalikan niya ako at sa lahat ng pagkakataon na iyon ay isa lang ang nararamdaman ko – kilig. Hindi ako plastic sa sarili kong nararamdaman. Alam ko kung ano iyon at alam kong hindi pwede.

Infatuation (Published)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora