"Rious tama na," sabi sa'kin ni Niel at humagolgol na ko ng iyak, kasabay noon ay ang muling pag-iyak ni Darenn habang yakap-yakap siya ni tita Rose.

Ito ba? Ito ba ang kabayaran ng ginawa ko kay Runo? Kaya ka ba nila kinuha sa'kin kasi isa kang kasalanan? Bakit? Bakit kailangan mangyari ito?

Tinakpan ko ang kahon at tinitigan ito habang yakap-yakap ako ng kakambal ko, humiwalay ako sa kaniya at naglakad palabas ng bahay.

"Rious saan ka pupunta?" Inaya ko siya.

"Tara tulungan mo ko," sabi ko habang bumabagsak pa rin ang luha sa mata ko. Sumunod si Niel at ang iba sa'kin.

Pumunta kami sa likod ng apartment kung saan madaming damo at halaman, kumuha ako ng pala at sinimulan maghukay.

Nakatitig lang sila sa'kin habang ginagawa ang bagay na iyon at nung nilagay ko na 'yung kahon sa lupa, napaluhod ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.

"Aaaaah!" Sumigaw ako ng sumigaw at umiyak, iyak ako ng iyak habang tinititigan ang anak ko at ang mga pangarap namin ni Runo na natatabunan ng lupa.

Dinamayan ako nila kuya Daryl at Niel habang umiiyak at tinatabunan ang anak ko.

"Mama batit nila tinatabunan ng lupa ti rain?" Narinig kong tanong ni Darenn.

"Mama hindi matatahinga ti Rain dun mama tunin mo! Tuya batit? Waaag waah! huhu mama ti rain," halos umiyak na kami ng umiyak dahil sa pagpigil sa'kin ni Darenn pero ano?

Anong gagawin ko? Wala na ang anak ko? Wala na ang pangarap na binuo namin dalawa ni Runo para sa kaniya? Para saan pa ang paghihirap ko?

Wala na siya.

❦❦❦

Ilang oras na ang lumipas nung nilibig ko si Dillan, tulala pa rin ako at ito ako ngayon nasa kwarto at iniintay magising si Runo.

Iniisip ko kung makakaya niya ba? Kung matatanggap niya ba na wala na ang anak namin?

Sabi ni tita Rose nagtapon lang daw ng basura si Runo sa labas at pagbalik niya wala na 'tong malay, ang sabi nila na hulog daw siya sa hagdan at dahil dun ay na kunan siya. Nawala ang anak namin.

Paliwanag pa ni Doc. Cheska baka daw na hilo si Runo nungg na sikatan ng liwanag sa labas, hindi nga siya bampira pero 'yung bata sa loob niya ay ganoon kaya daw na hilo ito at na walan ng malay.

Ang daming benda ni Runo sa ulo, sabi ng mga nakakita imbes na ulo niya ang hawakan niya para protektahan ay ang anak pa rin namin ang iniisip niya.

Kaso wala, hindi namin pareho na gawa iyon. Ako ang may pagkukulang dahil nung umaga pa lang parang ayaw ko na umalis at isa pa dapat talaga dinamihan ko ang oras na kasama ko sila.

Puro ako trabaho at wala ng oras sa kanilang dalawa kaya nangyari ito samin. Pano ko sasabihin sa kaniya paggising niya na wala na ang anak namin?

"Hmmm," umingit siya at dali akong bumangon, tinawag ko sila tita Rose at sila kuya Daryl.

"Anak?" Tanong ni tita Rose at dahan-dahan binuksan ni Runo ang mata niya, lumingat-lingat siya at parang na gulat bakit andito sila kuya at Daniel.

"Daniel? Sir Daryl?" Tanong niya at pilit na umupo, inalalayan ko siya at muli siyang tumingin samin.

"Anong nangyari? Bakit andito kayong lahat?" walang makapagsalita samin, sobrang hirap ipaliwanag sa kaniya ang nangyari pero agad niya rin 'tong na halata.

"Teka ba't ang dami kong benda?" paghipo niya sa ulo niya ay bigla siyang na tulala, at dali-daling kinapa ang tiyan niya.

Tiyan niya na wala ng laman na bata.

Vampire's PetDove le storie prendono vita. Scoprilo ora