♥JOD#3♥

1 0 0
                                    

March 16 na. Ibig sabihin, birthday ko na. ^___^
4pm~
Inaayusan na ako ni Ateng Beki dito sa loob ng kwarto ko.
Mamaya pa namang gabi ang party. Sa totoo lang, ayokong magparty. Sayang lang sa oras at pera. Okay lang naman saken kase di naman ako spoiled. Kaso ayaw pumayag ng parents ko, kesho once in a lifetime lang daw to. If I know, gagamitin lang nila ang birthday party ko para makipagsosyalan sa ibang mga business partners nila.
Baka nga naman matapakan ang ego nila.

At hanggang ngayon, di pa nga rin pala ako kinakausap ni Cloud. Nagtatampo pa rin ba siya? Kadalasan naman, pag magtatampo yang si Cloud hanggang isang araw lang. Pero ano to?
Kaya niya kong tiisin. Ganon ba siya kainis saken dahil lang sa di ko pagsabi sa kanya agad ng about samen ni Chad?
Ilang beses ko ng sinubukang kausapin at suyuin siya kase alam kong nagtatampo nga siya.
Pero di niya ko binibigyan ng chance na magkausap kami.
Naiiyak na nga ako. T-T

Hindi ko alam kung pupunta si Cloud sa party mamaya. Hindi ko nga naibigay ng personal yung invitation card ko sa kanya ee. Pinadala ko na lang sa bahay nila.
Pero sana pumunta siya. Kase yung pagpunta niya, yun na yung pinakamagandang regalo para saken.

"Ay bongga! Ang ganda mo 'teh!"

Napangiti na lang ako kay Ateng Beki.

"Sa lahat ng inayusan ko, ikaw ang pinakamaganda."

"Thanks!"

Bolera si Ateng. Sakyan ko na lang.

"Sigurado aketch na maiinlababo lalo sayo ang escort mo!"

Napaisip ako bigla. Si Chad kase ang escort ko. Syempre, boyfriend ko siya eh.
Pero alam niyo, date kase nung nasa gradeschool palang kami ni Cloud, sabi ko sa kanya na siya yung magiging escort ko pag nag'debut ako. Kase sabi niya, gusto niya na siya mismo ang unang makahawak sa kamay ko pag naging ganap na dalaga na daw ako. Sweet niya di ba?
Pero feeling ko naman, nakalimutan niya na yun. Pero mas mabuti na siguro kung ganun.

---
Kinakabahan ako. Nasa likod na kase ako ng malaking pinto na to.
Naririnig ko na ang emcee. Shems! Kinakabahan talaga ako.

Kasalukuyang sinasabe na ng emcee ang mga katangian ng debutant.
And then…
"Our debutant… the simple child that turned to a grown-up, gorgeous lady… none other than… Ms. Aerith Brenian M. Curtich."

And the next thing happened, the door slowly open.

Kitang-kita ko mula sa taas kung gaano kadaming tao sa venue.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang tumutugtog ang paborito naming kanta ni Cloud, ang Runaway.
Nakakatuwa yung mga batang nagsasaboy saken ng mga rose petals. Ang cute nila.

Pero habang papalapit ako sa pinakababang baitang, napansin kong walang Chad doon. Asan siya?
Di ba siya ang escort ko? Nalungkot ako sa ideyang hindi niya sisiputin at sasamahan sa pinakaespesyal na gabi ang girlfriend niya. Pero baka naman, natraffic lang.

At bago ko pa masapit ang huling baitang, may lalaking pumwesto sa tabi ng hagdan.
Napangiti ako. Hindi niya ako binigo.

Inabot niya ang aking kamay.

"You look gorgeous on your pink gown ."

"You look hot and handsome on your suit."

"Happy Birthday lady!"

Napangiti ako. Dati childish ang tinatawag niya saken. Ngayon, lady na.

"Thanks, Cloud!"

Then he hug me. Sobrang namiss ko to. Sobrang namiss kong hawakan siya. Sobrang namiss ko ang feeling na to sa tuwing kasama ko siya.
Yung feeling na ang hirap iexplain, sa totoo lang.

---
Matapos ang ilan pang kaganapan sa venue, wala pa ding Chad ang nagpakita.
Asan na ba siya? Hindi ko naman siya macontact.
Si Cloud na yung naging escort ko ngayong gabi. Masaya naman ako kase nagkatotoo yung sinabi niya nung gradeschool palang kami.
Ang ikinalulungkot ko lang kase eh yung fact na hindi ako sinipot ng boyfriend ko ngayong birthday ko.
Hindi na ba talaga siya hahabol?

And thats idea, I suddenly felt crying.
Nag-iisa naman ako dito sa labas kaya walang makakakita na umiiyak ako.

Meron pala.
"Stop crying, Brend!"

Umupo siya sa tabi ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Thanks for escorting me tonight!"

"Anything for my princess, just please dont cry."

Ang sarap sa tenga na tinawag niya kong princess. Yung kakaibang feeling, nararamdaman ko na naman yun. I can't explain.
Basta ang alam ko lang, parang theres something on my stomach.

"Hindi siya dumating, Cloud!"

"Maybe, he has a reason!"

Pinapagaan lang ni Cloud ang nararamdaman ko. Kaya kahit na alam kong inis na inis pa din siya kay Chad, he makes a way para kunyare ipagtanggol niya yung side ni Chad.

"Maybe! I want to go home. Pwede mo ba kong ihatid?"

"But the party is not yet over."

"It's okay."

At hinatid na nga niya ako sa bahay.
Wag kayong magtaka ha, hindi naman kase sa bahay ang venue ng party e. Sa isang hotel.

Feeling ko pagod na pagod ang katawan ko kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko.
I didnt manage to change clothes.
Tinatamad ako.

Tinititigan ko ang kisame habang nakahiga ako sa kama. Masama pa rin ang loob ko kay Chad.
Ilang oras din na ganon ang posisyon ko hanggang sa maisipan kong magpalit na ng pantulog.
Mainit sa katawan ang gown.

2am. Plano ko na sanang matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko.
At nang tiningnan ko ito, 2 messages sa magkaparehong oras?
Ibig sabihin, gising pa din sila ng gantong oras? Ang galing naman, sabay silang nagtext.
Sino yung dalawa? Si Cloud at si Chad.

Una kong binuksan ang kay Chad.

From Babe:
Babe! I'm sorry about tonight! I really had my reason. Please, magkita tayo bukas sa mall. 10 pm sa favorite cake shop naten. I will explain everything. Hihintayin kita.
Babe, I love you.

Anong irereply ko? After kong basahin to, bigla akong nakaramdam ng awa. Baka nga he had his reason. Di na ko nagreply.

Sunod ko namang binuksan yung text ni Chad.

From Bestfriend:
Brend! I have something to tell you. Something important. Please meet me at the mall tomorrow. 10 am at our favorite part of the mall. I'll wait for you… no matter what.
Goodnight.

Teka! Yung oras ng pagkatext nila saken, parehas lang.
At yung gusto nilang mangyari bukas, parehas din.
What a coincidence!

Pero sinong sisiputin ko? Bahala na. Same place naman.

And after that, I manage to sleep.

---
Itutuloy~

Just One DayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora