Chapter Eight: Rescue Her

Magsimula sa umpisa
                                    

"Trisha!" Nagtaas na siya ng boses. Pero kaagad din naman iyon nagbago at napalitan iyon ng pag-alala. "Is there something wrong? May nangyari na naman ba sa bahay nyo?" Pumuwesto siya sa bakanteng silya sa tabi ko.

Walang salita na inagaw ko sa kanya ang basong kinuha niya sa akin kanina at inisang lagok ko ang laman nyon. Eiwww! Napangiwi ako nang malasahan ang alak.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Mark sa ibabaw ng kamay ko. "I'm here, Trish. Just like the old times. You can tell anything to me.  I will listen.

Suddenly emotion started to get in. Natumbok niya kung ako ang kailangan ko ng mga oras na iyon. Isang tao na dadamay sa akin lalo na sa ganitong sitwasyon. Oh how I missed him so much!

Magsasalita na sana ako nang bigla na lang sumulpot ang mga kaibigan nito at hinila si Mark na bumalik sa party.

Lumingon siya sa akin. "Trish..."

Pilit akong ngumiti. "Go. Enjoy your party!"

"Babalikan kita! Huwag kang aalis!" Sabi pa niya bago tuluyang sumama sa mga ito. Nang tuluyan siyang makalayo ay saka nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Harry, punta lang ako restroom." Sabi ko sa kaharap na bartender. "Babalik ako."

Eksaktong kalalabas ko lang ng restroom nang may biglang bumangga sa akin. At dahil medyo hilo na rin ako ay muntikan na akong matumba. Mabuti na lang at naagapan ako ng kasama nito.

"Oopps! Sorry, hin- Patricia!" Nanlaki ang mga mata ng lalaking nakabunggo sa akin nang makilala ako.

Bigla naman akong binitiwan ng lalaking sumalo sa akin at mabilis na umaatras. "Uh-oh!" 

"I-I'm so sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko. Ngunit ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit nakatakip ang isang kamay niya sa kanyang ilong. "Please spare me, huwag mo akong sasaktan!"

"Oo nga! Please huwag mo kaming sasaktan!" Pagmamakaawa naman ng kasama nitong lalaki. "Kahit ano gagawin namin. Patawarin mo lang kami!"

Hindi ko alam kung may iaangat pa ang kilay ko sa inakto nilang iyon. Mga lasing na siguro ang mga ito!

"Mga pards, hinay-hinay lang sa pag-inom." Ginulo ko pa nga ang buhok ng lalaking nakatakip ang ilong. At saka ko sila nilagpasan na tila walang nangyari.

"Si Patricia ba talaga iyon?" Tanong ng lalaki sa kasama nito.

"Baka kamukha niya lang!" 

<Jared POV>

Nang dumating ako ay marami-rami na rin ang mga tao sa loob ng bar. Luminga ako sa paligid. Hindi naman ako nabigo at nakita ko agad sina Tyron at Mark.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon