"Nabitin ako sa kiss natin, Jia, pambihira naman. How dare you, miss?"

Natawa naman ito at lumapit sa'kin, hinila niya ako patayo. "Hormones mo, Jirah. Halika na, dali. Huwag ka nang maarte."

"Paasa ka kasi, sa susunod huwag kang nambibitin," reklamo ko pa.

"Sige na lang para manahimik ka na diyan," lumabas kami at pumunta sa garden nila.

"Wohoo!" Binitiwan ni Jia ang kamay ko at excited na naglaro sa ulan.

This is the first time I saw Jia like this, madalas kasi ako ang isip bata sa aming dalawa. At masuwerte ako dahil sa akin lang siya ganito.
Naghabulan kami sa garden nila habang umuulan ng malakas. I feel so happy and contented, sana palagi kaming ganito. Nang medyo humina na ang ulan ay tumigil na din kami sa pagtakbo.

Kinuha ko ang mga kamay niya at hinipan ang mga ito. "You're cold?" Tanong ko.

Umiling siya, "let's dance before this rain stops. First dance natin."

"Jia, my love, so sweet, nagiging sweet ka na din. Kakasama mo sa'kin yan, mahal. Good influence talaga ako sa'yo."

"You sure know how to ruin a moment. Nakakainis." She rolled her eyes.

"Mahal ka naman," sagot ko.

"Mas mahal kita, huwag kang epal. Magsayaw na nga tayo. Huwag ka nang babanat diyan, babatukan na kita," banta niya. "Lapit ka na sa'kin."

"Okay, sabi mo eh," I held her close. "Gaano ka close, Jia?" I whispered into her ear.

Hinapit niya ako lalo, magkayakap kami ng mahigpit habang marahang nagsasayaw.

"Ganito, yung walang space dapat," ganting bulong niya.

"Never akong hihingi ng space mula sa'yo, babe," I said, kissing her neck.

"At never kitang bibigyan," she promised.

Tumila na ang ulan maya-maya, pero may drizzle pa din.

"You like the rain?" I asked.

"Yes, it calms me, and I like rainbows pero wala ngayon dahil gabi na."

I nodded. "Let's go inside na? Baka magkasakit ka eh."

"Okay," she agreed. "Shower tapos tulog na tayo."

"Can we make out first before sleeping? Nabitin talaga ako kanina eh."

Kinurot niya ako sa tagiliran, tumawa lang ako bago siya inakbayan papasok.

"Ang landi mo talaga, Jirah. No, matutulog lang tayo."

"Killjoy," bulong ko.

***

"Deny pa more, ate Den. Yaan mo miss ka na rin naman non. Wag mong masyadong isipin yon, okay? Basta ang isipin mo na lang, mamaya, magiging masaya ka na." Sabi ko kay ate Den. Nandito kasi siya sa dugout namin, mukhang hinahanap si ate Ly pero sabi niya hindi naman daw.

Ngayon kasi siya tatanungin ni ate Ly na maging girlfriend niya ulit, pagkatapos nitong game namin versus UP. Sakto Valentine's day ngayon. Saan kaya kami magde-date ni Jia ko?

"At bakit naman aber?" Tanong ni ate Den.

"Dahil icocover mo kami. At mananalo kami," kinindatan ko pa siya.

"Ewan ko sa'yo, baby Ji. Sige na, malapit ng magstart yung laban, dun na ako at baka hinahanap na ako ni Boom." Paalam niya saka lumabas na sa dugout.

"Hay, sa wakas, may happy ending na din silang dalawa." Sabi ni Bea na nakaupo dito sa tabi ko at kumakain ng chocolate. Kinuha lo ito sa kanya at kumagat. "Hey, that's mine, Ji, kumuha ka ng iyo," inagaw niya uli ito sa'kin at inilayo.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now