I'm The Winner

Magsimula sa umpisa
                                    

"Che! Tigil-tigilan mo ako. Halika maglaban tayo. Ipapamukha ko sayo kung sino talaga yung pinakamagaling na volleyball player dito sa school.", Nakita kong ngumiti si Sheena.

"Tsk hindi mo ako kaya Ella. Tanggapin mo na lang yung pagkatalo niyo. Hinding-hindi mo ako matatalo.", Grr!

"Pwes! Maglaban tayo para magkaalamanan na.", Ngumiti nanaman siya. Kinuha niya yung bola ng volleyball sa isa sa mga kateammates niya.

"Girls doon muna kayo sa gilid. May kalalabanin lang ako. Panoorin niyo kung paano ko tatalunin ulit si Ella.", Nagtawanan yung mga kateammates ni Sheena.

Nakakainis na talaga yung mga babaeng 'to. Sige sisiguraduhin kong matatalo ka na ngayon, Sheena. Ikaw naman yung pagtatawanan ng mga kateammates mo.

"Ok! Ako ang unang magse'serve. Magready ka na Ella!", Kanina pa ako ready.

Ngayon sisiguraduhin ko na talagang tatalunin kita. Hinding-hindi ka na mananalo ulit dahil tatalunin kita!

Pagkaserve ni Sheena ng bola nagulat ako nung biglang kumilos mag-isa yung kanang kamay ko. A-anong nangyayari?! Anong nangyayari sa kanang kamay ko? Agad na nagspike yung kanang kamay ko. Sa sobrang lakas ng force at bilis. Hindi nagawang saluhin ni Sheena yung bola.

Pagkatapos nun nagtinginan sa akin sina Sheena. Gulat na gulat sila sa nangyari. A-ano bang nangyari? Teka a-asaan yung bola? Nakatira na ba ako? Dahan-dahan kong tinititigan yung kanang kamay ko.

N-naalala ko na. Mag-isang kumilos tong kanang kamay ko. Teka n-natalo ko na ba si Sheena? Dahan-dahan akong tumingin kay Sheena. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding pagkagulat at may halo ring matinding galit. A-ang ibig sabihin nito natalo ko siya.

Hahahah! Natalo ko na si Sheena!

"Hoy! Ano ka ngayon?! Natalo na kita. Sabi ko naman sayo ako ang pinakamagaling na volleyball player dito sa school. See! Natalo nga kita eh! Hahahah! Talunan! Maglaban ulit tayo bukas. Isama mo na yung mga kateammates mo. Pati yung akin isasama ko na din. Ipapadama ko ulit sayo kung paano matalo.", Yes! Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya yan!

Pagkatapos kong magsalita nakangiti akong lumabas ng gym. Haha natalo ko na si Sheena.

Hay, teka nga lang, p-paano kumilos nang mag-isa tong kanang kamay ko kanina? N-nakakapagtaka naman yun. Tinititigan ko nanaman ulit yung kanang kamay ko. Anong nangyari sayo kanina ha? Napatigil ako sa pag-iisip nung makita ko yung band aid sa wrist ko.

Yung band aid na binigay sa akin ni Mr. Norman. Sabi niya dito... h-hindi daw 'to isang pangkaraniwang band aid. K-kailangan ko siyang tanungin tungkol dito. Kailangan kong pumunta ulit sa counseling room.

Jahz' POV.

Hay naku~ saan ba pumunta si Ella? Hindi na nga siya pumasok sa second class namin eh. Saan naman yun pumunta ngayon? Kailangan namin siyang makausap. Hindi ko hahayaang maunahan nanaman kami ngayon. Kailangan na naming iligtas si Ella habang maaga pa.

Kasama ko ngayon si Izza. Hinahanap namin si Ella hanggang sa makita namin siya. Ayun kailangan na namin siyang puntahan.

"Ayun na si Ella! Halikana Jahz puntahan na natin siya habang maaga pa.", Sabi ni Izza.

"Hmm. Halikana!", Nung maglalakad na sana kami papunta kay Ella.

May biglang humawak sa balikat namin ni Izza. Hala s-sino tong humawak sa balikat ko? Sabay kaming lumingon sa likod ni Izza. Nanlaki yung mga mata namin nung makita si Mr. Norman.

"Jahz, kanina pa kita hinahanap. Kasama mo pala yung kaibigan mong si Izza.", Kanina pa niya ako hinahanap?

"B-bakit po Sir? May kailangan po ba kayo sa akin?", Nginitian niya ako.

"Pwede bang dalhin mo muna tong mga papeles sa computer room. May pupuntahan muna kasi ako. Ikaw yung naisip kong estudyanteng pwede kong pagkatiwalaan. Kaya pwede ba?", Ano ba 'to? K-kailangan pa namin kausapin si Ella eh.

"S-sige po Sir. Ako na po ang bahala dito.", Tumingin ako kay Izza.

"Jahz. Bat hindi mo na lang isama si Izza sayo para naman may kasama ka?", Huh? Plano ko sana na siya na lang muna yung kakausap kay Ella eh.

"Hmm. S-sige po Sir.", Hay~ wala na.

Nginitian kami ni Mr. Norman pagkatapos naglakad na siya palayo sa amin ni Izza. Kailangan na namin tong dalhin agad sa computer room. Pagkatapos naming gawin yun si Ella na ang next.

"Halikana Izza. Dalhin na natin 'to agad sa computer room.", Tumango na lang si Izza.

Pagkatapos sabay na kaming naglakad papunta sa computer room.

Pagdating namin ni Izza sa computer room agad kaming pumasok sa loob. Wala naman sinabi si Mr. Norman kung saan namin 'to ilalagay pero sakto may isang computer doon na nakabukas baka yan yung gagamitin niya. Doon ko na lng ilalagay yung mga papeles na 'to.

Pagkalagay ko doon bigla akong tinanong ni Izza.

"Jahz. Nakita mo ba kung anong meron jan sa mga papeles na yan?", Huh? Napatingin ako sa mga papeles ni Mr. Norman.

"Hindi pa. Ano kaya yung mga nakasulat dito?", Lumapit sa akin si Izza.

Dahan-dahan kong binuksan yung folder. Sabay kaming nagtaka nung makita namin na halos lahat ng mga papel ay walang sulat. P-puro bond paper lang ata 'to eh. Sabay kaming nagulat nung biglang nagsara mag-isa yung pinto ng computer room.

My goodness! Nakakagulat naman yun! Agad kaming naglakad papunta sa pinto para buksan. Si Izza yung nagbukas pero nung binuksan niya bigla siyang napatingin sa akin. Nanlalaki yung mga mata niya nung tumingin siya sa akin. A-anong nangyari?

"Uy bakit may problema ba? Buksan mo na para makalabas na tayo dito. Kailangan pa nating puntahan si Ella.", Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

"Jahz... h-hindi mabuksan yung pinto.", Ano?!

"Ano?! Hindi pwede yan!", Sinubukan ko ding buksan yung pinto pero h-hindi talaga siya mabuksan.

"Anong nangyari dito? H-hindi tayo pwedeng magtagal dito. Kailangan pa nating puntahan si Ella.", Tumingin ulit sa akin si Izza.

"Baka plano 'to ni Mr. Norman para hindi natin siya maunahan.", Nanlaki yung mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Izza.

H-hindi. Hindi pwedeng mangyari 'to!

{Magagawa bang iligtas nila Jahz at Izza si Ella? ABANGAN.}

-End of Chapter 32-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon