CHAPTER 27 - HER....

Start from the beginning
                                    

Pero kung inaakala nyo na di pa ko nakamove on sakanya

F... Y... I...

Tama kayo huhuhuhuhuhu

oh sya.. stop with that nonsense topic! (punas sa luha)

Eto na ko ngayon sa Building namin.

Pagpasok na pagpasok ko ay sinalubong agad ako nila kat at jhay.

Nagtaka ako dahil sa magkakatumpok tumpok ang mga kaklase ko na tila may sarisariling grupo na nagkukuwentuhan.

Pagkaupong pagkaupo ko ay agad ko silang tinanong.

Magkakadikit din kasi kami eh

Si jhay nakaupo sa upuan ko, si kat hinila nya yung upuan nya at itinapat iyon sa upuan ko at ako naman, nakaupo sa desk ng arm chair ko.

"Uhmm aNong meron?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Di ka updated? Ipinalabas na yun sa news ah" kat

"Oo nga.. " jhay

"Ah kase...ano... Umalis kami eh.. Kaya di ko.. Di ko napanood yung news"

Haisst!! Kailangan ko pa tuloy magsinungaling!!

Pero parang totoo naman.Umalis naman talaga ako.

"Ah sige.. Ikukuwento ko na lang" jhay.

"Ako din ^__^ " kat

"G-geh" kinakabahan kong sagot.

"ganito kasi yan.. sabi sa news.. meron daw babae na nag maneho ng superbilis at umabot iyon ng 273 mph (439 km/h), unbelievable talaga zap" jhay

Babaeng nagmaneho ng..273 mph (439 km/h)?

hehehehe mukhang ako yata yun eh..pero malabo. 

"oo tapos zap.. isa pa lang SSC Ultimate Aero ang gamit nya

Confirm! ako nga yung sinasabi nya.

pero..

Pano nya nalaman na isa yung SSC?

"SSC? ah... hehe uhmm.. galing.. oo hehe. " 

Ano ba yan.. ang hirap pa lang umacting na believe na believe ka kung alam mo naman na ikaw pala ang usap usapan sa loob ng classroom. oops.. sa news nga pala ibinalita.

Malamang usap usapan ako ng buong mundo

"waaaaaaaaaaaaah" (blink blink)

Ay gagi!

" bakit ka nasigaw?" kat

"nakakagulat ka naman" jhay

"anong sinisigaw sigaw mo dyan talunan ha?" kumag

Problema na naman ng kumag na toh?

Naku! manahimik ka dyan kumag ha! Nag iisip pa ko ng paraan kung bakit ako nasigaw eh

"Magsalita ka nga !" 

"hello" walang gana kong sabi

"Ginagago mo ba ko? ang tanong ko kung ano ang sinisigaw sigaw mo dyan! tanga! ang sagot hello? hello! nasan yung utak mo?" kumag

Ang aga aga pina painit na naman  ang ulo ko ng kumag na to eh!

"Alam mo? bago ka magsabi ng tanga sa kapwa mo? alamin mo muna kung isa ka rin bang tanga! kasi .. sabi mo magsalita ako kaya... sabi ko hello... diba nagsalita ako?" 

"tss! whatever talunan ka pa rin" saad naman nya

"Wag ka na nga munang umepal! Nagkukuwentuhan pa kasi kami tungkol sa nagt-trending ngayon!"  sagot ko naman

"Nagt-trending? what do you mean? yung girl na may SSC?"

"oo...." 

"Well if you DON'T KNOW ako ang kasama nya sa sasakyang yan

'whoa!!!'

'talaga? ang swerte naman '

'Anong swerte dun? nakakatakot kaya!'

Dinig kong sabi ng mga kaklase ko

at..proud ka pa na ako ang kasama mo ha...

(smirk)

"Talaga? So anong ginawa mo buong byahe?" 

sige... anong isasagot mo ha?

"N- Nagkwentuhan kami,.. bakit?"

"Nagkukwentuhan?  ahahahahahahahahahahahahaha wahahahahaha wahahahhahaha patawa ka din noh?? ahahahaha"

Nagkwentuhan lang daw kami ahahahahaha .. eh humiyaw nga lang sya ng humiyaw buong byahe eh 

"hahahahahahahaha"

Alam nyo? nagtataka na ko ngayon pero tuloy lang ako sa kakatawa.

Lahat ng kaklase ko ay nagsibalikan na sa kanya kanyang upuan , maging si kumag pero ako? eto tawa ng tawa ahahahahahha ikaw ba naman, maalala mo yung mga epic na mukha ni zhen? tatawa ka rin ng tatawa!

*blaag!!*

"MS. KURSHWELL! YOU MAY NOW LEAVE!!!" 

(Blink Blink)

B-bakit? anong ginawa ko?

--------

Wag po kalilimutang mag vote :)

Free pong mag comment

At follow nyo rin po ako hehehe plzz

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now