..

.

"Yung CCTV ok na ba?" Tanong ni Gab sa isang lalaking dumating.

"Yes boss.."

"Good. I can't wait to watch the best play ever..."

"Anong plano nyo?"

"Simple lang, alam kong kapag naipit si Dada sa sitwasyon, gumagamit ng baril yun... At kapag may nangyaring bakbakan, sisiguraduhin natin may mamamatay... Hahahaha!!!"

"Anong ibig mong sabihin boss?"

"Set up... Yun ang gagawin natin, palalabasin nating nabaril si Dada ng mga pulis... Pero, ang hindi nila alam, inside job ang mangyayari"

"Ala Ninoy Aquino pala ang drama?" Komento ng isa pang lalaki.

"Tumpak.! Yan ang gusto ko sayo Johnny, kahit minsan gumagana din ang utak mo... O sige na... Get back to work!"

...

..

.

"Men, good luck! Pag nagtagumpay tayo ngayon, hindi lamang isa ang madadali... Si Mr. Tang at positive na nanduon... He has a meeting with Oscar Tanchingco... This gonna be a big catch..." Parang sigurado ang lalaking heneral sa sinasabi nito

"Hanggat walang lumalaban, walang magpapaputok... Walang shoot to kill order kaya wag padalos dalos..."

"Sir Yes Sir!!!" Kuro ng mga ito

Si Glaiza naman tahimik lang...

But she's eager to do her duty for one last time...

...

..

.

Nang nagsi alisan na ang mga bisita, agad namang naghanda si Oscar para sa kanyang lakad. Nag bihis lang ito saglit.

"Hon, aalis muna ako ha... Don't wait for me, Ok? I love you..." Paalam ng lalaki sa asawa.

"Bumalik ka kaagad ha... Wag ka magpaumaga, wala ka nang matinong tulog nitong mga nakaraan.

"Im fine Hon... This is my last deal, tutuparin ko na ang pangako ko sayong magbago at tumigil sa gawaing ito."

"Salamat Oscar, salamat at pinakinggan mo na ako... I love you too"

"Anything for you... Ok, I have to go now.."

"Mag iingat ka Oscar..." Mahigpit na bilin ni Amanda

"I will Hon... Wag kang mag alala... Di ako mag tatagal don."

Pagkatapos magpaalaman ay umalis na din si Oscar...

...

Bago ang nasabing oras, nakaposisyon na ang mg otoridad...

Glaiza take one platoon in one side. At bilang in charge sa nasabing misyon, sya din ang magbibigay ng mando sa mga kasamahan nito.

Gamit ang transmission device as their communication, don lang nag uusap usap ng mga strategy ang mga team leader.

"Alpha, Charlie, Delta. Information: may paparating na mga sasakyan to the entrance,"
Ani ng TL ng bravo

"This is Alpha... Copy that... Back area is clear and we are ready to take position inside... May nakita akong lagusan papasok" si Glaiza naman ang sumagot.

"Charlie, Delta... Stay and control the wings until futher instructions..." Dagdag pa nito

"Copy that." Halos sabay na sagot ng dalawang tao na maririnig gamit ang kanilang earpiece

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz