Chapter 17: YOU'RE SAFE NOW

138 6 1
                                    

Third persons's POV

Hapon na at balak na nilang pumunta sa lugar na sinabi n zeke.

"Sa tingin mo dito talaga dinala sila chixx?" paglingon ni lance kay zhiell habang naka tingin ito sa daan. Nakasakay nakasakay sila  sa kotse ni zeke. At si zeke ang nagmamaneho habang si zhiell nakatingin pa rin sa labas at nag-iisp hindi nya pinansin ang tanong ni lance.

"May kutob akong dito talaga sila dinala." Si gian na ang sumagot sa tanong ni lance.

"Ibang klase. Nagtatagalog na ang gangster prince natin. Keep up the good work!"

"Tss.....get your hands off on me.." Tinapik tapik ni lance ang balikat ni zeke habang sinasa i iyon

"Pero syempre, hindi pa rin mawawala yung word na 'tss'..."

"Nagagawa mo pang magbiro sa sitwasyon na ito?" Inis na tanong ni cyrus. Halata sa mukha nyang naiinis sya ng lingunin sya ni zhiell.

"What?" Takang tanong ni cyrus ng hindi pa inaalis ni zhiell ang  tingin nya dito.

"You're kinda obvious" seryoso sambit ni zhiell  at tumingin na ulit sa labas. Puro puno lang ang makikita dito

"Nadali mo bro!" palakpak ni lance

"Huwag nyo akong simulan"

"Kinakabahan na sya haha...."

"Magsitigil nga kayo!" Habang nakatingin pa rin si zhiell sa labas hinarang nya ang libro sa mukha nya ng maramdaman nyang may papalapit sa  kanya na paniguradong binato ni cyrus..

"Aminin mo na kase....." Pang-iinis na naman ni lance.

'Hindi ba ito titigil kahit ngayon lang?' Sa isip ni cyrus

"Wala akong aaminin. Dahil wala naman akong dapat aminin. Ikaw ang may dapat aminin."

"Anung aaminin ko?"

"Na may----" naputol ang sasabihin dapat ni cyrus ng tumigil ang sasakyan.

"Anung nangyari bakit tumigil tayo?" Tanong ni lance , lahat sila lumabas ng kotse para tignan kung anung nangyari

"Yung sasakyan lang ang tumigil hindi tayo kasama" sabat ni cyrus

"Out of gas"

"Ang ingay mo kase kaya ayan naubusan tayo ng gas"

"Wag ka ngang mambatok cyrus! Hindi ko na kasalanan kung nagwapuhan sakin yung gas kaya naubusan tayo"

"Kung gas lang ang nilalabas ng kayabangan mo edi sana napakinabangan pa natin yan..."

"Enough.....let's just walk. That's not a problem" naunang lumakad si zeke, sumunod sa kanya si zhiell at nasa likod naman nila yung dalawa.. Mag-aaway na naman yung dalawang yun. Maya-maya titigil din yang dalawa na yan kapag pagod na sila.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. At paminsan-minsan nag-aaway pa rin yung dalawa. Napahinto sa paglalakad si zhiell ng may naramdaman syang kakaiba. Kasaby nya lang din na napahinto sa paglalakad si zeke. Dahil naramdaman din nya.

"Naramdaman nyo din pala" sumeryoso na sa pagsasalita si lance.

Biglang may sumulpot na mga lalaki sa may puno at pinalibutan silang apat.

"Ngayon na lang ulit ako mapapalaban. Oi cyrus paramihan tayo ng mapapabagsak!"

"Ako pa hinamon mo"

"Syempre ikaw lang naman lagi kong katunggali....ayoko sa lahat yung back fighter duwag lang ang ganun" may biglang sumulpot sa likod nya na sinuntok naman nya habang nagsasalita sya.

"Study HARD not Study HEART"[EXOSHIDAE FANFIC]Where stories live. Discover now