Chapter 10.2: UNKNOWN FEELINGS

157 8 22
                                    


Elic's POV

    Alam nyo yung tipong tatanggi ka na sana dun sa favor kaso biglang binawi at sinabi.
"NO CHOICE KA PALA KAWAWA NAMAN YUN KAPAG WALANG KASAMA HAHAHA..."

Saya diba?kaya in the end nandito ako sa bahay ng gangster.

Swerte ko kase pwede daw akong kumain dito
Pero nasabi ko na bang kakambal ng swerte ang malas? Kase naman kami lang dalawa ang nasa bahay. Lahat sila umalis nasaktuhan pa na day off ni manang.

Ayaw naman daw nila na magdagdag pa ng ibang katulong kase sabi ni tita mas maganda daw kusang gumawa sa bahay sila zhia.

Si manang naman kaya nila kinuha dahil yaya nilang 3 simula nung bata pa kaya ganun na lang ang closeness nila.

Since ako na alang ang natirang mag-aalaga sa kanya, pumunta muna ako ng kusina para magluto. Panigurado gutom na yun paggising hindi pa naman yun kumain simula kaninang umaga.

  Kung hindi nyo naitatanong. Hindi ako SANAY magluto pero MARUNONG ako magluto.

Magulo ba? Pwes explain ko sabi ng mama ko ang pagkakaiba nilang dalawa ay yung marunong may nalalaman sa mga bagay-bagay pero ang sanay bihasa na simula dati pa.

Naghanap ako ng sangkap ng lugaw sa cabinet pero wala akong makita. Pati yung sangkap ng sopas.

Anubayan bakit wala man lang ganun dito sa cabinet nila zhia? Pero sabagay bakit naman kase sila magkakaroon agad ng mga sangkap dito ng lugaw o sopas. Anu yun? Alam agad nila na may magkakasakit?

Hindi malay mo iniisip lang nila yung possibleng mangyari?.

Eh baka naman nagkataon lang?

Panu mo naman nasabing nagkataon lang?

Ah basta ganun na yun.

Hayss...  Eh Bakit ko ba kausap sarili ko?

Hindi na ako bibili ng mga ingredients nila kase pag umalis pa ako sinu naman makakasana dito ni zeke? Tsaka baka kung ano pang mangyari dun. Im just concern. Ikaw kaya iwan ko sa bahay ng mag-isa tapos may sakit ka pa. Baka kung ano mangyaring hindi maganda.

Baka pagbalik ko multo na pala yung inaalagaan ko-- stop masyado namang exagge yung iniisip ko.

Naghanap na lang ako dito ng noodles para mainitan si zeke at para bumaba yung lagnat nya.


Mga ilang minuto naluto ko na yung noodles at kumuha ng isang cup. Nang mailagay ko na yung noodles sa cup. Humarap na ako habang hawk yung cup sa kamay ko para pumunta ng kwarto ni zeke. Pero ang hindi ko inaasahan nasa likod ko na pala si zeke.

"What are you doing?"

Nagulat ako kay  zeke at nabitawan ko yung hawak ko kaya in the end napaso ang paa ko. Shit!!! Ang init! >.<

Nagtatalon ako dahil sobrang init. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kapag napapaso ang isang tao ay nagtatalon sila. Ngayon alam ko na kung bakit para mabawadan yung sobrang init sa paa mo.

Medyo nagulat ako nung binuhat ako ni zeke at dinala sa may lababo. Binuksan nya yung gripo at sinahod yung kamay sa tubig at dahan dahan na binubuhos sa paa ko. Pasalamat na lang ako dahil isang paa lang yun natapunan.

Sobrang pula nung paa ko kaya medyo naluha lang ako ng kaonti. Malayo naman toh sa bituka kaya hindi ako mag-aalala.

Pagkatapos nyang buhus-buhusan yung paa ko. Dinala nya ako sa sala at inupo sa may sofa nila. At umalis saglit pumunta ng kusina.

Pagbalik nya may dala na syang first aid kit. Nakakahiya naman sa kanya dapat sya yung inaalagaan ko imbes na ako yung inaalagaan. Ang malas mo naman elic. Kakabit mo ata yung panganib. Matanong nga si mama kung pinaglihi nya ba ako sa panganib.

&quot;Study HARD not Study HEART&quot;[EXOSHIDAE FANFIC]Where stories live. Discover now