Gawain ng tamad -___-

Namjoon's POV***

"Namjoon!"napalingon ako sa likod ko at nakita si Gilagid na papalapit sa akin"Ano nanamang pinuputok-putok ng gilagid mo at lalapit-lapit ka sakin ngayon?"tanong ko sa kanya

"'Toh naman.Gilagid nanaman napansin sa akin"sabi nya pagkalapit na pagkalapit nya

-__-

Eh gilagid naman talaga ang unang mapapansin sayo,ngumiti pa lang sya kapansin-pansin na

"Hinamon tayo nung kabilang school.Basketball daw bukas,game?"tanong nya habang nilalaro sa kamay nya yung dala nyang bola

Nubayan.Meron akong lakad bukas eh

"Pwede bang pakisabi sa ibang araw na lang?"tanong ko sa kanya habang napapakamot sa batok ko"Ano?!Bakit?Bawal ka ba bukas??"tanong nya

"Eh kasi..."tiningnan ko sya pero lumagpas ang tingin ko sa kanya ng makita yung babaeng naglalakad sa likod nya"Pre.Alam mo namang--"natigil sya sa pagsasalita at napatingin din sa likod nya kung saan ako nakatingin.Nang makalagpas na sa amin yung babae binalik na nya ang tingin nya sa akin

"Punta ka sa dating tambayan.Alis muna ako"iniwan ko sya dun habang sya nagtataka sa kinilos ko

Hoseok's POV***

-o-

Kaantok..

"Wala ba tayong gagawin??"lingon ko kay V na nasa tabi ko at nagbabasa ng comics"Meron"sagot nya at di manlang ako tinapunan ng tingin

"Ano??"agad kong tanong"Hindi ko alam"

Punyeta.Kaya ayaw kong kasama ang isang toh eh -__-

Di ko nalang sya kinausap at natulog na lang

"Hoy!Mga ugok!Sa dating tambayan.Now na"

Nakaramdam ako ng may tumapik sa balikat ko"Tara,sa dating tambayan daw"sabi ni V na nakatayo na kaya tumayo na rin ako

Ano kayang problema ng Badjao na yun at nagpatawag na lang bigla?Habang naglalakad kami sa hallway papunta dun ay nakasalubong rin namin si Jimin at JungKook kaya inakbayan ko si Jimin"Narinig mo??"tanong nya at tinuro pa ang tenga nya"Oo naman pupunta ba ako dito kung di ko narinig?"

Narinig kong natawa pa sila JungKook sa likod namin.Pagpasok namin sa loob nandun na si Gilagid na nakaupo sa isa sa mga table"Ano bang meron?"

"Ewan,sabi nya pumunta ako dito nung magkausap kami kanina"sagot ni Yoongi sa tanong ko"Ba't wala si Jin Hyung??"tanong ni JungKook

Boy In Luv | ONE SHOTWhere stories live. Discover now