Chapter 4: Guilty

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi nalang ako nakasagot sa sinabi niya. Tumingin nalang din ako sa bintana ng kotse niya habang yung driver niya ay parang hindi na alam kung san magbabyahe ang kotse. There's an awkward sound right now! After that argument of ours in this car, first time kong napatahimik. Siya lang ang nagpatahimik sakin sa ganitong klaseng sagutan. He got the point but it's like, there's something that is still wrong. Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi niya o hindi. O half agree ba ko sa opinion niya o not agree?

"S-Sir nandito na po tayo sa Mall. Magshoshoppi------"

"Bababa nalang ako! Hatid mo nalang tong babaeng to! Magcocommute nalang ako" bigla naman niyang sabi at deretsong bumaba ng sasakyan. Bakit ba siya ganun? Bakit ba ang pikon niya? Why is he so upset? Nagalit siya sa sinabi ko? Naguilty? Ang labo naman ng lalakeng to!

Bumaba ako ng kotse at tinawag ko siya. Ang drama drama naman kasi nito e!

"Hey! Stop!" patuloy ko padin siyang tinatawag pero hindi na siya lumingon pa. Ang drama talaga nito! Hindi ko alam kung makokonsensya ba ko o magguiguilty sa nagawa ko e. Ang drama drama niyang tao! Parang babae!

"Ma'am! Hatid ko nalang po kayo sa bahay niyo sabi ni Sir" gusto ko sanang tumanggi kay manong driver pero baka naman anu pang gawin ng boss niya sa kanya. Pero nakakahiya e! Utang na loob ko pa sa kanya to!

"Hindi sige okay lang po ako! Magjejeep nalang po ako. Hanapin niyo nalang po si Mr P---- yung boss niyo po sa loob ng mall. I'm sure hindi pa nakakalayo yun" sabi ko naman sa kanya pero kamot na kamot na siya sa batok niya e. Hindi niya ata alam kung anung gagawin niya.

Sinamahan ko nalang siya sa paghahanap kay Peeler guy! Masyado naman kasing madrama yun e! Mas babae pa ata sakin yun e! Akala mo nawalan ng kayamanan kung makapagwalk out ng ganun e!

Halos nilibot na namin ang buong paligid pero hindi padin namin siya nahanap. Hindi ko na alam kung maiinis ako o magaalala e! Ang drama drama naman kasi nun!

"Kuya wala talaga siya! Nasan naba yung boss mo?" pagaalala kong tanung kay kuyang driver. Eh kasi naman e! PaVIP naman tong lalakeng yun! Hindi naman siya Big Bang para maging fandom ng VIP!

"Siguro po nakauwi na yun o nakasakay na ng taxi. Iuuwi nalang po kita Ma'am. Bilin niya po kasi sakin yun e!" wala akong nagawa kundi tumango nalang. Ang labo naman kasi ng lalakeng yun e! Masyado talagang madrama!

Sumakay na kami sa sasakyan nang magsimula nang magdrive si kuyang driver. Bakit ba parang alalang alala ko dun sa lalakeng Peeler na yun? Malaki nanaman yun? Pero bakit ba parang nagaalala na ako sakanya nung hindi namin siya nahanap?

"K-kuya. Ganon ba talaga yung alaga niyo? Bakit ba parang ang sungit sungit nun?" tanong ko naman sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Ah si Sir Phil? Tahimik lang po talaga yun! Sa totoo nga po ngayon lang yan sumigaw e. Ngayon ko lang din po narinig na nagalit yun e. At sayo lang po siya nagalit ng ganun" nagulat naman ako sa narinig ko. Siya? Sa 'kin lang siya nagalit ng ganun? Parang hindi naman halata?

"Sa totoo nga lang po, masayahin po yan si Sir Phil e. Mababa po yung pasensya tapos tahimik lang po talaga. Mabait po yun! Minsan nga siya pa nagdidrive pag may pupuntahan kami e habang ako nakaupo lang po" mabait nga siya. Pero bakit ganun? Bakit ba hindi halata? Pero pag sakin ang harsh niya. Tapos pinabayaan niya lang akong patakbuhin kanina gamit ang kotse niya. Hay! I need some answers that questions my brain!

Nakarating na kami sa Sparluke ng wala sa oras. Mabilis naman kaming nakarating kaya naman nagpaalam nalang ako at nagpasalamat. Quarter to 9 nadin ang oras ngayon kaya naman pumunta agad ako sa dorm para gumawa ng assignments at homework ko. P-pero yung gamit ko nasa restaurant pa! At nandun yung mga gamit ko! Iba na talaga pag tanga!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon