Chapter 24

4.6K 55 12
                                    

Jessy's POV

Hawak ko ang kamay ni Ethan habang pa pasok kami sa lumang bahay. Bahay to ni Mommy nung bata pa siya at ngayon wala ng nakatira dito simula ng mamatay si grandpa. May 2 care takers na lang ang nag babantay at nag lilinis dito.

"Ano ba kasing nangyari Jessy?" kanina pa ko kinukulit ni Ethan at kanina pa ko umiiling sa kanya..

Hindi ba siya nag sasawa?

Totoo naman kasi na nanaginip ako kagabi pag katapos ng laban namin nang Fox na yun. That jerk! Hinalikan niya ko! Next time na mag harap kami babasagan ko na siya ng precious jewels niya. Ang kapal ng mukha.

I had a bad dream at hindi ko alam kung bakit nasama si Ethan sa panaginip kong yun. Ang panaginip ko eh yung pag lalaban namin ni Fox at nang tatanggalin ko na ang bonnet niya tsaka sumulpot si Ethan sa likod ko at pinigilan ako.

Kaya nakawala sakin si Fox at nabaril niya si Ethan sa dibdib. Hindi ko alam ang gagawin ko sa panaginip kong yun. Umiiyak ako habang hawak ko sa mga braso ko si Ethan na walang buhay.

Nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko si Ethan sa hospital at tsaka nako nag break down ng mayakap ko siya.

"Ang kulit mo talaga. Tara dun tayo sa dating room mo. " sabi ko at hinila siya.

Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kay Ethan. Kaya naman next time mas mag iingat pa ko para hindi malaman ng kalaban ang identity ko. Buhay ng mga mahal ko ang nakataya dito.

"Bakit naman sa kwarto pa? Sa garden tayo." hila niya sakin palabas ulit ng bahay.

Na miss ko lang naman yung mga picture niya sa kwarto eh. Si Mommy ang nag ayos nun. Picture niya sa iba't ibang magazine at pictorials niya noong bata pa. Dati kayang model ang mahal ko.

Gulat ba kayo? Well gwapo naman talaga si Ethan, kaya nga lang habang lumalaki kami nag babago din ang interest niya sa buhay. Sabi nga noon ni Mommy siya ang susunod sa iniwan niya pero hindi din nag bago. Dahil ang Ethan ngayon eh isa ng business man at surgeon.

I'm so proud of him.

Successful na siya sa buhay.

"Ethan pano pala kung may nililihim pala ko sayo? Magagalit ka ba sakin?" tanong ko out of nowhere.

"Huh? Bakit meron ba?" tanong niya at umupo sa swing.

Tumabi ko sa kanya at kumapit sa braso niya.

"Ako unang nag tanong eh. Sumagot ka na lang." sabi ko at sumandal sa balikat niya.

"It depends. " sagot lang niya.

My Little Secrets.... (COMPLETED) (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon