After a few ay tapos na din syang mag bihis.

"Nay aalis na po kami."

"Tita, aalis na po kami"

Paalam ng dalawa.

"Mag iingat kayo ha... Gel, paki ingatan yang si Glaiza, hindi pa naman yan sanay uminom at mabilis lang yan tamaan... Drink with moderation... Saka wag kayo mag drive nang lasing... Pag di nyo na kaya tawagan nyo ako at ipapasundo ko kayo kay Alchris." Nag aalalang bilin ng ginang

"Opo nay" sagot ni Glaiza

"Don't worry tita, akong bahala kay Glaiza" segunda naman ni Angelica.

...

..


.

Sa Bar.

"Andito na kami sa baba... Harujusko!!! Pinagpawisan ang kilikili ko kakapilit sa Manang nyo... Osya, pakisundo na lang kami sa may lobby at nakalimutan ko kung anong floor yang club."

Tahimik lang din si Glaiza at tila malalim ang iniisip...

"Makakalkal pa ba natin yan Cha?" Tanong ng katabi nito

Nagsalubong ang mga kilay na nilingon ang kaibigan at tila di na gets ang tanong nito.

"Ang alin?" Inosenteng tanong ni Glaiza

"Yang iniisip mo! Ang lalim e, oh... Ano, patanggal ko na ba ang goma ng sasakyan ko ng magamit mong salva bida?"

"Ikaw talaga puro ka kalokohan... May iniisip lang ako... Pasensya na." Matamlay na sabi ni Glaiza

"Ano bang iniisip mo? Pag ibig o trabaho?"

"Pareho."

"Cha, you're the one of the strongest woman I've ever known... Positive, wise, at determined... But look at your self, hindi ikaw to e... I was expecting you to say na 'it's ok. I can fix this, I can figure it out'... Look, ano man ang pinagdadaanan mo, at the end it will be ok. So if the situation is not ok, then this is not the end... Stop being mean to yourself"

Humugot ng hininga si Glaiza at sabay buntong hininga...

Tama ang mga kaibigan nya, what she's doing now is not a typical Glaiza. Pero hindi nya din alam kung bakit...

Maybe she's too hurt?

She's torn?

Only God knows.

Maya maya ay namataan na nila ang isa nilang kaibigan na si Abby.

"Kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman masyado Ab, but you come on time... Dahil kung tumagal baka naging Mother Teresa of Calcutta na ko dito" saka nag daop palad si Angelica na parang magdadasal.


"Haha! Loka! Tara na nga bago ka pa mabaril ni Glaiza..."

Saka sila pumasok sa nasabing lugar.

...

..


.

"Sayaw tayo... C'mon Rhi!" Yaya ni Lovi sa kaibigan

"Im fine Lov, kayo na lang..."

"No... You have to come with us... Tama na ang pagiging KJ, ok? You're here to enjoy not to mourn." Segunda naman ni Solenn saka hinila si Rhian papunta sa dance floor.

Isa isang nagsipuntahan ang iba pa nilang mga kaibigan.
Si Patty ang dj kaya sa harap ng set sila pumwesto...

Sayaw dito, sayaw doon pero si Rhian nanatiling nakatayo.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now