"Rhian, please... Let me explain"

"Explain what Glaiza?!! Para ano? Sasamantalahin mo ang kahinaan ko dahil alam mong mahal kita?!! Ha!!! Pinaniwala moko... Niloko moko! Pinaniwala mo akong mahal moko! Binigay ko sayo puso, tiwala at kaluluwa ko pero isang misyon lang pala ako sayo!!! Anong ipapaliwanag mo?! Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo?!!!" Sigaw ni Rhian habang umiiyak. Galit na galit sya sa kaharap

"No... Hindi kita niloko Rhian... Hayaan moko magpaliwanag please" pagmamakaawa ni Glaiza at nagsimula na ding tumulo ang mga luha.

Ibinato ni Rhian kay Glaiza ang USB.

"Wala ka nang dapat ipaliwanag pa...alam ko na lahat ng pakay mo!!! Ngayon... Umalis ka na habang hindi ko pa naiisipang isumbong ka sa Dada ko... Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka ng mga Tanchingco at kapag nalaman nila ang kukay mo, malilibing ka lang dito." Pananakot ni Rhian




"Hindi, Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo pinapakinggan ang paliwanag ko... Wala akong pakialam kung ipapatay man ako ng Tatay mo... Pero Pakiusap... Hayaan mo akong linawin lahat ng to Lab" saka lumapit si Glaiza kay Rhian at akmang yayakap

Biglang may kinuha si Rhian sa ilalim ng unan nito.

"Wag mokong hawakan kung ayaw mong ako mismo ang unang papatay sayo! (Tinutukan nya ito ng baril) enough of this circus Glaiza... Umalis kana and never try to cross the line... Dahil sa oras na may mangyari sa pamilya ko, ikaw ang mananagot sakin...!"

Saglit na nagtinginan ang dalawa. Mata sa mata...

Punong puno ng galit ang mga mata ni Rhian samantala nakikiusap at nagsusumamo naman ang kay Glaiza.

Masakit para kay Rhian ang mga binitawan nyang salita... Lalo pa sa taong mahal nya... Pero hindi nya ineexpect na aabot sila sa ganitong eksena.

Nanginginig ang mga kamay nito habang hawak ang baril.na ngayon ay nakatutok pa din kay Glaiza.

Napaatras na lamang si Glaiza dahil kitang kita nya sa mga mata ni Rhian ang sobrang galit...

Sobrang sama din ng loob nya pero hindi nya masisisi ang babae. Alam nyang malaki ang kasalanan nya pero wala syang magagawa, she was torn between her life and duty...

Wala syang magawa para ipagtanggol ang sarili sa harap ni Rhian...

Sinunod na lang nito ang sinabi ng babae...

Agad itong nagligpit at umalis sa bahay ng mga Tanchingco na masama ang loob at nasasaktan.

...



..



.

"Glaiza... Anak..." Nababahala na si Nanay Cristy dahil mula nang dumating ang anak ay puro kalabog at iyak na lang ang naririnig nya mula sa kwart nito.

"Anak... Buksan mo to..." Sigunda ni Tatay Boy.

...


"Aaaahhhhhhhh!!! Huhuhu!"

Baklas dito... Bato doon.

Hagis dito... Hampas doon.

Lahat ng gamit na nakakapag paalala at sumisimbolo sa pagiging pulis ni Glaiza ay pinag initan nya.


Maya maya ay bumukas ang pinto na pinilit siraij ng Tatay at kapatid nya.


"Sus dyos ko Glaiza, anong nangyayari sayo..." Sambit ni Nanay


HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now