"Ano yun Hon? Tungkol saan?"

"Kay Rhian."

"Bakit anong problema kay Rhian.?"

"Naikwento kasi sakin ng mga kasambahay natin... Napapansin nilang sobra na sa natural ang kilos ni Rhian at ang kanyang bodyguard..."

"Are you trying to say na may relasyon ang dalawa?" Bahagyang natawa ang lalaki sa sariling tanong

"What's funny Oscar? Laganap ang ganyang sitwasyon sa mga kabataan ngayon at hindi impossible yan sa anak mo..."

"So what's the big deal Amanda? Saka wag ka magyadong magpapaniwala sa sabi sabi... Better confront your daughter kesa naman umaakusa ka agad."

"Hindi ito accusations Oscar, dahil siguradong sigurado sila sa sinasabi... Sige nga... Kung ikaw, anong iisipin mo pag laging naghaharutan yung dalawa? Nagsusubuan kumain... Madalas ipagluto nung Glaiza si Rhian... At minsan pa, Love daw ang tawag ni Rhian sa babaeng yun..."

"Alam mo Hon, kausapin mo na lang ang anak mo tungkol sa bagay na yan... Wala naman kasi akong nakikitang mali don. Pag ibig yan e, di mo napipigilan... Kaya kung totoo man, supportahan na lang natin as long as masaya si Rhian sa disisyon nya... Sige na, matulog kana... Wag mo nang masyadong alalahanin si Rhian. Nasa tamang edad na sya magdisisyon para sa sarili nya... Ok?" Pagkasabi ay dinampian nito ng halik sa noo ang asawa at bumalik sa pagkakahiga.

Samantala, hindi nadalaw ng antok si Amanda kaya tumambay muna ito sa mag balcony ng kwarto nila para magpahangin...


Wala pang ilang minuto nang narinig nito ang ugong ng sasakyan ni Rhian na papasok ng gate.

Maya maya ay bumaba na ang dalawang babae...saglit na napatayo ang dalawa at tila nag uusap hanggang sa nakita nitong hinalikan ni Glaiza si Rhian sa noo at sa lips saka nagyakapan ang mga ito.



Ngayon, hindi na basta sabi sabi lang ang lahat, sapat na ang nakita nya para makompirma na may namamagitan nga sa anak nya at babaeng bodyguard nito


...


..


.

Masaya ang gabing yun para kina Glaiza at Rhian...

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kilig na dala ng surpresa ni Glaiza kay Rhian.


Pero kahit non stop ang ngiti nito, ni hindi manlang nya nararamdaman ang ngalay sa panga nya.

She never thought that this is how much happiness Love can bring...

"So pano, good night gorgeous!" Bati ni Glaiza ng makarating na sila sa taas at ngayon ay nakatayo sa harap ng pinto ng kani-kanilang kwarto

"Yeah. Good night sexy Love... And thank you very much for this wonderful night... I feel so love and lucky... Masyado mo na ata akong sinasanay... Mamaya, baka hahanap hanapin ko na to" pabebeng sabi ni Rhian


"Don't worry Baby Love, ok lang masanay ka at hanap hanapin mo, hindi naman ako mapapagod na pasayahin ka... Dahil mahal na mahal kita"


Pagkasabi ay mabilis na lumapit si Rhian kay Glaiza at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit.


"Tanging wagas na pasasalamat lang ang maibabalik ko sayo ngayon Lab, pero tandaan mong mahal na mahal na mahal kita" bulong nito


"Osya, sige na... Mamaya hindi na kita mabitawan... Good night Baby Love..." At kiniss nito si Rhian sa noo at sa lips ng mga 10secs.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now