To Risk My Love

91 3 8
                                    

[Prologue]

"Tapos na tayo." tatlong salita lang ang sinabi nya pero pakiramdam ko ay gumuho na naman ang mundo ko.

Tapos na kami.

Sabagay hindi narin naman bago sakin ang ganitong tagpo. Ilang beses na ba itong nangyari sakin?

Isa? Dalawa? Labingdalawa?

Hindi ko na mabilang sa dami.

Minsan naiisip ko na talagang baka hindi ako ginawa para maging 'the lucky one'.

I'm always the bitch in their story.

Ako yung babaeng ibibigay ang halos lahat sa kanila pero pagkatapos ay iiwanan lang.

Ako yung isa sa marami nilang koleksiyon. Ako ang kontrabida pero ako rin ang laging umuuwing luhaan.

Hindi ko alam kung anong mali sakin. Kung bakit hindi nila ako makita tulad ng kung paano nila nakikita ang mga babaeng minamahal nila.

Kung bakit nananatili akong isa lamang sa mga pampalipas oras nila.

Kung bakit hindi maaaring sa susunod na istorya ay ako naman ang mapansin at maging bida.

Kung tutuusin ay hindi ko naman talaga pinapangarap ang maging bida, ang gusto ko lang ay ang mahalin din.

Ang maging espesyal sa mata ng isang tao.

Ang maging soulmate at happily ever after nito.

Pero ilan na nga bang nakarelasyon ko ang nagpaasa sa akin na ako na nga?

Ilan beses ko na bang hindi naisip ang kapakanan ko para sumugal sa posibilidad na baka sa bagong relasyong papasukan ko ay ako naman ang magiging 'the lucky one'.

Paulit-ulit akong umaaasa.

At paulit-ulit ding nabibigo.

Hindi nga siguro ako ang tipo ng babaeng makakapagpatino ng isang Stephen o makakaagaw ng atensyon ng isang Kenji. Hindi ako ang ililigtas ng isang Silver o Van. At kahit siguro ideklara ko kay Drake na boyfriend ko na siya ay tatawanan lang ako nito.

Hindi ako ang sentro ng buhay nila, pero sa kanila umikot ang mundo ko. Hanggang ngayon siguro.. umaasa ako.

Ano bang nakita nila sa mga babaeng minahal nila ang hindi nila nakita sa akin?

Minahal ko sila ng buong buo, tipong handa kong ibigay ang gusto nila.

Handa kong isuko ang buo kong pagkatao para lang masuklian nila ang pag-ibig ko.

Bakit hindi ko mapabilis ang tibok ng puso nila? Bakit walang sparks ang pagkikita namin, at bakit kung meron man ay init ng katawan lang ang dahilan?

Wala nga sigurong nilikha para sa aming mga extra lang sa storya nila.

[One : Dance]

Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iyak habang nagsusulat ng isang lalaki ang lumapit sa akin at nag-abot ng panyo.

Eto na naman.

Panibagong kwento.

At muli, ako na naman siguro ang kontrabida o extra dito.

"Oh, bat mas lalo kang naiiyak?" tanong niya sa akin.

Bakas sa mukha niya nag pag-aalala.

Nangyari na ito sa akin noon. Isang lalaki rin ang nagbigay ng panyo sa akin. Pero sa kalaunan ay naging luhaan rin ako.

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakakakilala ako ng lalaki ay naa-attach ako ng mabilis. At mabilis din naman akong iniiwan. Siguro iyon ang ayaw nila sa akin. Hindi ako challenging.

To Risk My LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum