Epilogue

198K 5.2K 901
                                    

EPILOGUE

NAPATIIMBAGANG si Ibarra pagkatapos niya itong sampalin.

"Why did you slap me?" he asked, his voice deep and dark.

"Tingin mo pa lang, mukhang may balak ka nang hindi kanais-nais!" Inirapan ni Erica ito. "Alam ko na ang mga pinagagawa mo sa mga pinsan mo noon. Nakuwento na sa'kin lahat ni Haley. Kaya no way, highway na madi-discourage mo 'ko kay Charlie. Mahal ko 'yun."

Dire-diretso siya sa pagsasalita. Sasabihin niya na lahat ngayon at walang itatago tungkol sa nararamdaman niya kay Charlie. Matagal niya nang kinipkip 'yon at kung kailan puwede nang sabihin, ang dami masyadong epal.

"'Yung sa café resto noon. Di'ba sinadya niyong iparinig sa'kin iyon?"

Hinawakan nito ang nasaktang pisngi. Ginalaw pa nito ang panga. "Damn, you slap the strongest."

"Hindi ka daw nasampal ni Crystal Jane at Lavender. Pinagsama ko na lang." Inangat niya ang palad. "Gusto mo isa pa?"

Agad itong napaatras at tumayo ng tuwid. Nanliit bigla si Erica. Pero hindi siya natatakot rito!

"I'm not going to test you because I'm busy with other things. And based on your reaction on that café-resto, you love Charlie that much. Na kahit masakit sa'yo, kaya mo siyang harapin at kausapin nang matino. You're not quick to judge kahit na mas makatotohanan ang mga sinasabi namin."

"So, umaarte lang kayo no'n? Ginamit niyo pa ang pangalan ni Lolo Carlos!"

"It was partly true, Erica. We are worried for Charlie. We have always known that he was smiling but hurting inside since his grandfather died. Depression and guilt ate him." Nagkibit-balikat ito. "But seeing him now with his enthusiasm to have you, we all knew that he's back to his old self."

Hindi niya ito masyado maintindihan. Bago pa siya makapagtanong ay inunahan siya nito.

"Do you love Charlie?"

Napataas siya ng kilay. "Oo nga, di'ba?"

"Are you willing to marry him? Dahil alam namin na oras na umamin ka ring mahal mo siya, magpo-propose agad siya ng kasal."

Napalunok siya at tumambol ng mabilis ang puso. "T-Totoo?" Wala sa plano niya ang pagpapakasal. Ngunit kung si Charlie ang mag-aaya, hindi niya matatanggihan!

Wala na siyang ibang maisip na makasama sa buhay kundi si Charlie lang. She can never find a guy like him again.

"So, tell me. Are you willing to marry him? Immediately?"

"Gaano ka-immediate?"

"On his birthday."

Next month na agad?! Nakagat niya ang labi. "Siyempre yung mga ganyan, pinagdadasal." Ang bilis masyado!

"Alright." Tumalikod na ito at tinungo ang pintuan palabas. "I'll give you a month."

"Sandali. Paano kung payag na ako?"

Nilingon siya nito at ngumisi. "Then, do you want to see Charlie cry?"

***

NAKANGISI si Ibarra at inabot ang tuxedo sa nakatulala pa ring si Charlie. "Surprise, surprise. Hindi naman kita puwedeng pabayaan."

Napatingin si Charlie kay Ibarra. The latter messed with the former's hair. "You have helped me a lot with this kind of thing. How come you didn't notice?"

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon