Chapter Two

180K 4.3K 606
                                    

CHAPTER TWO

Four years ago...

KUNG HINDI dahil sa make-up niya ay magmumukhang zombie na hindi nakakain ng brains si Erica.

"Sir, approved na po ba? I-approve niyo na, Sir. Sige na," pagmamakaawa niya kasabay ng mga kasama niya sa thesis research na sina Inez at Candice.

Halos lumuhod na ang kaibigan niyang si Inez. "Sir, pang-limang revise na po namin 'yan. Gusto na po naming makapag-defense. Gusto na po naming maka-graduate!"

Kumikislap ang mga matang tinignan sila ni Sir Arnel. Ito ang kanilang thesis adviser at napakahigpit nito magmula nang simulan nila ang thesis last semester. "Girls, babasahin ko muna. Okay? Come back after an hour."

"Sir, malapit na po ang filing of confirmation for graduation," sabi pa ni Candice. "Gusto po naming mapasama sa listahan. Parang awa niyo na po."

Sumingit ulit siya. "Sir, kung ipapa-revise niyo po ulit sa'min, sabihin niyo na po ngayon pa lang. Huwag niyo nang patagalin. Huwag niyo na kaming paasahin. Ang sakit-sakit nang umasa sa wala. Pagod na pagod na kaming umasa tapos nganga!"

Hugot! Pak! Ganern!

Nagkatawanan ang mga faculty na nakarinig sa kanya at pati mismo si Sir Arnel. Napahagikgik na rin ang dalawa niyang kaibigan.

Nako, ha! Ilang beses nilang nilamay ang thesis at ayaw na ni Erica na maibalik na naman sa kanila iyon at umulit na naman. Balde-baldeng kape na ang nanalaytay sa dugo niya dahil lang sa letseng thesis na iyan.

"Erica—"

"Reject na naman po ba? Ayaw niyo?" Napahalukipkip siya. "Sige. Sanay naman na kaming laging inaayawan. Laging iniiwan. Laging pinagpapalit. We are always never enough! Do we deserve that kind of love?"

"May pinagdadaanan ba 'tong kaibigan niyo?" natatawang wika ni Sir Arnel sa mga kaibigan niya.

"Huwag niyong pansinin tong si Erica, Sir. Nahawa yata sa mga pasyente sa Mandaluyong."

Pucha! Kung hindi pa ma-approve ang thesis nila, papasok niya na ang sarili sa mental hospital. Nakakabaliw, amputs! Masaya ang mag-aral ng Psychology at sa apat na taon niya sa kursong iyon ay marami siyang natutunan.

Kaya nga kumbinsido siyang dumiretso ng Medicine pagka-graduate. She'll go on with Psychiatry.

Pero paano mangyayari iyon kung hindi makapasa-pasa ang thesis nila?

"Sir, kung dudurugin niyo po ang puso ko, durugin niyo na po ngayon."

Napailing-iling si Sir Arnel. "Hay nako, Erica, tama na ang paghugot." Kumuha ito ng ballpen at pinirmahan ang huling pahina ng seventy-six pages nilang thesis. "You did great, girls. Sa Saturday na kayo haharap sa panel."

Nanlaki ang mga mata ni Erica at nagkatinginan sila nina Inez at Candice.

"Galingan niyo sa defense."

Nabulabog ang buong faculty sa lakas ng tili ni Erica. Sigurado na siyang makaka-graduate sila! Matagal na nilang pinaghahandaan ang defense at hindi na sila mahihirapan doon.

Nakalabas na sila ng faculty at nagtititili pa rin si Erica dahil sa sobrang saya. "Sa wakas! Tagumpay! Let's go, Tamaraws! Let's go!" chant niya pa sa school cheer nila.

"Maligayang maligaya, 'teh? Kasama buong FEU dapat?" ani Inez. "May defense pa tayo."

"Tss! Chicken feed! Tagal na nating na-practice iyan at jusko lang, ha! Alam na alam natin kung paano papatunayan iyang thesis natin sa daming beses ba naman natin iyang ginawa?" Ready na ready na nga rin ang sexy corporate attire na isusuot niya sa defense.

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon