Chapter Four

132K 3.8K 331
                                    

CHAPTER FOUR

Sa tingin ni Erica ay lawit na ang dila niya habang hinihila ang mga maleta paakyat ng hagdan. Tumatagaktak ang pawis niya. Pati sa kili-kili. Shet.

"Ang dami mo yatang gamit. Dito ka na titira forever?" mapang-asar na sabi ni Charlie.

Ang hinayupak, di na nga siya tinutulungan, nang-aasar pa.

"Lumayas ka nga sa harap ko kung hindi mo ako tutulungan." Nagpalinga-linga siya nang nasa gitna na siya ng hagdan. "Si Lolo Carlos?"

"Umalis kasama nila Daddy." Humalukipkip ito. Hindi pa rin siya tinutulungan. Talaga naman, oo!

Hingal na hingal siya pagka-landing sa second floor. Dalawang maleta lang naman ang magkasabay niyang hinila paakyat. At pinapanood lang siya ni Charlie!

"Hay nako, Mama!" bulalas niya na lang sa sarili. Ang Mama niya kasi ang nag-empake ng mga gamit niya. Pagkapunta niya sa dorm sa Manila ay nandoon ang Mama niya. Nagbigay na ito ng huling bayad niya sa landlady at inayos ang mga gamit niya.

Kaunti lang ang mga gamit niya sa dorm at iyon lang ang balak niyang ilipat kila Charlie. Ngunit sinama pa yata ng Mama niya ang ilang gamit niya na nasa bahay nila sa Amora.

"Doon ang kuwarto mo," turo ni Charlie sa pinto ng kuwarto na katapat nito.

"Hindi mo man lang ba ko tutulungan dito?" sarkastikong wika niya.

Ikiniling nito ang ulo. "Kaya mo na 'yan," nakangising sabi nito at saka tumalikod na. "Aalis pala ako. Ikaw muna bahala sa bahay."

"Saan ka pupunta, uy!" Baka biglang dumating si Lolo Carlos at hanapin ito. Dapat pa naman, magmukha siyang know-it-all kay Charlie dahil siya ang dakilang asawa.

Nilingon siya nito. "May pag-uusapan lang kami ni Chryzelle."

Ah. Pupunta sa girlfriend. "Sige, sige. Basta bumalik ka agad. Ano sasabihin ko kay Lolo Carlos 'pag hinanap ka?"

Nagkibit ito. "Bahala ka na. Babalik naman ako kaagad."

She rolled her eyes. Magsisinungaling na naman siya, bwiset na yan. Pagkaalis nito ay tumuloy na siya sa magiging kuwarto niya. And wow, in all fairness, pagkapasok niya sa kuwarto ay maganda at malinis na malinis iyon.

Napangiti siya at agad na sumubsob sa malaki at napakalambot na kama. Humugot siya ng malalim na hininga at napapikit.

Hindi pa nila alam kung hanggang kailan mananatili si Lolo Carlos doon. Pero habang nandoon ang matanda ay hindi sila dapat mabuko ni Charlie.

Hanggang saan kaya sila tatagal ng lalaking iyon?

Bigla niyang naalala ang sinabi nito sa kanya kaninang umaga. Huwag daw siyang ma-fall in love rito? Tss. Paano naman mahuhulog ang loob niya rito, eh napakabigat ng dugo niya rito? Kita nga at hindi man lang nagpaka-gentleman kanina!

"Wala ka nang pag-asa tumino, Charlie," inaantok na sabi niya kahit wala naman doon ang lalaki. Napahikab siya at tuluyan nang nakatulog.

Nagising lang siya dahil sa isang tinig.

"Charlie? Charlie?"

Naalimpungatan si Erica dahil papalapit nang papalapit ang tinig na iyon. Boses lalaki. Hindi boses matanda. So, hindi si Lolo Carlos.

"Charlie! Nasaan ka? Pautang naman, o!"

Bumangon si Erica at kinukusot-kusot pa ang mga mata na binuksan niya ang pintuan.

May isang lalaking nasa tapat ng kuwarto ni Charlie at kumakatok.

Napahikab siya ng malakas kaya napalingon sa kanya ang lalaki. Biglang natigilan si Erica. Fucking shit! It's Reynald! Charlie's handsome cousin!

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon