Chapter One

237K 5.9K 900
                                    

Written: 2015

Edited and Proofread: Irish Tuazon, 2017

Published under PHR (2018)

***

Warning: Some strong/explicit use of language in the whole story. Please be guided.

Read at your own risk.

***

CHAPTER ONE

MALALIM ang buntong-hiningang hinugot ni Erica bago naglakas-loob na maglakad. Huminto siya sa tapat ng mataas na steel gate at saka pinindot ang doorbell.

Alam niyang may tao sa loob ng bahay dahil bukas ang ilaw sa second floor at bukas ang pinto ng balcony.

Napalabi siya nang makita ang kanyang mga sari-saring halaman na naka-display sa balcony at mukhang last week pa nakatanggap ng pagdidilig. "Huwag kayong mag-alala, friends! Babawiin ko rin kayo. Stay put lang kayo diyan!"

Pinindot niya ulit ang doorbell at saka kinalampag na ang gate. "Oy, mayabang na chef! Buksan mo ang gate! Ibalik mo na ang mga halaman ko sa'kin!" sigaw niya at saka sunud-sunod na pinindot ang doorbell.

Wala pa ring lumalabas!

"Charlie! Utang na loob, ibalik mo na sa'kin ang mga halaman 'ko!"

Apat na linggo na siyang pabalik-balik sa bahay ng halimaw niyang ex-"husband" para kunin ang mga halaman niya. Pero hanggang ngayon, ay ayaw parin ibalik sa kanya ang mga iyon ni Charlie! Kundi ba naman gusto lang talagang makapang-asar ang tinamaan ng lintik!

"Charles Lyndon Anderson Ditangco! Bubuksan mo ang gate o gigibain ko 'to?!" sigaw niya pa at wala na siyang pakialam kung maka-abala siya sa neighborhood.

Punung-puno na siya sa mga kalokohan ni Charlie! Tatlong taon na ang lumipas at hindi pa rin nagbabago ang kumag sa pambubuwisit sa kanya. At talagang alam nito kung ano ang kahinaan niya.

"Charlie! Hoy!"

Mula sa balkonahe ay may narinig siyang sumipol. Pagtingala niya ulit doon ay hindi na lang ang mga halaman niya ang nakikita niya... kasama na si Charlie.

Gulo ang buhok at singkit na singkit pa ang mga mata. Halatang bagong gising ang kumag habang naka-puting sando pa.

Magkasalubong ang mga kilay na tinunghayan siya nito mula sa balkonahe. "From a small lady like you, you do know how to make a scene, huh?" Napahikab ito. "It's seven-thirty in the morning and you shout like that. Baliw kang talaga, ano?"

"Papasukin mo nga ako! Huwag mo 'kong binibirahan ng English diyan ngayong galit na galit ako. Makikita mo, ma-a-uppercut kitang kurimaw ka!" Kinalampag niya ang gate. "Ibalik mo ang mga halaman ko!"

Tinukod nito ang siko sa balustre at nangalumbaba. Ngumiti pa ang kumag sa kanya.

Putragis ka, Charlie! Huwag mo 'kong nginingitian ng ganyan, hindi pa 'ko nakaka-move on sa'yo. Pu--PI ka!

Forgive her bad-mouthed thoughts. Hindi filtered ang iniisip niya kapag nagkakagulo ang damdamin niya. Pucha! Tatlong taon na, ganito pa rin epekto sa kanya ni Charlie. Kawawa na siya.

"Erica, you can take care of a new set of plants, can't you? Bakit mo pa babalikan ang mga halaman na 'to? Tatlong taon mo 'tong inabandona. Pagkatapos ay babalikan mo ngayon? Ayaw na nila sa'yo!"

"Nakakausap mo mga halaman 'ko?"

Mapang-asar ang tawa nito. "Hindi ako kasing baliw mo. Three years kang hindi nagparamdam at last month bigla kang babalik? Para ano? Bawiin ang mga halaman mo?"

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon