Chapter Fifteen (Part 2)

154K 3.9K 420
                                    

CHARLES: Bakit hindi ka sumipot kanina? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? :(

Erica: Biglang sumama ang pakiramdam ko. 

Nakatulog ako.

Charles: What?! Where are you? Are you okay? 

Uminom ka na ba ng gamot? I want to see you. :(

Erica: Masama pa rin pakiramdam ko. 

Usap na lang tayo kapag okay na 'ko.

Charles: Can I call?

Erica: Magpapahinga na ulit ako, Charlie. 

Bye muna.

Charlie was still typing his message but Erica logged out already. Ang sakit na ng mga mata ni Erica sa kakaiyak at hindi niya alam kung bakit nagawa niya pang makipag-chat kay Charlie nang ganoon ka-kaswal. Totoong masama na ang pakiramdam niya, sumama na mula nang umalis siya sa café resto na sana ay pagkikitaan nila.

Pumasok si Jeraldine at inabutan siya nang isang baso ng tubig.

"Ang gaga ko talaga," aniya saka pagak na natawa.

Hindi ito nagsalita at ipinagpasalamat niya iyon. Her cousin just sat beside her silently. Hanggang sa nakatulog na lang siya dahil sa pagod.

Pagkagising niya kinabukasan ay katabi niya ang pinsan niya. Gising na ito at nahiga lang sila nang tahimik.

"Kumusta na?" she asked softly afterwards.

"Okay lang naman." Pero maya-maya ay bigla na namang tumulo ang mga luha niya kahit wala naman na siyang ginagawa.

Hinaplos-haplos ni Jeraldine ang braso niya.

"Pasensya na. Ang arte ko. Mga buwiset kasi nila." Pinunasan niya ang mga luha.

"Ano bang iniisip mo ngayon?"

"Wala. Nagpapalamig lang ako." Napasinghot siya at saka yumakap sa unan niya. "Hindi 'ko puwedeng basta-basta paniwalaan 'yung mga narinig ko. Na-shock lang talaga ako. Pag-uusapan naman namin ni Charlie 'to. Siyempre, papakalma lang ako. Ang sakit din kasi. Totoo man o hindi."

"Makikinig ka kay Charlie?"

Napalabi siya. "O-Oo...Ang immature lang na agad mag-assume. Pucha, ang tatatanda na namin. 'Yung mga ganito, pinag-uusapan ng matino at maayos." Hindi na siya ang dating Erica na beinte-uno anyos lang na bastang umaalis at hindi nagpapaalam.

Wala namang naayos sa ganoon. She needs to be mature, to act her age. Natutunan niya na sa mga ganitong klase ng problema, hindi dapat mas tinataasan ang pride.

Tumango ito. "You're doing the right thing, Erica."

Napatulala na naman siya sa kisame. "Paano kaya kung totoo iyon tapos nakita ko mismo sa mga mata ni Charlie na nagsinungaling siya?" Nangilid na naman ang luha sa mga mata niya. "Tapos kailangan ko lang intindihin. Patawarin. Kahit masakit, patatawarin. Shet!" Napalunok siya at kinusot ang mga mata. "Ang hirap maging Kristiyano, beh."

Humiga si Jeraldine sa tabi niya at ginaya ang posisyon niya."Wala, eh. We chose to follow Jesus. We chose to love God. Kaya kahit ang sarap-sarap na lang talikuran lahat ng taong nanakit sa'tin, kahit ang dali-dali na lang huwag makinig at magalit sa mga taong niloloko tayo, we have to show them still how God loves them."

Napasinghot na naman siya at napapikit. "We have to model how Jesus loves. We have to be selfless... We have to be good even the world wouldn't. Kailangang perfect tayo?"

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon