Chapter 32

13.3K 416 15
                                    

Chapter Thirty-Two

Ethan

HE underwent all the best treatment. Hindi kahit kailan sumuko ang kanyang ina kahit na sobrang napakaliit ng posibilidad na pwede pa siyang mabuhay.

He too wanted to live.

Gusto pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Gusto pa niyang mabuhay para kay Sofia noon.

Napakarami niyang pangarap para sa kanila. Asang asa rin siya noong gagaling pa siya kaya halos gumuho ang mundo niya ng tinaningan na siya ng doktor. Si Sofia agad ang naisip niya. Natakot siyang hindi na niya ito muling mahawakan, mayakap at mahalikan. Takot na takot siyang mangyari iyon. Pero kalakip ng takot niya ay ang labis labis na pagmamahal na nararamdaman rin niya para kay Sofia. Kaya kahit sobrang sakit sa kanya ay nagawa niyang gawin ang bagay na siyang sa tingin niyang mas makabubuti para dito.

Stupid at it may seem, but it was the best decision that he could only think para hindi na mas lalong mahirapan pa si Sofia. The earlier she'll believe that he's dead the shorter she'll have to suffer the agony. He did not want to give her false hope. And if Sofia was with him along the way, she could have suffered too during his treatment. He was too afraid that she'd carry the burden while he was on the verge of waiting for his death. Ayaw niyang ang sakit niya ang maging dahilan na hindi ito makafocus sa pag-aaral nito, at lalo na sa mga pangarap nito.

He did lose faith at those times. Nawalan siya ng pag-asa.

Hindi niya inaasahang totoo palang nagkakaraon ng milagro kahit na napakaimpossible na sa kanyang sitwasyon.

Miracles do exist. And it did happen to him.

Hindi niya alam kung mas gugustuhin nalang niyang tuluyan siyang namatay o matutuwa siyang cancer free na umano siya ayon sa kanyang Oncologist.

At hindi niya alam kung paano siyang mabubuhay kung may tao siyang labis na nasaktan dahil sa kawalan niya ng pananalig sa Diyos at sa kanyang sarili--ang babaeng hanggang ngayon ay mahal na mahal parin niya.

Sana pala ay naniwala siya kay Sofia noon. Sana pala ay tinatagan niya ang pananalig sa Diyos kagaya ng ginawa nito.

Gusto niyang pagsisihang ginawa niya ang desisyon niya noong papaniwalain itong patay na siya.

But looking at her right now. He knew he did the right decision.

Masaya na siya ngayon na nakita muli si Sofia, na nagtagumpay itong maabot ang mga panarap nito noon.

Ilang minuto silang natahimik matapos niyang maikwento kay Sofia ang totoo. Alam niyang may puwang sa puso niya. At alam niyang si Sofia lang ang makakapuno niyon. But he didn't mind if she could fill in that hole again. Kontento na siyang nakita ito ngayon. Malaki ang kasalanan at pagkukulang niya kay Sofia. Hindi na nito kailangan pang malaman na hanggang ngayon ay ganoon parin ang nararamdaman niya para dito.

Sofia deserves Gab more than he ever was.

Alam niyang mahal na mahal ito ng pinsan niya. Even when they were young alam niya ang totoong nararamdaman ni Gab para kay Sofia. Iyon ngalang ay hindi siya kagaya ni Gab. Hindi siya kasing mapagbigay at kasing mapagparaya kagaya nito.

Ganoon siya noon...

Pero noong nagkasakit siya ay dun lang rin niya napagtanto at naunawaan ang sakripisyo at pagpaparaya na ginawa ni Gab. Iba pala pagsobra mong mahal ang isang tao. You are more than willing to sacrifice your happiness para sa ikabubuti niya, para sa mga pangarap niya at para sa kaligayahan niya.

My Angel Gabriel #Wattys2016 ( Self-Published)Where stories live. Discover now