***
"Hoy mga unggoy! Tulungan nyo kami maglinis dito kesa nanti-trip kayo!" Digaw ni Nicks.
"Drake,Jerich narinig nyo iyon? MAY HUMIHINGI NG TULONG. MAY HUMIHINGI NG TULOOOOONG!" tawa ako ng tawa sa tono ni Rick with action pa! Yung dalawa nakisali na.
"Wonder pwets- este wonder pets, tayo na at maglinis! Tara na! Wonder pets, wonder pets nandito na. Maglilinis ng bahay ng sama-sama. Hindi malalaki at hindi malalakas pero pag nagtulungan lahat malulutas! Goooooooo wonder pets! Yeeeeey!" Sabay sabay nilang kanta. Kung makikita nyo ang mga mukha nila, nako tatawa talaga kayo. Binuhat ni Rick di Lizelle na nagpupumiglas,"BI-TA-WA-MO-AKOEEEEEERRRR!" In the end napabitaw si Rick dahil pulang pula ang kawawang cheeks nya dahil kinurot ng may gigil ni Liz.
Bago pa magkagulo iku-kwento ko na ang nangyari.
Flashback
To: MonayLizelle ; NickNock ; Euderick Paulate ; eRich ; Dj Pogi XD
[Oy, punta kayo dito sa bahay. Anniversary pala nila Mama. Dala kayong pagkain. Bilisan nyo ha? Geh na. Ingats :* :* :* ]
Nag-ayos na ako bago pa sila dumating. Nagluto na si Mama ng mga pagkain, ako nagpadiliver ng pizza tapos bumili na ng cake at ice cream. Ganito kami kapag may celebrations, palaging pinaghahandaan. Wala namang napapanis dahil inuubos nung mga kumag. Pinabibilis ko sila dahil pagdating ng gabi matatapos ang celebration dahil ang anniversary dinner date sila Mama at Papa kaya ako lang mag-isa dito.
"Claire, parating na daw ba sila?" Tanong ni Mama habang tinutupi ang hinubad nyang apron.
"Yes Ma, papunta na. Kain mo muna kayo," sabi ko sa kanila dahil tanghali na din.
"Eh ikaw? Tara dito kain ka muna," aya sa akin ni Papa habang tinutulungan si Mama mag-ayos sa mesa.
"Mamaya na po. Hintayin ko na sila para sabay-sabay na kami," sabi ko at umupo na sa hagdan sa tapat ng pinto.
Ang saya lang dahil 20 years na pala sila Mama at Papa mula nang maikasal sila. Ang galing nga dahil tumagal sila ng ganun. Tapos napalaki nila ako ng maayos. Kahit di kami ganun kayaman, nanatili kaming masaya kahit simple lang. Basta talaga may pagmamahal,tatagal.
Dingdong. Dingdong
Eto na yata sila. Lumakad na ako papuntang gate.
"Haaay sa wakas. Tara na sa loob, kanina pa kayo hinihintay," hinila ko na yung dalawang babae na hila-hila din yung dalawang ugok.
"Paano ako?" Nagpaout pa si Dj. Haha. Oo nga pala no? Binitawan ko yung dalawa.
"Una na dun. Tara dito, Bal." Tapos hinila ko si Dj sa tabi ko. Nauna nga yung apat nagparinig naman.
"Pinag-palit tayo?" Nick
"Oo nga eh. Pag-ibig nga naman." Liz
"Pare ang lakas ng kamandag ni Drake kay Claire ah!" Rick
"Sinabi mo pa Bro, eh talo tayo nyan eh!" Jerich
Hinayaan nalang namin sila, sanay naman na kami sa pagpaparinig nilang apat.
***
YOU ARE READING
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...
Just Be Happy ^_______^
Start from the beginning
