Yumuko ako, "Sorry..."

"Huh? Sorry?" pagtataka ni Matt.

Kinuha ko sa bulsa ko ang picture ni Kleifford, Sean at Lei na nakita ni Kate sa drawer ko kanina.

Inihagis ko ito sa lamesa upang makita nila.

"Ano 'to Lei?" - Phil

"Haha. Anlakas din ng trip mo, 'no? Hindi mo naman sinabi sa 'min na mahilig ka magsuot ng mga ganito?" - Matt

"Para saan ang mga 'to Lei? Bakit may tatlong picture ka rito?" - Franc

So, hindi nila napansin ang differences ng tatlo.

"Ako ang tatlong taong nasa picture na nakikita niyo,"

"Tatlong tao?"

Tumango ako, "Oo. Iyang isa, normal siyang estudyante sa araw. Kilala siya bilang Kleifford. Iyang pangalawa naman, isang model. Sikat na model. Si Sean Zeret. At yung isa, si Lei na kilala niyo. Bale tatlong tao sila na pinagpapanggap ko. Sorry kung hindi ko 'to sinabi sa inyo agad. My real name is Kleifford Seane Zuther and not Lei Sandoval which is one of my identities. Sorry..."

As I expected, nagulat sila sa sinabi ko.

Pero imbis na magalit, natawa sila na siyang ipinagtaka ko.

"So sinasabi mong nagpapanggap ka bilang tatlong tao? At isa si Lei do'n? Hahaha! Lakas ng trip mo pre!" natatawang sabi ni Phil.

Napangiwi naman si Franc, "Ito ba ang importanteng sasabihin mo?"

Isinarado ko ang mga kamao ko, "Totoo ang sinasabi ko. Hindi 'to joke. May tatlo akong katauhan. Nagpapanggap ako bilang tatlong tao sa iba't ibang pangalan! Pero iisang tao lang ako! Hindi niyo ba iyon maintindihan?"

"Naiintindihan ka namin," sagot ni Matt.

"Pero bakit ganiyan ang reaksiyon ninyo? Hindi ba kayo nagagalit sa 'kin?" bulyaw ko.

Nagkatinginan sila at tumawa ulit.

Tsk. Ginagalit ako ng mga mokong na 'to, ah.

Naging seryoso ang mukha ni Matt at lumapit siya sa 'kin.

"Wala namang kaso sa 'min kung gusto mong magpanggap sa tatlong katauhan eh. Ni ako rin, may aaminin,"

Huh?

Humarap si Matt sa kanila, "Sa totoo lang, nagtatrabaho ako bilang bartender. Side job ko yun. Tutal, umamin na rin si Lei, aamin na rin ako. Pasensya na. Hindi ko sinabi agad,"

Tumawa ulit ang tatlo.

Hinila ko si Matt sa kwelyo niya, "Hindi ako nakikipaglokohan sa inyo okey?! Seryoso ako sa sinasabi ko!"

Naramdaman kong tinapik ako ni Phil sa balikat ko, "Easy kang Lei. Ano ba 'ng ikinagagalit mo?"

Hinarap ko siya, "Iyon na nga eh! Kaya sinasabi ko 'to sa inyo, dahil ayoko nang maghintay pa na malaman niyo! Ako si Kleiifford, Sean at Lei. Nagpapanggap sa tatlong personalidad dahil sa maraming dahilan! Dahil sa trabaho, sa scholarship at sa pagsama sa inyo kaya ko 'to ginagawa. Ayoko nang may masaktan pang muli. Ayoko nang maulit yung nangyari kay Kate. Hindi ko kakayanin kapag pati kayo, mawala rin sa 'kin kaya hindi ko na 'to pinapatagal pa..."

Nanahimik sila.

Matapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Franc, "Ano ba 'ng nangyari kay Kate?"

Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko. Naalala ko bigla yung pangyayari kanina, "Yung isang personality ko ay naging girlfriend siya. The Kleifford one. At si Sean naman, naging matalik niyang kaibigan. At si Lei, oo. Ang kilala niyang Lei ay isang gangster na walang ginawa kundi inisin siya. Kanina, nalaman niya ang lahat. Hindi niya sinasadyang makapasok sa kwarto ko at doon niya nakita ang lahat ng pruweba na ang tatlong taong kakilala niya ay iisa lang..."

My 3 Identity BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora