2|Bad News

120 7 0
                                    

"Mama, gusto ko bear naman. "

Nilingon ni Stephanie si Angela na bising bisi sa pagde-decorate ng icing sa pang-apat na cookie nito.

"Sure sweetie. And stay here, okay? May kukunin lang si mama. "

"Okay.. " sagot nito sabay tango.

Iniwan niya ito sa kitchen at tumungo sa living room. Sigurado siyang doon niya naiwan ang phone kanina. Tama nga siya at nasa coffee table lang. Kinuha niya ito at sakto namang nag ring. Chineck niya ang phone at nakita ang pangalan nang bestfriend niya.
Two days na rin since they last talk, busy kasi ito sa pag-aasikaso sa papa niya na kakaopera lang. Nagkasakit si Uncle Poi sa kidney kaya nang tumawag ang Tita Mel ni Catherine na ooperahan ang papa niya ay umuwi agad siya sa Cebu. Taga doon talaga ito pero nang grumadweyt ay nagpa Maynila agad ito.
They met nung magkasabay silang nag apply sa Summer Jades Suites, ang hotel na tinatrabahuan niya ngayon. At hindi naman nagtagal ang kaibigan doon. Hindi kasi sila magkasundo ng boss nila.

"Hi bes. Kumusta ka na dyan? Ang papa mo?"tanong niya agad dito pagkasagot sa telepono.

" Okay naman na si papa. He's already in good shape kaya by friday siguro ma di-discharge na siya. "

"Good to hear that. Please say our regards to him. By the way, Angela missed you already lagi tinatanong kung kelan ka daw babalik dito." natatawang sabi niya sa kaibigan.

"I missed her too. I just have to wrapped up things here saka babalik na ako dyan. Extended na rin kasi ang leave ko."

Stephani frowned. "Maiintindihan naman siguro ng boss mo. At saka no pressure from Angela bes. "

"Kahit na, andito naman na si Tita Mel kaya may magbabantay na kay papa sa bahay. Saka may bad news ako. "

"Ano naman yon? " tanong niya dito.

"Don't freak out okay? " sagot nito sa kanya.

"O.. Kay.. "

Hindi naman ito nakasagot agad sa kanya. Kung nasa harapan niya ito sigurado siyang mapu pukpok niya ito sa ulo. May pa suspense pa itong nalalaman.

"Si Paul bes.. "

Bigla namang nanlamig si Stephanie sa narinig. It's been six years since she heard that name. At hanggang ngayon ay may epekto pa rin ito sa kanya. Napaupo siya sa sofa nang manlambot ang tuhod.

"Bes? You okay? " concern na tanong ng kaibigan niya.

"Uhhmm.. Yeah. So what about Paul?" Sabi niya sa mahinang boses.

"He's back!"

Para namang tuluyang huminto ang oras para kay Stephanie. No. It can't be! Baka nagkamali lang siya ng narinig.

"Here? Sa San Isidro? "

Agad namang sumagot si Catherine sa kabilang linya. "Yes bes. "

"Holy shi**! " halos pasigaw na sabi ni Stephanie sa kaibigan. So, she heard it right! What the..!

"Kaya nga gusto ko nang bumalik dyan eh. I really don't want that bastard near you or Angela."

"No. No. Sure ka dito? Sino naman nagsabi sayo niyan?" paniniguro niya. Ang lakas nang tibok nang puso niya halos ito na lang ang maririnig niya. She can hardly breathe.

"Si Francis. Tumawag siya kanina after lunch, nagkita daw sila ni Paul sa isang convention sa Canada. Na mention daw nito na babalik siya dyan sa San Isidro this week. Saka na confirm na rin ni Francis kanina sa airport. By now, andyan na siya." paliwanag nito sa kanya. "Sigurado anytime, magkikita kayo non. Ang liit pa naman nang San Isidro. "

Say You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon