Chapter 3: Part time Job

Depuis le début
                                    

Napatayo naman ako bigla at tinignan kung sino yun. Wag naman sanang mumu.


"Cash!" Mahina pero pasigaw nang tawag.


Napalingon naman ako sa likod ko. Napahinga ako ng maluwag nang makitang------tse. Silang dalawa na naman. Kala ko maligno. Nakahawak ba naman kase ng flashlight sa mukha at nakacheck pa yung kamay sa baba nya, si Andrew. At yung isa, nakatutok sa mukha ko yung flashlight na dala nya at nakapeace sign, si Jane yeah.


"Buti naman gising ka na. Asan na yung kamote?" Agad na tanong ni Jane.


"Aish! Oo na ito na!" Naiinis na sabi ko.



"Ssssssshh. Magising Lola mo." Banta ni Andrew na ikinairap ko.


Naman oh. Kinuha ko na yung isang plastic ng kamote at binigay na sa kanila sa bintana.


"Thank you Cash!" Pasasalamat nila at umalis na.



Heh. Ewan ko kung mga kaibigan ba talaga yung mga yun. Langya eh, walang kamu-kamusta. Hahahaha.


Makapagtrabaho na nga lang tutal di na ako makakatulog nyan alam ko.






**




Pagpasok ko pa lang ng gate nang school. Center of attraction na naman ako. Grabe popular talaga ako!



"Look girls. Anong nangyare sa Valedictorian ?" girl 1

"Lampa kasi." girl 2



Yung iba naaawa sa akin. Pasa pasa kasi ako at puro sugat. Kala mo sumabak sa rambol. At duh~~sinong lampa?! Ikaw kaya paharap ko sa lola kong amazona.

"CASH!" Tili sa malayo ng isang tinig. And guess who? Si Jane.



*bugsh*




"Aray." Daing ko, nahuli na naman ako nang pag-iwas sa yakap nya.



"Sorry------oh my god! What happened?" Nag-aalalang tanong ni Jane.

"Pumunta kayo kaninang madaling araw sa bahay, di nyo man lang nakita?" Poker face kong tanong sa kanya pabalik.


"Di namin nakita----oh Andrew" pagkakaila ni Jane.


"Tara" sabay abot sa akin ng kamay nya.


Inabot ko naman ito.



"Teka! Andito pa ako sa sahig eh noh? Pano naman ako?" Reklamo ni Jane.


"Lampa ka kasi *smirk*" Pang-aasar ni Andrew kay Jane ng nakangisi.


"Aba! Hoy hindi ah." Inis na sabi ni Jane bago mapatayo ng tuwid.


Eto na naman sila at magsisimula na naman. Naglakad na lamang ako palayo sa kanila bago pa sila magrambulan sa harapan ko.



"Cashmere! Pupunta pa tayong clinic oy!" Rinig kong habol nila sa akin.


"A.YO.KO!" Madiin kong sagot sa kanila. May klase pa kaya kami, duh~~



"Tanga *batok* dun din bagsak mo!" Inis na sabi ni Jane sa akin with matching batok pa. Aray huh. "Sa tingin mo ba papayag ang anghel nating teacher na ganyan itsura mo?" May point nga naman si Jane, ang tanga ko nga.


Moon Academy: Special School For Arts And WizardyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant