Chapter 3: Part time Job

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tama na yan. Tara na, umuwi na tayo. Bibigyan ko na lang kayo ng kamote sa bahay pambayad sa pagsama sakin." Pag-aawat ko na ikinatigil nila.


"Deal! Sige, okay na yun." Sabay na pagsang-ayon pa ng dalawa. Nagkakasundo talaga sila pagdating sa kamote.

Nagjeep na kami pauwi, nilibre naman ako ni Andrew eh, magsisix na rin kase. Kailangan ko pa magluto, maglinis, maglaba, at magreview.


Naglakad na kami papasok ng barangay.


At pagtapat sa bahay..................



"CASHMERE!"



........patay.



"Ah eh. Sa susunod na lang siguro yung kamote Cash." Natatarantang paalam ni Jane bago hilain si Andrew........at ang dalawang unggoy nawala na lang bigla sa paningin ko.



"Ikaw babae ka! Nakipaglandian ka na naman!" Singhal sa akin ni Lola bago ako sinabunot-sabunotan.


"Lola, m-masakit p-po." Utal na daing ko, eh sa masakit eh.


"Magrereklamo ka pa ha! Talagang masasaktan ka!"



Lalo pang diininan ni Lola ang pagsabunot sa akin habang kinakaladkad nya ako papasok ng bahay.


Attention seeker na naman kami. Kami na naman ang topic ng mga chismoso't chismosa nito. Tsk.



Ilang kaladkad pa ay nakapasok na nga kami sa bahay, hawak pa rin ni Lola ang buhok ko.



*paaaaak*



Isang malutong na hampas ang sinalubong nya sa akin.


"Malandi ka!" Sigaw ni Lola sa pagmumukha ko.

"Masakit na po talaga Lola, please po, sorry na." Iyak ko.


Hindi ito acting. Masakit na kase talaga eh. Ansakit talaga ng kawayan ni Lola.

*lipaaaaak*lipaaaaak*



"Abay sasagot ka pa!" Singhal ni lola, napatingin naman ako sa gilid. Tumatawa dun si ate Gael.


Napaiyak na lang ako. Sugat sugat na lang din kase yung mga braso ko sa paghampas sa akin ng kawayan ni Lola. Di kase pantay pantay yung pagputol dun kaya may mga nakausli usli pa. Di marunong. Bawat hampas tuloy bumabaon sa akin. Oh diba masaket *sarcastic laugh*

Wala naman kase akong ginagawang masama. Saka kanino naman ako makikipaglandian eh wala nga akong manliligaw o boypren man lang. Di na lang ako sumagot. Mapapahamak ako nito lalo eh.


"Magtrabaho ka na, bago pa kita mapatay." Inis na sabi ni Lola bago sya umalis.

"Wawa. Huhuhu. Poor yaya." Pang-aasar pa ni ate Gael na sinabayan pa nya ng halakhak.


Sana andito pa yung mga magulang ko. Sana andito pa sila na sana'y mag-aalo sa akin at magtatanggol sa lahat.




Mama, Papa.







~*~







Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko.



Amp. Madaling araw pa lang ah. Di ako nakatulog ng maayos kagabi sa sakit ng mga sugat ko at katawan ko. Sigh. Masanay ka na.


"Cashmere." Tawag sa akin ng pabulong.



Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon