CHAPTER 14: Roommate

Start from the beginning
                                    

"Yan naba yung transferee ?"


"Yeah . Akala ko pa naman ang lakas niya."


"Infairness! Maganda siya ha!"


"Nasa lowest section pala siya."


"Section kung saan lahat ng mga estudyanteng mahihina ang mahika,"


"HAHAHAHAHAHA..."


Sabay sabay na pagtawa ng mga estudyanteng naka color blue uniform.


Dirediretso lang ako sa paglalakad, di ko na sila pinansin pa. Pati ba naman dito merun ding mambubully sakin?


Napayuko ako at hindi ko inaasahang may makikita akong name tag sa aking uniform. Hindi ko 'to napansin kanina.


  - TRAINATIC SECTION -
Miss Liera Leen Guiton
SENIOR-D


Galing naman neto!


Napatingala ako sabay lingon sa likod nang marinig ko ang dalawang pares ng sapatos na nangsisitakbuhan sa aking likuran. Insaktong pagharap ko ay siya namang pagbunggo niya sa akin kaya pareho kaming natumba.


"Aray." pagdaing ng babaeng nakabunggo sa akin habang hawak hawak ang binti niya. Nagtawanan naman sa gilid  ang ibang estudyanteng nakakita.


"Aga-aga ang lalampa! Haha.." sigawan ng ibang estudyante sabay tawang muli.


Kaagad akong tumayo upang tulungan sa pagtayo itong babae kasi di parin siya nakakatayo. Nararamdaman ko namang mabait tong isang to eh.


"Salamat." pagpapasalamat niya, ngumiti lang ako sakanya.


"Ahm. Sorry pala." paghingi ko ng paumanhin sakanya.


"Sus! Kasalanan ko naman eh di kasi ako tumitingin. Oh! The same pala tayo ng uniform and year. It means we're classmates." sabi nito sa masiglang boses. At tama nga siya pareho kami ng uniform, ngayon ko lang napansin.


"Hihihi. Ou nga eh."


"How I wish na ikaw na yung room mate ko." pagsalita niya sabay yakap sakin na ikinabigla ko. Ngumiti lang ako sakanya. Maganda siya. Halatang mayaman kasi sa kutis palang makikita. Parang lahat naman ng andito mayayaman eh.


May pagka-chubby-chubby ang pisngi niya. Color brown ang kanyang mga mata at hanggang balikat ang kulay brown din niyang buhok.


"Nagmamadali kasi akong pumunta sa dorm ko kasi gusto kong makita ang magiging room mate ko. Ahm. Anu na nga yung pangalan nun? Ieralen---err---Di ko matandaan yung apelyido." dugtong pa niya. Lihim akong napangiti sa sinabi niyang yun.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Where stories live. Discover now