"Kuya ito pong itim, nakaka curious eh" sabi ko at tinuturo pa yung astig na bagong color ng ice cream. Ano kaya lasa nito?




"Sige, may kagaya ka ng flavor ah. Bihira kasing piliin itong black ng mga ibang nabili sakin kesyo daw di kaaya-aya tignan. Pero kayong dalawa ng lalaki kanina pinili niyo 'to, ayos ah" sabi ni kuyang tindero, kumunot ang noo ko at tinignan siya.




"Talaga po? Sino?" tanong ko.




"Yun oohh yung lalaking naka sumbrero ng black, parehas na parehas ang napili niyo" turo niya sa lalaking nakatayo sa gilid at naka cap nga kaya di ko makita yung mukha pero ang cute niya kumain ng ice cream.




"Thank you po" giit ko kay Manong bago umalis.




Syempre na curious ako kung sino yung lalaking yun kaya nilapitan ko, parehas kami ng napiling ice cream, tama nga si Kuya. Kaso di ko makita yung mukha niya eh kaya lumapit ako lalo sa kanya at yumuko ng unti para silipin ang mukha niya at......




Myghaadnesss.

"Zyron?" giit ko, nakayuko siya at pinagmamasdan akong sumisilip sa mukha niya at tumigil siya sa pagkain ng ice cream.



Parehas nanlaki ang mga mata namin at bigla na lang niya akong niyakap na ikinagulat ko ng sobra!



Nung niyakap niya ako nagpalit kami ng pwesto, nakatalikod siya sa mga taong nalabas ng school at ako ang nakakakita ng mga taong nalabas. At nadatnan ng mata ko si Ziann.




"Ssssshhh ayokong makita niya ako, kaya payakap muna" dinig kong sabi niya.



Para akong kinilabutan sa posisyon namin, namiss ko ang abnormal na'to.



Ilang minuto na din siguro na ganun ang posisyon namin kaya nagwawala talaga yung hart ko. Nang kumalas na siya ng yakap nakatulala lang ako pero hindi siya magawang tignan.



Nabigla nalang ako ng may nilabas siyang panyo at dinala yun sa kamay ko, at nakita kong tumutulo at natutunaw na ang ice cream ko waaaaaahhh!!



"Sayang yan kung matutunaw lang, masarap pa naman" sabi niya na busy sa pagpunas sa kamay ko na nakahawak sa ice cream na natutunaw na.




Bakit yung ice cream ang natunaw? Diba dapat ako kasi niyakap niya ako? Ang epal ng ice cream na ito ba.




"Oh yan kainin mona meron pa yan" napatingin na ako sa mukha niya ngayun na nakikita ko na kasi medyo tinaas niya yung cap niya.




Nakangiti siya sa akin! Waaaahh.





Kinain ko yung ice cream ko para di naman sayang at ang sarap nga! Naeenjoy ko na ata ang pagkain nun kaya lumalabas naman ang pagiging bata kong arte.



"Ang kalat mo naman" nanlaki na lang ang mga mata ko ng punasan niya ang nakakalat na ice cream daw sa labi ko.




Myghoodness! Diba galit siya sa akin? Bakit ang sweet niya naman ngayun yung tipong sasabog na ako dito?




"A-Ah thank you!" giit ko at umiwas ng tingin sabay pinunasan gamit ang braso ko ang labi ko kaya ndumihan ang uniform ko, diko pa naman suot blazer ko at puting long sleeves lang kaya namantyahan!



Kasi naman Zyron eh! Ikaw eh!




"Ang dugyot mo talaga" komento niya.



Maid Ako Ng Bad Boy TripletsWhere stories live. Discover now