Chapter 2.47: Debut

8 0 0
                                    

Chapter 2.47 : Debut

Cheska's POV

"Anak wag ka nang malungkot sige ka papangit ka sa pictures" mommy said, haaays paano ba naman simula nung pictorial di na kami nag kita ni Alfie, kung mag kakatx man ay bihira na lang din, alam kong mahirap dahil nasa ibang bansa siya ngayon. Pero bakit di niya ko matawagan miski sa skype... At opo birthday ko na, handa na ang lahat sa garden hotel na pag dadausan nang debut ko.

"Pero kasi mom, di man lang niya ko binabati. Di siya tumatawag sa skype na dati naman naming ginagawa pag nasa ibang bansa siya." Himutok ko.

"Baka naman kasi busy yun si Alfie di ba ang pinunta nun sa states eh work kaya wag ka na ma stress ha" mom cupped my face. Tumango ako at ngumiti kay mommy.

"Sige na wag ka na malungkot diyan, parating na yung mag aayos sayo ok." Tumango ako at lumabas na rin si mommy. *sigh* wala na kong magagawa kundi i-enjoy tong party ko, this is my slecial day though.

3:00 PM

Dumating na yung mga mag aayos sakin, di ko pa alam yung itsura nung venue basta ang sabi ko ang gusto ko royal blue and white colors ang theme na medyo vintage style... sabi naman sakin nung organizer magugustuhan ko naman daw ito, at tsaka sina mommy kanina pa nasa baba pero nung one time umakyat siya dito sa hotel room eh tuwang tuwa na ibinalita yung itsura. Gustong gusto ko nang makita yubg itsura nun...

"Wag ka ma excite iha, nahuhulas ang make up" pabirong retouch naman sakin yung make up artist.

"Hmp kahit waterproof yang gamit mo" tumawa naman siya sakin.

"Hahaha oo na, eh kasi ang ganda ganda nang ningning dyan sa mata mo" natapos siya sa muka ko at tapos na rin ayusan yung buhok ko, itinaas niya yun dahil yung gown ko ay kita ang balikat ko. Lace yung gown ko di ba vintage nga ang gusto ko. Maroon yung kulay niya na may black, yung body niya ay black pero pagtinamaan nang ilaw ay nagiging maroon, see through yung likod na skin tone pati sa braso na may lace na gold na konti bali ang takip lang yung harap ko tapos di naman siya ball gown talaga medyo lang ayoko kasi nang masyadong mabigat. Ito yung susuotin ko sa main event which is the first event kung saan lalabas ako sa grand stairs nang hotel bago ako ihatid sa graden nila kung saan nandoon ang debut party ko.

"Grabe anak" napalingon naman ako sa pumasok si mommy na nakahawak sa pisngi niya.

"Bakit mommy pangit ba ko?" Lumapit sakin si mommy na kinukusot kusot ang mata niya.

"Syempre hindi anak, ang ganda ganda mo... napakalaki mo na, dati lagi kang nasa piling ko, nakahawak sa laylayan nang damit ko, buhat ko, pero ngayon..." hinaplos niya ang mukha ko.

"Ang laki mo na, dalagang dalaga ka na..." pinunasan ko yung luha na di nakalagpas sa mata ko upang di makita.

"Mom masyado kang madrama, sige ka baka magdrama rin ako masira make up ko. Di naman ako aalis mommy dito pa rin ako sa tabi mo, kung makapagsalita ka naman dyan eh akala mong ikakasal ako mom. Save that words for my wedding bells ok" yinakap ako ni mommy, napayakap na lang din ako sa kanya. Yung mga make up artist naman nakatingin lang sa pag d-dramahan namin.

Maya maya rin ay lumabas na si mommy sabi niya sakin halos kumpleto na daw ang mga bisita, yung mga roses, candles, treasures, bears, bottles yan lang naman yung sa bottles may message sila na ilalagay doon at babasahin nila for me, sa bears naman sa loob din nang teddy bear ilalagay...

Heart Speaks FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon