VII. Mustang and the Phone

9 1 0
                                    


Musicka's POV

"Oras na para malaman namin kung sino talaga ang mga gagong kayo."

Matigas kong salita sa mga lalakeng nakashades nalang matapos kong kausapin ang mga underlings namin sa telepono.ilang sandali nalang kasi ay nandito na sila para linisin ang gulong nandito. Sa hideout namin ang diretso ng mga nakahiga dito.

Kapag nakatalo ka ng kalaban, leader o buong gang man, ay mapupunta ito sayo at magiging kakampi at underling mo. Ayan, dagdag singkwenta.

Ang hideout namin ay isang subdivision. Mayroong sandamakmak na bahay kung saan sila nakatira at ang main ay yung mansyon sa pinakagitna ng sub. Dun nagaganap ang meeting kasama ang gang ko, leaders ng mga underlings. Ang tinawagan ko kanina ay yung landline ng mansyon, ang namamahala non ay ang pinakamalakas kong underling. Ako nagpatayo non. I value everyone who's inside my life. Sila ang naging pamilya ko matapos kong- what the hell? Pumapasok na naman sa isipan ko, hays.

"Pero, hindi tayo dito maguusap-usap. Sundan niyo kong lahat," wika ko. Nauna na akong lumakad, ramdam ko ang presensya nila pero tatlo lang ang nararamdaman ko. Lumingon ako sa likod at nakita ang mga lalake na nakatayo parin.

"Putcha, bungol lang?" tumigil ako sandali, "Sundan niyo ko diba, narinig niyo naman siguro ako, ano?"

"A-ah, sorry naman," sinamaan ko sila ng tingin at dumiretso sa parking ng bar ni Kuya Stan. Sumama narin siya samin dahil kasama siya sa mga allies ng gang ko.

Pagkarating sa parking ay makikita mo roon ang mga motor namin. Wala ng bakas na may mga nagbar kanina bago mangyari ang kaguluhan kanina. Sumakay na ang mga babae habang nakatayo parin kaming mga lalake.

"Ano gagamitin namin?" rinig kong tanong ng isa sa mga asungot. "Taena, chill lang, okay?"

Malayo pa ang nilakad ko ng marating ko ang madilim na parte ng parking. Wala kang makikita kundi dilim pero dahil magaling ako, narating ko ang pwesto kung saan nakapark ang Mustang ko. Pagkalapit ko roon ay lumuhod ako. Kinapa ko ang susi nito sa ilalim ng kotse, yun lang kasi ang alam ko para matago ang susi. Matagal-tagal na rin ang Mustang dito. Ang tingin ko kasi, walang dadalhing kotse rito sila Zion kung sakaling dito sila dederetso galing Canada. Tutal, laging motor ang gamit namin papunta rito.

Alam kong hindi maaring sila Zion ang mga lalakeng iyon, pero tiwala akong okay lang na sila ang unang gagamit neto kahit na dapat ay regalo ko ito kay Mark.

May naiintindihan ba kayo? Ako wala eh.

Nang makapa ko ang  susi ay binuksan ko ang pinto ng kotse. Binuhay ang makina at dinrive ito papunta sa harap nila. Narinig ko ang reaksyon nilang manghang-mangha. Rinig na rinig ko ito dahil nakabukas ang bintana.

Nginisihan ko sila at tinigil ang kotse, pinatay ang makina at kinuha ang susi. Lumabas na ako matapos gawin iyon ay pinabayaan silang iiscan ang kotse. Pati si Kuya Stan ay naguluhan din dahil hindi niya alam na may Mustang pala sa parking niya. Pinagmasdan ko ang lalakeng may pulang buhok. Siya ang kahawig ni Mark. Alam ko kasing gustong gusto ni Mark magkaroon ng Mustang kaso tinatamad daw siyang bumili. Mahahalata mo ang bakas ng kagustuhan sa lalaking kahawig ni Mark kahit nakashades pa sila.

Nang matapos nilang pagpantasyahan ang kotse ay nanahimik na sila. Ito ang ginawa kong signal para magsalita.

"Hoy, lalaking may pulang buhok," pagkuha ko ng atensyon niya. Lumingon naman ito sakin. Kasabay ng paghagis ko ng susi sakanya ang pagsabi ng, "Drive the car."

Pagkasalo non ay ang pagtalon niya at pagsuntok sa hangin. Same expression na ineexpect kong makukuha kay Mark kapag nalaman niyang makakapagdrive at magkakaroon na siya ng Mustang.

Kung hindi siya si Mark, bat naman siya tuwang-tuwa eh pinapadrive ko lang naman sakanya 'to?

May narinig kaming kotseng papunta sa parking, naging alerto naman kami dahil nagtataka kami kung bakit may paparating eh sarado ang bar.

Huminto ito sa harap ng Mustang at nakikita mo dito ang bintana ng van. Bumukas eto ay bumungad samin ang isang lalaking nakamaskara.

"Hi Boss," kaway nito. Huminga ako ng maluwag ng mapagtanto na sila ang pinadala ko dito.

Holy fvck! Di kami nakamaskara! Antanga ko naman.

Tumalikod naman ang tatlong babae na sana hindi kami natitigan ng matagal. Paktay, 11 silang nandito.

Nilapitan ko sila at tumapat sa bintana ng kumaway kanina na driver ng van. Si Phoenix ang driver.

"Ang ganda mo pala, boss. Hehehe," nilapitan ko ito at binatukan. Pinakyu ko ito. Buti nalang at di nila alam ang totoo naming pangalan. "Walang makakalabas tungkol sa itsura namin ha? Saka isa pa, di tayo talo."

Inikot ko ang van at huminto sa sliding door nito. Sana naman di nila kami napicturan. Hirap talaga ng buhay, oo.

Pagkabukas ko noon ay nakita ko ang cellphone nila na kinakalikot. "Delete the pictures, shitheads."

Gulat silang napatingin sakin at tila hindi magkandaugaga sa pagdelete ng pictures. Sinasabi na nga ba eh. "Akin na yung phone niyo, papalitan ko yan ng bago," dali-dali silang bumaba isa-isa at binigay ang phone nila. 

"Once I heard the news that you told the other gangsters about our appearances, you'll be dead. Now, do your assigned tasks."

Pagkabanta ko ay nagsitakbuhan sila sa bar at ginawa ang trabaho nila. Kung ano daw ang kinabait ko sakanila ay iyun din ang ikinasama ko kapag galit ako. Tama yon.

Kilala ko sila at alam ko kung saan sila nakatira sa hideout kaya alam ko kung saan sila hahagilapin para patayin sila. Tumakbo ako papunta sa motor at binuksan ang compartment nun. Nilapag ko roon ang mga cellphones at sinara.

"Okay, tara na mga pips."

AN: ANG IKSI. MINADALI KO LANG SIYA SAKA PARANG DAGDAG INFORMATION LANG ITONG CHAPTER NA ITO. HAYST. NEXT UPDATE WILL BE THEIR IDENTITIES AND I'LL POST IT AS SOON AS POSSIBLE.

VOTE

COMMENT

BE A FAN

Collision of the GangstersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin