II. Bracelet

21 0 3
                                    




Musicka's POV


"Burger and fries please."


"Chocolate cake for me."


"Strawberry cheesecake."


"Hot pancake is my order."


Nakarating kami ng cafeteria at nandito sa counter para umorder ng pagkain. Syempre! Burger and fries ang aking kakainin at oorderin, I cant f*cking live without them. Nang makuha na namin iyon, naghanap na kami ng upuan. Lakad dito, lakad doon. Nang matapat kami sa isang table, nagulat nalang ako, nagsitayuan yung students kahit di pa tapos kumain. Hala 'tong mga 'to.


"Blake, dito na kayo umupo. Tapos na rin kami," sabi samin ni Gino, nabibilang siya sa isa sa mga tropa ng 4th year, syempre kilala ko sila.


Anong tapos diyan? Sinong niloloko ng mga 'to?



Di pa nga nangalahatian yung pagkain, tapos sasabihin nilang tapos na sila?


'Blake' tawag sakin ng iba kasi yun second name ko saka pangrespeto daw. Pota, ano naman karesperespeto don diba. Pero oks lang naman, ramdam ko na lalaki ako.


"Thank you kuya." pasalamat ni Brie at bigla nalang umupo. Sasapakin ko tong babaeng to eh, ang sama ng ugali. No choice, umalis na yung students na kumakain sa table, kaya umupo na rin sila pero ako nanatiling nakatayo. Binaba ko lang yung tray ko at humarap kina Gino.


"Libre ko nalang kayo bukas mga bro, salamat ah," nakangiti kong sabi sakanila. Mga tropa ko naman lahat ng lalaki sa 4th year eh. Ngumiti din sila at nagbrofist ako sakanila, 5 lang naman sila e. Umupo na ako at nagsimulang kumain.


Sh*t lang, ang ingay kumain.


"Hoy, ano ba? Ang ingay niyong kumain, gagatungan ko kayo eh," sermon ko sakanila, wala ba namang manners.


"Sorry." sabi ni Mara. Yan pinakamatakaw sa amin, pero sexy parin at di tumataba. Syempre matakaw rin ako, pero mahina lang.


"OHHHHHHH." napatayo naman kami sa ingay ng mga students sa Cafeteria.


"Sh*t!" sabay na sabi ni Mara at Blue.


"T*ngina!" pagmumura ko. What the fvck?!


Wala pang nagtangkang gumawa nito, 6 na lalaki na nakablack leather jacket at shades. Yung isang lalaki, binabato ng itlog yung babaeng nakatayo at umiiyak, yung isa naman binubuhusan ng juice yung babae. Yung natirang apat, nanonood lang at tumatawa. Bwiset to ah!


"Blue at Brie, kunin niyo na yung babae at dalhin sa CR, ayusin niyo ah!" utos ko sa dalawa, alam niyo na, kailangan ng teamwork.


"Sige, kayo na bahala ah." sagot ni Blue samin at tumakbo na sa babae at kinuha ito.


"Mara, game?" tanong ko kay Mara, ang sama ng tingin dun sa mga lalaki.


"Syempre." maikli niyang sagot.


Tumakbo na kami. Pagkarating dun sa mga lalaki, bigla ko nalang sinipa sa likod yung nagbuhos ng juice kaya ayon dapa. Yung babae, nakuha na nila Blue. Sinapak ko sa mukha yung nagbato ng itlog sa babae. Tinadyakan ko hita niya na nakapagpaluhod at nagpadaing sakanya. Pvta! Ba't ayaw lumaban ng mga 'to? Nasan na lakas netong mga lalaking 'to?


"Hoy ulol, lumaban nga kayo! Di ka pa ba tuli at ang hina mo? Kupal amputa," matapos kong sabihin iyon ay lumuhod ako at inuntog ko yung noo niya sa tuhod ko. Binalikan ko yung tinadyakan ko sa likod na tumatayo. Hinawakan ko ang braso niya at sinipa ang tagiliran niya. Tinulak ko siya palayo. Tinakbo ko yung distansya namin at sinapak siya ng dalawang beses sa magkabilang panga.


2 down. Si Mara naman, gigil na gigil, parang mapapatay na yung kalaban niya, sabi ko sainyo, wag pigilang magalit. 2 narin yung nababagsak niya. Ngayon, tig-isa na kami dito.


"Ahh!" sigaw nung lalaking sinipa namin parehas.


Hah! Buti lang saniyo yan. Kapal ng mukha. Humarap kami ni Mara sa students na kumakain habang nanonood.


"Kung mang-aaway kayo, wag sa harapan namin ah? Para walang mabubugbog sainyo dahil sa kagagawan niyo," pagkasabi ko non ay lumayas na ako sa Cafeteria.


Blue's POV





"Ate, may panyo ka ba?" tanong ko sa babaeng nabuhusan ng juice. Bigla naman niyang kinuha yung panyo niya sa bulsa niya, umiiyak parin siya. Pagkakakuha ko nung panyo, sh*t, basa rin.


"Aish. Brie, pumunta ka sa Emergency Locker, kuha ka ng extra siyang panyo or towel at damit." utos ko kay Brie na dalidali niyang sinunod.


"Ate, namumukhaan mo ba yung mga lalaki?" Tanong ko ulit, alam kong mamumukhaan niya yun, malapit naman siya sa mga gumawa ng kaewanan sa kanya.


"Parang sina Zion, Mark, Josh, Ken, Miguel at Ryan po eh." sagot niya. Ah yun naman pa-- WHAT THE F*CK?! Sila?


"Ano? Seryoso ka?" di makapaniwalang sabi ko sakanya. Srsly? Sila nga?


"Nagtataka rin ako ate eh, kamukha talaga, saka kung sila yun, paano nila gagawin yun?" explain nung babae.


Bumalik si Brie na may dalang t-shirt, jeans, sandals at towel, nilapag niya ito sa tabi ng lababo. Kinuha ko naman yung wipes sa cabinet ng CR dito.


"Yuko ka sa lababo, shampoohin natin buhok mo," sabi ni Brie.


Sumunod naman yung babae at shinampoo na nga ni Brie yung buhok nung babae. Galing ulit sa cabinet yung shampoo.


After noon ay binalot namin ng towel yung ulo niya. Yung way para medyo mtuyo yung buhok at hindi tumulo.


"Punasan mo muna yung malagkit na part ng katawan mo bago ka magbihis ulit ng panibago ah?"


Pinapasok ko siya sa cubicle at hinarap ko naman si Brie.


"Brie, possible kayang sila Zion yung kanina?" panimula kong tanong


"What? They would never do that. But, yeah, there's a possibility though.


"Napansin ko sa bulto ng katawan nila at sa facial features nila.


Di talaga ako makapaniwala na magagawa nila yon kung sila nga yon. Hays naman.


After a short chitchat with Brie, lumabas na yung babae na maayos narin yung itsura.


"Thank you po, mga ate!"





Mara's POV





Matapos ng pagbugbog namin sa mga lalaking nakakasira ng araw ay pumunta kami sa CR na malapit sa Cafeteria. Nandun sila Blue at Brie kasama ang yung babae.


Nadatnan namin sila na nasa labas ng CR at mukhang tapos na sila sa ginawa nila.


"Uy, tapos na kayo?" tanong ko kay Brie at Blue.


"Malamang, kaya nga nandito kami sa labas diba?" pabalang na sagot ni Blue. Inirapan ko siya dahil sa pagsagot niya sakin ng ganon.


"Okay ka na ba?" tanong ni M sa babae. Nginitian naman yung babae at nagsabing, "Opo. Okay na ako."


"Ano pala name mo?" tanong ulit ni M.


"Lauren Caleb po."


Hinagis ko kay M ang isang bracelet na may charm na letter C at S. Sinalo niya yun at hinawakan ang kamay ni Lauren.


"Suotin mo 'tong bracelet na 'to sa campus lagi para walang makakagalaw sayo at may gawing masama sayo," pagkatapos nun ay sinuot na ng tuluyan ni M yung bracelet kay Lauren.

Collision of the GangstersWhere stories live. Discover now