"Madam mong mukha mo! Kasi bigla ka na lang sumulpot sa buhay ko, ang akin lang e baka bigla ka ding mawala." Sabay kinwelyuhan ni Rhian si Glaiza.

"Aw. Scary... Banat ba yun o hugot?"

Biglang natawa ang dalawa sa tanong ni Glaiza dahil na realize ni Rhian na humugot syang bigla.

"Ay ewan ko sayo Glaiza... Tara na nga... Dami mong kemerut!" Saka lumipat nanaman ang dalawa sa may bandang prutasan

"Rhi, apple ka ba?" Hirit uli nito

"Pag waley yan, last mo na talaga to.. Bakit?"

"Kasi una pa lang kitang nakita.. APPLE in love with you..." Pagkasabi ay parang kinilig bigla si Glaiza

In fairness naman kay Rhian, tinamaan din ito ng Apple, este ng banat ni Glaiza... Kaya pasimple nitong hinawi hawi ang buhok at nag feeling maganda...

"Mga ma'am, mag jowa po ba kayo? Alam nyo bagay na bagay po kayo... Parehong maganda, sexy... Ang sweet sweet nyo pa... Lesbian din po kasi partner ko kaya napansin ko kayo agad." Biglang singit ng tindira sa dalawa.


"Ha? Heheehe, ano kasi ate... Ahhhmmm, hinay hinay lang po muna,.. Kung talagang nakatadhana e, tignan natin" pa playing safe na sagot ni Glaiza

"Ganon ba, pero masaya ako sa inyo at nakikita ko namang mas spark at love sa pagitan nyo... Bali 220 po lahat tong binili nyo."

Pagkabayad ni Rhian ay inirapan nito si Glaiza

"Bakit, di ka ba naniniwalang nakatadhana ka sakin? May pa hinay hinay ka pang nalalaman jan" kunyari pagtataray nito

"Mas mabuti na yung hinay hinay, at least hindi masyadong masakit pag nalaman kong nakatadhana ka nga sakin pero nakatadhana lang mahalin, hindi nakalaan..."

"Ay ang lalim ng hugot... Ikaw talagang bata ka!!!" Sabay palo ni Rhian sa balikat ni Glaiza

"Araaaaaayyyyy!"


"Ay hala! Sorry, may sugat ka pala jan... Sorry talaga... Sorry na baby bubot...." Lambing ni Rhian habang naglalakad sila pabalik sa may sasakyan

.

.


.

.

Someone's POV

Boss, nakita namin kanina si Rhian sa may pamilihan...

"Sige Manmanan nyo lang... Hintayin nyo lang ang signal ko basta bigyan nyo ako lagi ng report ... Hahanap tayo ng tyempo... Yung isahan na lang... Malinis at hindi sasablay."

Copy boss. Pero yung kasama... Ano pong gagawin?

"Wag nyong idamay. Wala naman yang atraso satin. Pero kapag lumaban, isama mo na rin. Basta siguraduhin nyong malinis. Kung hindi, kayo ang mananagot sakin"

Sige Boss... Makakaasa ka.

.

.

.

.

"Sige na, ako nang bahala dito. Entertain your friends, ano ka ba... Saka kalimutan mo na yung kanina... Wala na yun..."

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now