Chapter 5: Thorns

24 4 0
                                    

Philip's P.O.V.

Nahiwalay ako kay aling Linda dahil sa mga mangingisda na nagrarally malapit sa palengke. Magkasama kami kaninang inilalako ang kanyang mga paninda. Mabilis nga itong naubos dahil nahumaling masyado ang mga tao rito sa mukha ko.

"Binura rin ni father ang alaala mo sa ibang tao." Sagot ni Ria

"Para saan?"

"Para magawa mo ang misyon mo."

Naisip ko rin ang bagay na iyon.

Nadaanan namin ang plaza at sa dulo nito ay may mga tao nagkukumpulan. Mayroon ding mga pulis.

"Kawawa naman 'yung babae. Ni hindi alam kung anong krimen ang ginawa sa kanya. Halos buto't balat e. Kaya ikaw, sinabi ko sa'yo, tigil-tigilan mo ang maglabas." Narinig namin ang usapan ng mag-ina.

Napatingin ako kay Ria.

Dali-dali kaming pumunta sa pinagkakaguluhan ng lahat.

"Kawawa naman siya. Tsk tsk."

"Daig pa niya ang ginahasa."

"Parang kinuha ang kaluluwa niya."

Ang ilan sa mga haka ng mga nakiki-usyoso.

Pinilit kong isingit ang sarili ko para makita ang pinag-uusapan nila.

Isang bangkay ng isang babae. Wala siyang saplot. Kalunos-lunos ang itsura niya. Buto't balat. Parang maaagnas na. Dilat ang kanyang mata.

Parang bumaliktad ang sikmura ko at gusto kong maduwal.

Narinig ko ang pag-iyak ng isang babae.  Malamang kamay-anak niya ito.

Sa gilid ko naman narito ang pulis na may kausap na babae.

"Kagabi lang magkakasama kami. Ang saya saya pa naming tatlo."

Ayaw ko sanang makinig ngunit nagpatuloy pa siya sa pagsaslsay.

"Tapos, may nakita kaming lalaki, Lumapit siya dito. Inggit na inggit pa nga kami dahil nauhan niya kaming makakuha ng customer tapos guwapo pa. Mukhang mayaman. Iyon ang huli naming pagkikita kagabi."

"May kakaiba nga sa mata ng lalaking 'yon e. Hindi ko maipaliwanag basta kakaiba. Paniguradong dayo lamang siya dito." Saad nito.

Kakaiba?

"Philip! Ayon na si aling Linda o" -Ria

Lumakad kami papalapit sa kanya.

"Sa wakas at nagkita din tayo. Kinabahan ako sa iyo e. Delikado pa naman ngayon dahil sa nangyaring iyan." Dumapo ang tingin niya doon sa crime scene.

"Nakita niyo rin ba?"

"Oo hijo, kawawa naman 'yung babae. Parang hindi tao ang gagawa ng ganyang bagay." may galit sa tono ng pananalita niya.

Lumingon ako sa direksyon ng tinitignan niya.

Parang hindi tao?

Nagitla ako sa paghawak ni Ria sa braso ko. Parang may gusto siyang ipaliwanag sa akin kaya lang tinawag na ako ni aling Linda na nakasakay na pala sa tricycle pabalik sa kanila.

May kakaiba akong nararamdam sa insidenteng nangyari sa may plaza.

Nakakatakot.

Umandar na ang tricycle na sinasakyan namin. Sa likod ako sumakay nasa bubong naman si Ria habang busy-ing busy naman sa loob sina aling Linda na pinag-uusapan ang insidente sa plaza.

Red light. Stop.

Kasabay naming huminto ang black na van.

Napalingon ako. Hindi kasi tinted ang salamin sa kotse.

Sa loob noon may isang babae na may kausap sa telepono. Sa tabi niya naman ay may lalaking nakasandal sa kabilang window ng sasakyan.

Bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Umiwas ako nangyari tingin pero,

Teka, si Edgar ba 'yon ah?

Nagsecond look ako.

Green light. Go.

Dumiretso ang tricycle samantalang lumiko naman ang kotse sa kaliwang lane.

Hinawak ko ang kamay ni Ria.

This time siya naman ang nagulat.

"Si Edgar..." sambit ko."buhay siya."

Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya. We know what to do.

"Ako ba ang kausap mo hijo?" Oo nga pala katabi ko si manong driver. At hindi pala nila nakikita si Ria.

"Hindi po. Nevermind." Napakamot nalang ako sa batok ko.

May umilaw sa loob ng basket na hawak ko. Naroon kasi ang libro. Pasimple kong sinilip ang umiilaw na pahina.

Unti-unting gumuguhit ang isang tangkay ng halaman na mayroong mga tinik. Parang isang patubong bulaklak.

Parang rosas.

Anong ibig sabihin nito?

*****

Someone's P.O.V.

Kailangan kong umarte na parang tao. Hindi pa ito ang tamang oras. Marami pa akong malilinlang. *evil grin*

"Boss saan po ba bababa?" Nakalimutan kong nakasakay ako sa isang makinaryang gawa sa bakal na may tatlong gulong. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito.

"D'yan sa lang tabi..." ihininto niya ang sinasakyan ko. At bumababa na ako

"Boss, 'yung bayad?" Habol niya sa akin.

"Bayad?" Nakangisi kong tanong. I'd like to spare his life but,

"Opo, nakalimutan niyo ata."

"Come here..." inilahad ko ang dalawang kamay ko para palapitin siya.

"Ha?" He look me in the eyes.

Lumapit siya dahan-dahan. Parang wala sa sarili.

Magkalapit na kaming dalawa. Binuka ko ang bibig niya. And I did my thing.

Bumagsak ang katawan niya sa lupa.

May naaninag akong papalapit ilaw sa malayo kaya dali-dali kong inilagay ang katawan niya sa loob ng bagay na sinakyan ko.

Mabilis ko itong naibato sa kagubatan na nasa gilid ng kalsada.

Kinaway ko ang kamay ko na parang tinatawag sila. Kung kanina tatlong gulong. Ngayo'y naman apat na gulong ang huminto sa harapan ko.

"Pwede po bang sumabay?" Paki-usap ko dalawang minuto muna ang lumipas bago nila ako pinatuloy sa loob.

"Saan ka pupunta hijo." Tanong sa akin ng may katandaang babae sa loob ng van (yun pala ang tawag dito)

"Naliligaw po kasi ako maaari niyo ba akong tulungan?" Patago akong napangisi.

Bagong biktima sa isip-isip ko.

"Naku, parehas pala kayo naliligaw nitong si... ano ngang pangalan mo hijo?" Tanong niya sa katabi niyang lalaki na parang kaedad ko lamang.

"Edgar..." mahina niyang sagot.

Lalo akong napangisi.

Umandar na kami papunta sa kung saan ngunit isa lang ang namumuo sa isip ko ngayon.

More victims. The more the merrier...

Oops.

To be continued...

Sorry sa late Update. Kung may nae-engganyo mang nagbabasa nito. Tuloy ang buhay kung may nagbabasa man nito o wala. :D

Thank you! :)

Vote. Share. Comment.

-iamRud :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last Rose She GaveWhere stories live. Discover now