Prologue

62 3 0
                                    

She likes me
She likes me not

She hates me
She hates me a lot

She annoys me
She annoys me A LOT

She makes smile
No, she makes me laugh

She's looking for happiness
I gave her tears

She always listen
To all my lies

She counted all the stars at night
waiting for one to fall
But I'm wishing for thunders and rain

She walks with a lighted candle in her hands
Giving me light
But I blew it because I want to stay in here,
In the dark

She's singing a great song
But I removed the melody, the rhythm and the harmony

She's "The End"
I am "To Be Continued"








---------

"Paano mo malalaman kung di mo susubukan?"

Wala akong kibo. Dire-diretso lang akong tumungo sa kusina.

"Lalala... Wala akong naririnig, ako lang naman tao dito e. Lalala..." Sabi ko sa sarili ko at saka ibinalik ulit ang earphones sa tenga ko. Nasa day-off lahat ng mga katulong ko, maging ang driver ko. Kumuha ako ng baso at binuksan ko ang ref. Wow ang lamig dito, parang feelings ni Cindy sa akin, nung... ugh nevermind. Wika ko sa sarili ko. Hinablot ko ang bote ng gatas na para bang doon ko itinuon lahat ng pait. Pinuno ko ang baso ko at saka nilagok ang laman, mas maganda na sigurong magpakalunod nalang ako sa gatas kaysa sa beer. Napa-burp ako at pinunasan ang labi gamit ang kamay ko. Pagkatapos sinabayan ko na 'yung kantang nagpe-play sa iPad ko.

Paalam na sa'ting huling sayaw may dulo pala ang langit... Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sa----

"ANO BA PANSININ MO NGA AKO!?" Sigaw niya sa likuran ko matapos niyang tanggalin ang earphones mula sa tenga ko.

Kanina pa ako naiirita sa isang 'to, ni hindi ko nga alam kung paano siya nakapasok sa bahay ko. Nilingon ko siya. 'Yung galit niyang aura ay napalitan ng isang ngiti. Isang ngiting nagsasabing hello-pansinin-mo-naman-mga-sinasabi-ko.

"Tss." Singhap ko sa kanya at dumiretso na ng living room. Naramdaman ko ang magaan na mga yabag niya mula sa likuran ko. Umupo ako sa couch at kinuha ang isang tabloid na nakapatong sa may coffee table. Habang binabasa ko ang isang article, naramdam ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Kinalabit niya ang balikat ko.

"Sana naman kasi maniwala ka sa mga sinasabi ko." Wika niya sa tabi ko ngunit ang atensyon ko ay nasa binabasa ko pa din.

"Uyy," Sabi niya at muling kinalabit ang balikat ko.

"Hello." Sabay kalabit muli sa balikat ko.

"Sino ka ba? At paano ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo? Una, paano ka nakapasok sa pamamahay ko? Ikalawa, nagtataka ring ako sa mga security guard ng village na 'to ba't sila nagpapapasok ng mga gaya mong..." at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Mukhang pulubi na baliw. At huli, takas ka ba sa mental?" Isang ngiti lang ang isinagot niya sa mga tanong ko.

"Halika nga." Sa sobrang pagkainis ko ay tumayo na ako at hinila siya sa couch at umalis kami ng living room hanggang sa makalabas kami ng bahay ko.

"Umalis ka na sa pamamahay ko bago pa ako tumawag ng mga pulis. Okay?" Sabi ko sa kanya habang binubuksan ko ang gate. "Makakaalis ka na miss."

Nakatingin lang siya sa akin. Bago siya lumakad ay narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga't nakayukong dumiretso palabas ng gate.

Isasara ko na sana ang gate nang...

"Sandali lang!"

"Ano na naman?" Inis na tanong ko.

"Maniwala ka sa akin, malapit na ang oras mo. Mag-iingat ka." Sambit niya at patuloy ng naglakad palayo.

"BALIW!" Sigaw ko at dali-daling isinara ang gate.


Kringggg Kringggg Kringggg...


Babe♥ Calling...

Napasinghap ako sa kasalukuyan matapos kong alalahanin ang mga nangyari kaninang umaga habang sa puntong ito ay nagmamaneho ako papasok sa opisina at kasalukuyang nagriring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Cindy's calling. She's not mad at me. Naisip ko. Sinagot ko ang tawag.

Me: Babe

Cindy: Don't call me "Babe" I'm not your girlfriend anymore.

Me: Hey, let me explain first.

Cindy: I don't need your explanations, I'm so angry about what you did last night.

Me: Give me a chance.

Cindy: I'm sorry.

Me: What do you mean Cindy?

Cindy: There's no chance to give, coz I am breaking up with you for real.

Me: *I swallowed hard*

Cindy: Goodbye...

And then, she ended the call. Samantalang naiwan akong tulala na parang ibinato ang puso ko sa kalawakan at pilit kong inaabot ito pabalik sa sistema ko.

Mahal na mahal ko si Cindy. Seven years na kaming magkarelasyon. Sixteen years old kami nung nagkakilala at naging magkasintahan.

Pero lahat ng iyon ay natapos ngayong araw na ito.

Peep peeeeeppppp!!!

Peeeeeppp!!!

"Maniwala ka sa akin, malapit na ang oras mo. Mag-iingat ka."

Ugh. Sapo ko ang ulo ko, hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga...

Maniwala ka sa akin, malapit na ang oras mo. Mag-iingat ka. . .

Maniwala ka sa akin, malapit na ang oras mo. Mag-iingat ka. . .

Maniwala ka sa akin, malapit na ang oras mo. . .

malapit na ang oras mo. . .

malapit na ang oras mo. . .

ang oras mo. . .

Ito na ba ang oras ko?











-------------

Vote and Comment

U-update ko 'yung Chapter One, kapag may vote and comments na. :)
Pleaseeee. Hope you like it.

The Last Rose She GaveWhere stories live. Discover now