Chapter 1: The Mission

49 3 2
                                    

Puti.

Iyan ang unang nakita ng mga mata ko. Asan ako?

Inilibot ko ang paningin ko. Wala e. Everything is white. Nasa langit na ba ako? I laughed to the thought. Sa sama kong 'to? Sa lahat ng pinaiyak ko? Sa lahat ng niloko ko? Maging ang isang taong nakakaintindi sa akin ay niloko ko. Nalala ko ang ngiti ni Cindy, ang mahinhin niyang pagtawa.

Pero teka nasaan ba talaga ako? Nakaupo ako sa may kama at nasapo ko ang ulo ko, kumirot ito.

*click*

"Gising ka na pala?"

Itinaas ko ang ulo ko at hinanap ng mga mata ko kung saan nagmula ang tinig na iyon.

"Anong ginawa mo sa akin? Paano ako napunta dito?" Tanong din ang sagot ko sa tanong niya.

Lumapit siya sa akin at naupo sa puting upuan sa gilid ng kama. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Sinabi ko naman sa iyo na malapit na ang oras mo,"

"I-Ibig sabihin patay na talaga ako?"

She just nod.

"Hahahahahahaha..." habul-habol ko ang hininga ko. "This is hilarious!"

I sighed. And from that moment I also felt the grief and sadness.

"Kung patay na talaga ako? Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?"

"Ang dami mong tanong, sundan mo ako para malaman mo ang sagot sa mga katanungan mo."

Tumayo na siya at dumako palabas ng pinto. Bumangon na rin ako sa kama at tinungo ang dinaanan niya.

Wow. Pati door knob puti. Kumabog ang dibdib ko ng sandaling buksan ko ang pinto. Ewan ko? Nakakabading.

Paglabas ko'y ang carpet agad ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi dahil ngayon lang ako nakakita ng carpet ah. Pero kasi kulay ginto ang carpet sa lugar na 'to. Wow.

Nakalatag ito sa may hallway na ang pintura ay kulay puti rin. Kulay puti rin ang mga pinto ng bawat silid. Dala ng kuryosidad ay tinungo ko ang katapat na pintuan ng silid kung saan lumabas ako at akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng may kamay na humatak sa braso ko.

"Tara na." Aya niya. Tila may napansin akong pagkabalisa sa kanyang mukha. Ano kaya ang naroroon sa loob ng silid na 'yon?

Hindi na ako umimik at sumunod nalang. Ang weird ng lugar na 'to.

Sinundan namin ang ginituang carpet at iniluwa kami into sa isang staircase. Hawak pa rin niyang kamay ko. Napatingin ako sa kanya habang bumababa kami sa napakahabang hagdanan na tila walang katapusan ang mga baitang, makinis at maputi ang kanyang kutis na bumabagay sa suot niyang dress na kulay puti at may lace na violet sa kanyang beywang. Hanggang balikat ang kanyang itim at kulot na buhok at may nakalagay na crescent moon clip.

Huminto siya sandali at humarap sa akin, Makita ko tuloy ang maamong mukha niya. Katamtaman ang tangos ng kanyang ilong, manipis ang mga labi niyang kulay pink. Simpleng ganda ngunit perpekto sa mga nakakakita.

"Hoy, Nakakinig ka ba?"

Napapitlang ako sa tanong niya.

"Ha?"

"Tsk, Kanina pa ako daldal nang daldal dito, e Hindi ka naman pala nakikinig." Reklamo niya.

Ang ganda mo kasi e.

"Alam ko namang maganda ako, h'wag mo akong titigan ng ganyan." Sabi niya at kumindat pa. Letse.

"Asa ka! Bitawan mo nga ako, marunong akong bumababa ng hagdan." At hinila ko ang kamay ko na kanina pa niya hawak. "Tuwang-tuwa ka namang chansingan ako." Pang-aasar ko at ngumisi sa kanya

The Last Rose She GaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon