CHAPTER 11

105 1 1
                                    

Nadine

Sinarado ko na yung pinto ng locker ko at nilock ito. Kitang-kita ko ang mga tingin ng mga nagdadaanang estudyante. What do you expect, Nads?! You're viral!


"Ano kayang ginawa nila sa loob?" Dinig kong sabi ng isang dumaan na babae. Sht. Wala akong pakialam sa kumakalat na tsismis. Akala nila may namamagitan sa amin ng Hailey na iyon. Ayaw ko namang patunayan na wala dahil hindi ko iyon gawain kaya hinahayaan ko na lamang sila.

Nang makarating sa cafeteria, isang Trent na naman ang nadatnan ko. Kakatapos lang niyang kausapin ang tatlo, I bet, he was looking for me.

Napatingin siya sa akin ng makita niyang tinitignan ako ni Maddie. Woah. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinuputok ng butsi niya. Lumakad siya papalapit sa akin at hinigit ako papunta sa gilid ng hagdan.


"Ano ba. Tama na nga." Chill kong sabi. Pinapakita ko sa kanyang hindi ako naaapektuhan sa mga inaakto niya.


"Ano na naman ba?" Sabi ko sabay irap sa kanya.


"Anong ibig sabihin nito?" Tanong niya at pinakita sa akin ang phone niya. It was that picture.


Napasinghap ako. He's totally jealous. Ramdam ko 'yon. Pero ano bang paki niya? Gusto ko nga sanang magexplain na wala lang 'yan eh pero hindi siya yung tao na dapat pinapaliwanagan dahil hindi naman siya nakakaintindi.


"What is it to you, then?" Taas kilay kong sabi.


"Talagang yung guro pa?"


Ayaw ko ng marinig ang mga sumbat niya. Nakakapagod. Paulit-ulit.


"Ano bang paki mo? Sa pagkakaalam ko, tapos na tayo. Diba? Tama na nga, Trent. Pagod na ako." Sabi ko tapos nagsimula akong maglakad pero laking gulat ko nang yakapin niya ako mula sa likod.

"Let go!" Galit na sabi ko. Bakit pa ba niya isinisiksik ang sarili niya sa akin? Wala na talaga kahit anong gawin ko. Sobrang nasaktan lang talaga ako noon, kaya ayaw ko na. Ayaw ko na talaga.


"Please, don't do this. I'm sorry. Mahal parin kita." Naiiyak na sabi niya. Ramdam ko ang hininga niya sa balikat at tenga ko. Hindi ako makapagsalita. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon.


"Nadine.. please, bumalik ka na." Basag niya sa katahimikan.

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at humarap ako sa kanya. I smiled na parang naaawa ako sa kanya. Tumutulo parin yung luha niya but his eyes are red. Then, I slapped him.


"Fake." Tipid na sabi ko at tuluyan na siyang nilisan.

"I love you, Nadine." Sabi niya matapos akong halikan sa pisngi. Kasalukuyan kaming nasa park ng isang mall. Gabi na rin pero naaaninang ko pa ang mukha niya.

"I love you, more." Sagot ko naman.

Unti-unting nagkalapit ang mukha namin. Omg! Ito na nga yata iyon. Sa tagal namin, ito na nga yata ang unang kiss namin.

Dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. It was sweet. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng nagdadaanang paru-paro sa tiyan ko. Omg! He was moving! What should I do? It was my first time! Naramdaman kong napangiti siya dahil siguro sa ginawa ko. Gumalaw din kasi ako gaya ng ginagawa niya.

Sinapak ko siya. "Pinagtatawanan mo ako!" Nakabusangot na sabi ko.

"Haha. No. You're just too cute mimicking me. Haha!"



Nang makabalik sa cafeteria ay bigla kaming nagkabanggan ni Hailey. Hindi iyun sinasadya pero muntikan na akong matumba. Malaki kasi siya at mataas. Buti at nahawakan niya nang diritso ang magkabilang balikat ko para maitayo ako. Pero parang wrong move.

"Oooooooh..." Dinig namin na react ng mga estudyante. Hindi na namin naiwasan ang mga tingin nila. Parang nilalamon kami ng mga nagdadaanang mata.

"Follow me." Bulong niya sa akin.


Hinayaan ko siyang mauna pero sumunod agad ako. Wala akong paki kung tsismis kami. I already said na it's not my doing para magpaliwanag.

Nagpunta kami sa hallway na kung saan walang taong dumadaan. Nadatnan ko siyang nakatalikod doon.


"Magpaliwanag ka na hindi iyun totoo." Sabi niya with his slang tone.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko 'to inexpect.


"You knew it's a false act. Stop it, right away." Dagdag pa niya. Napangisi ako.

"Wow. And why should I do that? Akala mo ba ginusto ko ito? Excuse me, hindi ko gawain ang magpaliwanag. Bakit hindi ikaw?" Paliwanag ko sa kanya. Ano siya, hilo? Actually, kanina pa kami nagkita pero ganoon na lamang ka bilis kumalat ang pictures namin.


"Mas nirerespeto ka ng lahat. You should do it." Paliwanag din niya. I shrugged. Well, tama din naman siya.


"Kaya nga hindi ako nagpapaliwanag dahil nirerespeto nila ako. I don't care about it anyway. Tch. Such a waste of time."

Tumalikod na ako, aakmang aalis na sana ako ng bigla siyang sumigaw.


"PLEASE!"

Na hindi ko naman inaasahan.

***

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon