Chapter 21

75 1 0
                                    

Trent

Someone texted me kagabi na magkita daw kami sa likod ng school building. Muntik ko na iyong baliwalain kasi nga unknown number naman iyon. Bakit naman ako makikipagkita sa hindi ko kilala. I was about to block him/her when he/ she called.

Nalaman ko na lamang na babae pala talaga ang nagtext sa akin. Importante daw ang pag-uusapan namin. Ayaw ko pang pumayag pero tungkol din daw kay Nadine ang pag-uusapan kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa.

**

Nilalangaw na ako kakahintay dito sa likod ng school building. Sampong minuto na siyang wala. Kapag ito umabot ng kinse, aalis na talaga ako. Pero hindi, kailangan kong magtiis. Tungkol ito kay Nadine.

Isang saglit pa'y dumating na ang isang babaeng kilala ko. "Jinki?" Nagtatakang tanong ko. Well, hindi naman ako nakakamemorize ng names ng mga taong hindi naman importante. Pero nakilala ko lang si Jinki dahil kay Nadine. She's her P.A at naging dahilan pa ng minsang pagtayo ng banderang ' Mabait na Nadine'. Narinig ko rin ang dahilan ng paglayo niya. I felt sorry for her.

"Trent..."

**

Hawak-hawak ang namamaga kong kamay nang tahakin ko ang daan papuntang parking lot. Hindi ko maramdaman ang sakit na pumapalibot sa kanang kamao ko dahil pinangungunahan ako ng galit at selos ngayon.

Hindi talaga ako nagkamali. May namamagitan nga sa kanila ni Hailey. Ngayon, malalaman ko na lang na may fiance na pala ang gagong iyon. Pinapaasa niya lang si Nadine. I need to face that bastard right now! But first, I need to cool myself down. Baka kapag hindi ako makakalma sa mga oras na ito, makagawa ako ng hindi magandang eksena 'pag nakita ko na ang gagong iyon.

Nadine

Monday morning. The sun kissed my skin so early. I waved my hand so I could cover myself from the sun's shine.

Tumayo ako't nilakad ang daan papunta sa malaking mirror and I shouted like hell when I saw myself. This is nooooot hapeeeening! My eyes got swollen! Grabi pala talaga ang iniyak ko kagabi. Hindi ko man lang inisip na sa t'wing napapaiyak ako ng sobra-sobra, namamaga ng sobra yung mga mata ko at nagiging chinita ako ng biglaan! Oh Lord!

**

Today is P.E class day and I mean like, 2 hours ang P.E namin today dahil sa add na one hour for make up class. I hate this.

"So... uhm, Miss Lazaro, we are not on a beach to wear sunglasses. Please take that off." He said sa gitna ng diskusyon niya. Tamang-tama na naman ako ng mga mata ngayon. Kita ko pa ang nag-aalalang itsura ng mga kaibigan ko. Alam rin nila kung bakit nagsh-shades ako.

"Sir!--" Pero bago pa man matapos ni Maddie ang ipapalusot, agad kong tinanggal ang shades ko. Naisip ko lang kung anong magiging reaksyon niya. Kung siya nga si Jojo, malalaman niya kung paanong nagkaganito ang mga mata ko.

Guess, I was right. Tumatak sa mukha niya ang gulat at lungkot. Hindi ko alam pero parang ganoon na rin iyon. Nawala siya bigla sa ipagpapatuloy na diskyusyon pero wala, he stopped for a while, opened his bag and got a drink from his gatorade.

"Miss Lazaro, meet me after the class. You have issues with your... uhm, grade. Yeah." What a liar! Ano naman kayang binabalak niya? Balak na kaya niyang magsalita ngayon? Huli na ang lahat dahil alam ko na!

**

"Miss Lazaro.." Sasabay na sana ako sa paglabas ng mga estudyante kaso nadatnan pala niya ako. Wala naman akong nagawa at sumunod sa kanya sa office niya.

Umupo ako sa seat sa gilid ng table niya. The four corner was so freaking quiet. It was like breaking my ears. Tinitignan ko siya pero tahimik lang siyang malungkot na nakatitig sa akin.

"Hailey, k-kung wala kang sasabihin..."

"Bakit ka umiyak?" Diritsang tanong niya. I knew it! Ngayon, sigurado na akong siya nga si Jojo!

"Tell me, Jojo! How on earth you became Jojo, eh hindi naman kayo magkamukha?!" Napatayo kong tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Matagal ko na itong gustong itanong sa kanya.

"H-how..."

"C'mon! No more lies please. I had enough! Marami na akong ebidensya at no'ng isang araw at ngayon ang klaro. I heard your conversation with Pima. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito, kung bakit umuwi akong sira!" Hindi ko talaga makalma-kalma ang sarili ko. Gusto kong sumigaw sa puntong ito. Gustong-gusto kong sumigaw!

"Jiji, the reason why you left is that, you did not fight for me." Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin?

"Kung mahal mo talaga ako, dapat hinarap mo siya't pinamukha sa kanya kung gaano mo ako kamahal. Did you know what I did? Dahil sa nalaman kong umalis ka, dahil sa nalaman kong nasaktan ka, na-aksidente ako. My face broke, Jiji and that explains this." Sabay turo niya sa itsura niya. Hindi ko mahanap ang tamang salita na itatapon ko sa kanya. Para akong nanigas nang dapuan ng malamig na katotohanan.

Tumayo siya't hinarap ako. "Jiji, I did this for you. Kahit na inaaway mo ako, kahit na sa malayo lang kita nakikita, masaya na ako doon. W-wala pa akong lakas ng loob para harapin ka kasama ang katotohanan dahil alam kong nasasaktan ka pa sa nagawa ko. I'm sorry, Jiji. I'm sorry." At niyakap niya ako ng mahigpit. Nakatungo lang akong niyayakap niya. Hindi ko parin talaga maibuka ang bibig ko. Walang-wala akong masabi.

"At hindi naman ako pwedeng magsalita dahil papaalisin ako ni Tito. Tiniis ko ang hirap, Jiji. Tiniis ko para sa'yo."

Hindi ko nagawang magsalita. Kusa na lamang tumulo ang nagsisihabulan kong mga luha.

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon