Chapter 17

77 1 0
                                    

Jinki

Hindi ko alam na ganoon pala ang galit ni Ate kina Nadine. Well, tama lang yata ang magalit siya. Nakita ko ang proweba kung paano nila sinasaktan si Ate. Pero, tama bang maghigante? Pero kung ako din siguro ang nasa pwesto ni Ate na halos isuka na sa buong paaralan, magagawa ko ring maghigante.

Ayaw ko nang umalis sa tabi niya. I think, it's time for me to wake up and help her para maipanalo ko ang puso niya't magkaayos na kami. I can't wait to dance with her again. I missed those days na kasayaw ko siya na wala kaming ibang inaalala kundi ang sumayaw nang sumayaw.

But, hindi ko yata kaya ang pinapagawa niya. God! Sabi ko nga na gagawin ko ang lahat. Haaay... at isa pa, Nadine was a total fake.

Ashly

Oh thank God for giving me point of view. I can't wait to kill that bastard!

Ash keeps on following me. Halos araw-araw nasa tabi ko siya, pwera na lamang kung may klase ako o kaya nasa bahay o kaya ay hello?! yung mga bagay na hindi niya ako masusundan, so bobo of you naman siguro 'pag pinaexplain niyo pa sa akin 'yan. Basta, walang araw na wala siya sa tabi ko. Kinukulit niya ako, nagpapatawa siya kahit hindi naman nakakatawa yung mga jokes niya. I totally hate his presence! Feeling naman niya, he's super gwapo. Akala nga niya may gusto ako sa kanya. Hell no! Ako? Magkakagusto sa kanya? Eh ang baho nga ng kili-kili niya eh. Minsan pa nga pinapaamoy niya sa akin. Ang bastos talaga! Tapos kapag nagorder kami pareho ng fries, mabilis namin yun inuubos at kapag naubusan na, nag-uunahan kaming kunin yung fries sa mga kasama namin. Ang takaw niya! Inuunahan pa ako. Tch.

Nakakainis talaga siya, sobra!

"Huy! Kanina ka pa tahimik diyan?!" Pukaw sa akin ni Candie.

Ako? Kanina pa ako tahimik? Paanong naging tahimik ako? Anong pakialam ko kung wala si Ash ngayon?

"Eh kasi naman, first time wala si Ash. Ang bobo mo talaga, Candie." Sarcastic na sabi ni Maddie.

Ano nga kung wala si Ash? Hindi naman nakakapanibago. Hindi ko naman siya hinahanap. Hindi naman ako nagtataka kung bakit wala siya. Hindi ko naman iniisip na baka napagod na siya kakasunod sa akin na halos minsan ipagtabuyan ko na siya. Hindi ko naman siya namimiss. Hindi ko siya inaalala. Hindi! Hinding-hindi!

"Napaghahalataan ka girl!" Pukaw muli ni Maddie.

Ako? Napaghahalataan? Tch. Hindi ko nga siya namimiss diba? Hindi nga!

"Hindi ko nga siya namimiss!" Sigaw ko na ikinagulat nilang tatlo at ikinagulat ko rin. Omg! Nakakahiya!

Tumayo ako at umalis sa cafeteria. Nagtungo ako sa cr tapos hinarap ko yung sarili ko doon.

"Ano ba! Namimiss ko siya! Huhuhu. Bakit ba kasi wala siya?! Bakit ba!" Kausap ko sa sarili.

"Wait! Bakit mo naman siya mamimiss? Eh ang kulit nga no'n diba? Tch!" Sabi ko ulit na nag-iba na naman ang expression.

"Gooooooosh!" Sigaw ko.



Ash

"Ano?! Pwede na ba akong bumalik? Von naman eh! Namimiss ko na kambal ko!"

Kanina pa ako tawag nang tawag tapos hindi nila sinasagot. Sa kulit ko siguro, sinagot na rin nila.


[Hahahahaha! Matutuwa ka dito, bro! 'Wag ka nga muna magpakita.]

Yes. Oo, tama kayo ng hinala. Hindi ako napagod sa kakasunod. Ayaw ko itong ideya nila Von. Hindi pa nga nag-araw yung pagkawala ko, namimiss ko na siya. Sabi kasi nila Von, atleast daw, gumawa ng panibago. Eh kasi, minsan tinataboy ako ni kambal...

"Pre, hindi ka pa ba napapagod kakasunod mo diyan kay Ashly? E andami namang babae diyan. Kumakapit ka sa ayaw sa'yo eh." Sabi ni Codes na nasa katabing stool kay Trent. Nasa bar kami.

"May naisip ako. Umabsent ka kaya muna sa kakasunod sa kanya? Well, a day will do." Suhestyon ni Von.


"What?! No way! Hindi ako aalis sa tabi ni kambal ano." Inis kong sabi. Hinding-hindi iyan mangyayari. Tch.

"C'mon, Ash. Sanay si Ashly na nasa tabi ka niya. Let's see kung ano siya kung wala ka." Leron.

Okay. That's a nice idea pero hindi ko kaya iyon.

"Ang OA mo, Ash! Parang isang araw lang eh!" Sabi pa ni Codes.




Oo na. Pumayag ako. Pero baka namimiss na ako ni kambal. Baka hindi niya kayanin at himatayin siya sa kakamiss sa akin. Baka hinahanap na niya ako.


--

Ipinakita nila Von ang video na ginawa nila. Kahit saang sulok si Ashly, nasa video siya. Halos hindi ko na nga maalis sa mukha ang ngiti ko eh.

"Oh diba? Effective! Hahaha! Para siyang tanga diyan sa cr, kinakausap sarili niya." Sabi ni Von. Para naman akong naantig sa sinabi niya at tinignan siya ng masama.

"Oooh. I surrender." Dagdag pa niya sabay taas ng dalawang kamay.


Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpapasa naman ako ng video. At nang makaalis na sila'y inuulit ko ito. Hahaha! Ang cute niya! Miss na daw niya ako. Huli ka na, balbon!


Ashly

Darating pa kaya siya? Another day na ito pero ang atat ko na makita siya.

"Ash, darating yun." Sabi ni Maddie out of nowhere na para bang alam niya yung iniisip ko.

"Cut it out, hindi ko nga siya iniisip." Inis na sabi ko. Ang aga-aga pinapainit nila sarili ko.

"I know right! Eh first time lang naman natin naging maaga." Dagdag pa niya.

Napalibot agad ang tingin ko sa loob ng cafeteria. Kami pa nga ang tao dito. Yung kaingayan lang namin ang umalingawngaw sa loob. Hindi ko naman siya pinansin at hindi na lamang nagsalita, baka dagdagan pa niya yung inis ko.

Halos tatlong oras na kaming nakaupo sa cafeteria. Nakatulog na nga si Nadine, si Maddie naman, kanina pa kinukulikot ang phone niya habang si Candie ay minsan kinakausap ako, minsan nag-oorder, minsan humihikab.

"Haaay, salamat pwede na rin tayong makaalis dito. Andyan na hinihintay mo oh." Nababagot na sabi ni Candie na sinasabayan pa nang paghihikab.

Wala pang isang segundo'y napatayo ako't napalingon sa likuran ko, kasabay nito ang kasiyahan ng puso kong kahapon pa patay.

"Kamba--" Napatigil naman ako nang wala akong makitang papalapit sa gawi namin at ang sabay na pagsasalita ni Candie.

"Yah. Proven and tested." Bored parin na sabi niya. Nang makaharap ako sa kanya, may kausap pala siya sa phone niya, nang makita'y ang naglalakihang mukha ni Von pala.

"You were talking to him, the whole time?!" Gulat na sabi ko sabay tingin sa inaantok niyang mukha. Iniharap naman niya sa akin ang cellphone niya at nakita kong halos tatlong oras na rin ang pags-skype nila.

"My God, Candiiiieee! Are you even my friend?!" Naghyhysterical na sabi ko. I know, all eyes are on me na but the hell I care!

"One hundred percent yes. I wouldn't help you speak out kung hindi ako real friend." Bagot na bagot paring sabi niya.

Napatayo ako at napahawak sa pisngi ko. Omg! I'm dead! Nakakahiyaaaaa!

***

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon