Jahz' POV.

Hindi ko maintindihan yung sinabi ni Yibo kanina. Sinabihan siya ni Angel na wag na siyang mahalin tapos magpapakamatay na lang siya kaysa mangyari ang bagay na yun. Hindi ba niya kayang mabuhay na wala si Angel. Ano ba ang pinag-awayan nila?

"Alam mo Jahz baliw na ata tong si Yibo. Baliw na sa pagmamahal kay Angel.", Sabi ni Izza. Tapos pinicturan niya si Yibo.

Angel's POV.

Pagkatapos kong magsulat dahan-dahang tumingin ulit sa akin ang imaginary boyfriend ko. Gumana na ba? Pagtingin niya sa akin nakangiti na siyang naglakad palapit sa akin. Paglapit niya sa akin bigla niya akong niyakap.

"Pangako... walang iwanan ha.", Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero kailangan mo nang mawala Yibo.

Hindi ka bagay dito sa mundong 'to. Siguro makakahanap din ako nang mas maayos kaysa sayo. I'm sorry.

Jahz' POV.

Nakakapagtaka naman ayos na agad sila? P-paano nangyari yun? Biglaan naman ata yun nangyari. Kanina lang hindi ko sila maintindihan hanggang ngayon pa naman. Hay naku~ ang pag-ibig talaga ngayon oh. Makabalik na nga sa classroom.

Habang naglalakad kami ni Izza pabalik sa classroom. Napahinto ako at tumingin ako sa kanya. Wala naman kaming klase ngayon.

"Izza. Pumunta tayo sa photo studio. Imbestigahan natin yung mga kinuha mong mga litrato.", Nginitian niya ako.

"Sige ba!", Pagkatapos sabay na kaming naglakad papunta sa photo studio.

Angel's POV.

Ginawa ko lang yung tingin kong tama. Ang mawala ang mga kasinungalingang pinatotoo ko. Nagkamali ako sa naging desisyon ko. Hindi ko dapat ginawa ang bagay na 'to. Sa ginawa ko may napahamak na isang tao na malapit sa buhay ko kaya tingin ko kailangan ko nang wakasan ko.

Kailangan kong kausapin si Mr. Norman. Gusto kong malaman kung ano ang pwede kong gawin para ibalik ang lahat kagaya nang dati. Agad akong pumunta sa counseling room.

Pagdating ko doon hindi pa ako nakakalapit sa tapat ng pintuan ng counseling room. Nasalubong ko agad si Mr. Norman. Buti naman nakita ko siya.

"Angel bat andito ka?", Tumingin ako nang seryoso kay Mr. Norman.

"Sir. Paano ko mababalik ang lahat kagaya nang dati? Pwede pa bang mabago ang lahat?", Unti-unting ngumiti si Mr. Norman. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"So ngayon nagsisisi ka na? Diba sabi ko sayo pag-isipan mo muna ang mga isusulat mo sa notebook dahil baka sa huli ikaw din ang magsisi?", Senesermonan pa ako nito oh.

"Sir. Alam kong nagkamali ako paano ko maitatama ang lahat ng pagkakamali ko? Sir. Tulungan niyo ako.", Nakatingin lang si Mr. Norman sa akin.

"Hindi na kita matutulungan sa bagay na yan. Ikaw na ang nagsimula ng mga kamalian na yan kaya ikaw na ang bahalang mag-ayos nyan. I'm sorry, Angel. Sige kailangan ko nang umalis.", Ano?! Pagkatapos magsalita ni Mr. Norman umalis na siya.

A-anong sabi niya? H-hindi na niya ako matutulungan pa? Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'to. Kapag nagtagal pa ang imaginary boyfriend ko dito baka may mangyari ulit na masama sa iba ko pang mga kaklase ko. Hindi ko hahayaang mangyari yun.

Kung hindi ako matutulungan ni Mr. Norman. Tingin ko ako na lang ang maghahanap ng solusyon sa problema ko.

Lumabas ako sa school. Pumunta ako sa likod ng school. Nagsunog ako doon ng mga papel. Tingin ko ito na lang ang paraan na pwede kong gawin. Sana naman gumana. Kinuha ko yung notebook na binigay sa akin ni Mr. Norman.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now