Last Summer (Special Chapter 1)

1.6K 38 3
                                    

Punong-puno ng kasiyahan ang mga mata ni Vanessa habang hinihintay ang pagpatak ng ala-sais. Sa ngayon ay nasa labas siya ng school kahit wala ng pasok. It's their summer vacation already.

Ngayong araw sila pupunta sa lumang bahay dahil ngayon nila gagawin ang pagtawag sa espirito na matagal na nilang plinagplanuhan noon pang nasa ikatlong taon sila ng Paoy Lake University. Kahit sinong espirito. Kung meroon man sa paligid.

Kanina pa siya naghihintay at wala pa siyang kasama. Naisip na lang niya na baka natraffic lang ang kanyang mga kaibigan papunta kahit na malabo naman iyong mangyari sa kanilang lugar.

Kinuha niya ang libro sa kanyang bag. La Persona Que Llama Muertos. Hindi niya alam ang ibig sabihin non pero excited na siyang gawin ang ritual na napili nila.
Ninakaw lang niya iyon sa library dahil ayaw ipahiram ng librarian iyon. Ang sabi nito ay masama at delikadong libro iyon. Pero hindi siya natinag bagkus ay mas lalo pa siyang naexcite. Agad niya iyong kinuha pagkatapos siyang utusan ni Tricia at Christopher. Ibabalik din naman agad niya iyon pagkatapos nilang gamitin at walang makakaalam. Everything is fine.

She suddenly giggled!

Damn! She's so freaking excited. She love doing this kind of stuff.

Napaubo siya ng mapuno ng alikabok ang kanyang harapan. Tumigil ang isang itim na sasakyan pagkatapos ay bumaba sina Sarah, Tricia, Christopher, Mary Rose at Nico. Ang kanyang mga kaibigan. Ang mga itunuturing niyang kapatid sa ibang ina.

"Bakit napakatagal niyo?" Angal niya. "Kanina pa kaya ako naghihintay" nakabusangot niyang sabi pagkatapos ay sumimangot.

"Alas-singko ang usapan natin ha?" Nagsalubong ang kilay ni Tricia. "Di mo ba alam?"

Tumingin siya kay Mary Rose na bahagyang tumatawa. "Ang sabi niya sa akin ay alas-kwatro."

"Sabi ko ala-singko. Naglilinis ka ba ng tenga mo ng mabuti? Iba na kasi ang naririnig mo." Sabi nito habang pinipigilan ang pagtawa.

"Pero sabi mo sa akin alas-singko. Hayaan mo na nga lang" tila okay na sabi nito. "Aalis na ba tayo?"

"Excited ka yata masyado" nakangiting tanong ni Christopher habang nakatitig sa malulusog na dibdib ni Vanessa. "Tama ba ako?"

Nakadama na naman siya ng pagkailang. "Oo naman! Isang linggo ko kaya itong hinintay." Nagtago siya sa likod ni Sarah pagkatapos ay yumoko.

"Huwag kang masyadong lumapit sa akin" utos naman ni Sarah. "Magugusot itong mamahalin kong damit. Plinaplantsa ko pa ito sa katulong namin."

"Sorry" Vanessa whispered while stepping back.

"Tara na." Yakag naman ni Nico. "Excited na din kasi ako."

"Ikaw lang ba?" Nakangiting tanong naman ni Mary Rose. "Syempre tayong lahat."

Sumakay silang lahat sa itim na sasakyan at mahigit kalahating oras lang ay narating na nila ang lumang bahay na sinasabi ni Christopher. Gawa sa lumang bato ang bahay ewan lang nila sa loob.

"Iyan na ba iyon?" Tanong ni Mary Rose. Gaya niya ay nakatingin din silang lahat sa labas ng bintana.

"Oo, balita ko ay maraming namatay diyan. Minassacre ang pamilyang nakatira diyan ayon sa lolo ko" paliwanag niya. "Kaya maganda dito dahil balita ko nanatili ang mga spirits diyan dahil naghahanap sila ng hustisya."

"Sino naman ang pumatay?" Tanong ni Vanessa. Bigla siyang nakadama ng kaba at pangingilabot pagkatapos dumampi sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin, "at bakit niya ginawa? Di ba siya naawa? Siguro naman ay may pamilya din siya."

"Ewan ko" sabay kibit ng balikat ni Christopher. "Matagal na kasing nangyari iyon. Babies pa siguro tayo noon."

Naunang bumaba si Vanessa ngunit agad din siyang bumalik sa loob ng sasakyan pagkatapos umalolong ang isang itim na aso.

"Bakit ka bumalik?" Naiinis na turan ni Mary Rose pagkatapos siyang madaganan.

"Hindi niyo ba nakikita iyang itim na asong umaalolong?" Turo niya sa labas.

"Are you kidding me? Wala naman ha?" Naiinis ding turan ni Sarah pagkatapos maipit. "Dalian mo na at lalabas na din kami."

Nang makalabas siya ay nawala na rin iyong aso. Sabi ng nanay niya ay mapapahamak daw ang taong nakakita non. Lalo na at umalolong ito. Sabi nila ay huwag na daw dapat ituloy ang bagay na nais gawin.

"Parang ayoko na" wika ni Vanessa.

"Ngayon pang nandito na tayo?" Dismayadong giit ni Tricia. "Bakit natatakot ka ba?"

"Hindi pero iyong itim na aso..."

"Wala namang aso ha?" Naiinis na bigkas ni Mary Rose. "Wala naman kaming nakita at narinig. Pinagloloko mo ba kami?"

"Hindi." Nagyoko siya ng ulo pagkatapos ay umiling.

"Dito tayo" utos ni Christopher. Sumunod na lang siya at hindi na siya umangal pa

Bitbit ang isang lumang ilaw na dala-dala ni Nico ay dumaan sila sa likod ng bahay. Iyon ang ginamit nilang ilaw. Para daw mas magmukhang makatotohan ang gagawin nila.

Si Vanessa ang inutusan nilang magbukas ng pintuan. Napakadilim ng loob ng lumang bahay. Mabaho rin iyon na para bang ginawang tirahan na ng mga daga. Naaamoy kasi ang mapanghi nilang ihi at nakakasulasok na popo.

"Saan tayo pwepwesto?" Tanong ni Tricia habang lilinga-linga sa paligid. "Nakuha mo ba ang libro Vanessa?"

"Oo" sabi niya pagkatapos ay tumango.

"Wala bang nakakita sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Sarah pagkatapos malaman kanina na ninakaw niya iyon.

"Wala naman" ngumiti siya. "Nag-ingat akong mabuti."

"Good!" Sabi na lamang ni Tricia na sinundan naman ni Nico at Christopher ng thumbs up.

"Mas maganda kapag sa baba tayo." Suhestiyon ni Mary Rose habang nagtatali ng buhok.

"Sang-ayon ako" sabat ni Sarah. "Mas makakatawag tayo kapag doon tayo. Sa pagkakaalam ko kasi ay pinakababa ng bahay palaging naggagagala ang mga taong namatay."

"At ano naglalaba?" Biro ni Nico kaya pinektusan na lamang ni Mary Rose at Sarah ito.

"Last mo na talaga iyan" sabi pa ni Sarah.

"Pero kailangang isuot ni Vanessa ito hindi ba guys?" Inilabas ni Tricia ang isang kulay puting bistida mula sa kanyang bag pack.

"Bakit?" Nangonot ang kanyang noo.

"Dahil ikaw ang kakausap sa tatawagin nating ispirito" wika ni Christopher. "Hindi ba at gusto mo iyon? Sinabi mo na sa kin iyon dati pa."

"Sige!" Agad niya iyong sinuot. "Bagay ba sa akin?"

"Oo naman, pero mas bagay pa sa iyo kung ilulugay natin iyang mahaba at itim mong buhok." Si Mary Rose. Lumapit siya dito at tinanggal ang pagkakapony tail ng buhok ni Vanessa.

"Perfect na!" Bulalas ni Tricia. "Hawakan mo itong malaking kandila. Bubuhayin mo iyan kapag isasagawa na natin ang ritwal. Powerful source ng vibes ang kandila. Mas lalo silang maaakit."

Tumango siyang muli pagkatapos niyang abutin iyon.

Naglakad sila sa may pasilyo patungong hagdan. Marurupok na mga kahoy lalo na ang sahig na inaapakan nila kaya naman ng malapit na sila sa may hagdan ay biglang nagcrack ang sahig. Dahil doon ay biglang nahulog si Vanessa.

Media:
Siya si Christopher. Naging 3 years straight na Campus King. Pinakasikat na estudyante sa school nila. Dahil sa kapogihan ay marami ng babaeng pinaiyak.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon