Chapter 11

1.7K 56 3
                                    

"Kuya Nico pwede bang magpapicture? Please? Tagahanga niyo po ako." Paghingi at nahihiyang pabor ng isang first year high school student. Nanginginig pa ang boses nito habang nagsasalita. Isa itong babaeng maliit at medyo may katabaan. Nakabangs kaya cute din naman ito.

"Sure" lumapit at umakbay siya sa dalaga. Sa isang iglap ay narinig na niya ang shutter tones. Hudyat na nakuhanan na sila.

"Salamat" wika nito na halos mahimatay na sa sobrang tuwa. Dahan-dahan itong naglakad paalis habang nakatitig sa kinuhang larawan. Bago lumiko ay muli niyang tinitigan si Nico at ngumiti.

Kumaway naman siya bilang pagpapaalam. Bumuntong-hininga siya at umakyat ng hagdan. Naglakad sa pasilyo patungo sa music room.

Napakadilim ng daan patungo sa sadya niyang kwarto. Kahit na isang ilaw ay walang nakabuhay. Isa pa ay napakatahimik. He only hear his own heartbeat and his walk. Tahimik dahil na rin siguro at wala ng estudyante sa kanilang building. Uwian na kasi.

Huminga muna siya ng malalim bago niya pinihit ang malamig na seradura na gawa sa aluminum. Ewan ba niya subalit bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay may bumubulong sa kanya na huwag na lang niyang gawin ang pag-eensayo.

Dahan-dahan niyang itinulak ang dahon ng pintuan. Gaya ng alam niya ay sadyang napakadilim din ng kwarto at napakatahimik. Kahit kaunting ilaw sana na pumasok na nangagaling sa poste sa labas ay wala dahil matatayog at malalaki ang mga punong nasa tabi ng bintana.

Kinapa niya ang switch ng ilaw. Ilang segundo lang ay sumabog na ang liwanag sa kwarto at tumambad sa kanya ang napakadaming istrumento.

Nang tumingin siya sa kanyang cellphone para tignan ang oras ay nakasaad doon na mag-aala sais na ng hapon. Ten minutes left. Kahit dalawang oras lang siyang mag-ensayo ay pwede na. Total ay nakapagpaalam naman siya sa parents niya dahil tinawagan niya ito kanina.

Bumuntong-hininga siya ng napakalalim. Kung siya ang tatanungin ay hindi niya gagawin ang pag-eensayo ngayon dahil tinatamad siya subalit kailangan niyang gawin iyon dahil gusto niyang mataas ang makuha niyang marka sa first grading. Gusto niyang makapasok sa top ten dahil last year ay pang-eleven lang siya bagay na ikinadismaya niya ng sobra. He did all his best but still its kulang. Umasa lang siya sa wala. Nganga!

Hinila niya ang upuan at naupo sa harap ng itim na piano. Pianong napakatagal ng pagmamay-ari ng kanilang Unibersidad.

Tumugtog siya ng napakagandang musika. Nakakagaan ng loob ang musikang iyon. Kapag nadinig mo ay makakalma ka at makakalimot ka sa iyong mga problema. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa maiba ang tunog ng pindutin niya ang itim ng key sa pinakadulong bahagi ng piano.

"Anong?" Nangunot ang kanyang makinis na noo.

Inulit niyang pindutin iyon at nagsalubong naman ang kanyang kilay. Iba talaga ang tunog non. Hindi ang nais niyang tunog ang lumalabas doon. Mukhang sira.

Binuksan niya ang piano para tignan ang loob nito at tumambad sa kanya ang isang kulay puting bagay.

"Ano ito?" Tanong niya sa sarili.

Hinila niya iyon at natanto niyang isa iyong maruming teddy bear. Parang hinukay sa napakalalim na lupa.

"Papaano nagkaroon ng teddy bear sa loob nito?" Tanong niyang muli sa sarili. "Nakapagtataka naman. Tanga rin ang naglagay."

Inilapag niya iyon sa kanyang harapan at nagkamot siya ng ulo. Muli siyang umupo at tumugtog ng piano.

Habang tumutugtog siya ay napapansin niyang tila gumagalaw ang teddy bear. Parang may sariling buhay iyon. Kanina ay nakatagilid iyon. At ngayon ay nakaharap na sa kanya. Ang mga mata ng teddy bear ay parang nakatingin sa kanya kaya napalunok siya ng wala sa oras. Inisip na lamang niya na gutom siya total ay hindi siya kumain ng pananghalian kanina.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon