Chapter 18

1.4K 44 1
                                    

Nagising si Mary Rose sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto habang nakasuot ng itim na bistida. Nakatali ang mga kamay at paa sa isang kahoy na upuan. Sinubukan niyang sumigaw ngunit nakulob lamang iyon sa kanyang lalamunan ng maramdaman niyang natakpan ng duguang tela ang kanyang bibig paikot sa kanyang batok.

Sa salamin ay nakikita niyang nakatayo sa kanyang likuran si Vanessa. Ito ay nakatitig sa kanya.

Nang lumapit ito sa kanya at hawakan nito ang kanyang buhok ay doon na siya nagsimulang umiiyak, matakot at mangamba.

Umiling siya bilang pagsasabi na itigil nito ang gustong gawin sa napakaganda niyang buhok. Ngunit hindi huminto si Vanessa. Hinawakan niya ang buhok nito at plinantsa gamit ang pamplantsa ng buhok.

Maya-maya ay inayusan siya ni Vanessa habang siya ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya alam ang gagawin kaya tuluyan na siyang napahagulgol. Plinantsa niya ang buhok nito ng dahan-dahan hanggang sa ang plantsa ay dumikit at lumipat sa mukha ni Mary Rose!

Napasigaw siya dahil sa impit ng sakit ng mainit na plantsang nakadikit sa kanya. Naaamoy niya ang napapaso niyang laman at nakikita niya sa kanyang harapan ang kaunting usok bunga ng pagkakadikit ng plantsa sa kanyang kanang pisngi.

Ibinaling-baling niya ang ulo subalit hindi iyon sapat para matigil ang ginagawang pamamaso sa kanyang mukha. Nang tumingin siya sa mukha ni Vanessa mula sa salamin ay nakita niyang parang nakangiti ito at tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Wala siyang nagawa kundi humagulgol at damhin ang init ng plantsa.

Sana ay naniwala na siya kay Sarah. Sana lang talaga.

Umiling siya habang nakikita ang sariling repleksyon sa salamin. Kagaya na siya ngayon ni Vanessa. Lapnos ang mukha at sobrang nakakadiri. Lumalabas ang kanyang mga laman.

Kung akala niya ay tapos na ito ay doon siya nagkakamali ng tumungo si Vanessa sa kanyang harapan at ilabas ang isang maliit na kutsilyo.

Sinubukan niyan kumawala sa kinasasadlakan niya at nagsusumigaw siya ng ilapit niya iyon sa kanyang mukha. Unti-unting tumarak iyon sa kanyang kilay. Sa ngayon ay gusto ni Vanessa na ahitin ang kilay nito. Iyon nga lang ay bumaon iyon ng isang pulgada sa kanyang kilay. She's ruining her perfect eye brow. Ang kilay na kinaiingitan ng lahat ay wala na.

Muli na naman siyang napasigaw sa sakit. Halos wala na siyang makita ng tumulo sa kanyang mga mata ang sariling dugo. Tumutulo iyon pababa ng kanyang pisngi at ramdam na ramdan niya ang sakit ng ginagawang paglalaro sa kanya.

Tuluyan ng walang makita ang kanyang kanang mata ng hugutin iyon ni Vanessa gamit ang sariling mga kamay! Ramdam na ramdam niya ang labis na sakit habang nakakalkal iyon. Nakita pa niyang pinagmamasdan ng maigi ni Vanessa ang natanggal niyang mata pagkatapos ay ibinato niya iyon sa ilalim ng pintuan.

Napatigil lang ito sa ginagawa ng tumunog ang kanyang telepono. Napatingin si Vanessa doon. Dahil doon ay hindi natuloy ang nais sana nitong gawin. Ang hugutin pa ang kaliwa niyang mata!

Laking pasalamat niya ng may tumawag sa kanya. Pansamantala siyang nakahinga.

Lumapit si Vanessa sa tumutunog na telepono. Nang makita iyon ni Mary Rose ay ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas para matanggal ang pagkakatali ng kanyang mga kamay. Nagtagumpay siya kaya dali-dali niyang tinanggal ang pagkakatali naman ng kanyang mga paa.

Dali-dali siyang tumakbo palapit sa pintuan palabas ng sariling kwarto. Ngunit pagbukas pa lamang niya ng pintuan ay nandoon na pala si Vanessa sa kanyang harapan. Kung papaano ay hindi niya alam.

Kahit na ang kaliwang mata na lang niya ang gumagana ay nakikita niya pa rin ang galit na galit na mukha nito. Punong-puno ng poot.

Sinubukan niya itong banggain para sabay silang bumangga sa puting pader ngunit tumagos lamang siya sa kaharap. Nawalan siya ng balanse at natumba.

Tumayo siya at tumungo sa may hagdan. Lalabas siya. Lahat gagawin niya para makahingi ng tulong. Kahit na lapnos na ang kanyang mukha at wala na ang kanyang isang mata ay lalabas pa rin siya.

Nang nasa hagdan na siya ay muli niyang tinignan si Vanessa. Nasa likod na niya ito! Inihakbang niya ang paa at naapakan niya ang kanyang sariling mata. Napisat iyon na para bang isang kamatis. Dahil doon ay nadulas siya. Hindi siya nakakapit kaya gumulong siya sa mahabang hagdan.

Dumaosdos siya pababa hanggang sa mabali ang kanyang leeg at tumama ang kanyang ulo sa sahig nilang marmol. Sa lakas ng kanyang pagkakauntog ay nabiyak ng malaki ang kanyang ulo.

Sa taas ay nakatitig lamang si Vanessa sa kanya habang nakangiti.

Again sorry kung lame. Vote and comments!

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Where stories live. Discover now