Panimula

6.8K 159 32
                                    

"Look at this guys!" Ibinagsak ni Tricia Alethea ang isang makapal na libro sa harap ng barkada. Lahat sila ay napa-ubo dahil sa alikabok na lumabas doon. Maya-maya ay napatingin silang lahat ng buklatin niya ang libro.

"Anong meron?" Tanong ni Nico habang abala sa pagtatanggal ng dumi sa ilong. Nang makakuha ay binola-bola niya iyon pagkatapos ay ipinitik.

"Ayon dito sa libro maaari tayong magtawag ng ispirito kapag ginawa natin ito." Itinuro niya ang larawan ng isang ritwal sabay ngiti. "Interesting right?"

"Naniniwala ka diyan?" Natatawang sabi ni Christopher habang abala naman siya sa pag-aayos ng buhok. Kumuha siya ng gel pagkatapos ay isinuklay.

"Wala naman masama kung gagawin natin hindi ba?" Ngumuso ito. "This is very exciting guys! C'mon!" Pamimilit niya sa mga ito.

"Game ako diyan." Sagot ni Sarah pagkatapos ay ibinalik ang pagkakayoko sa may lamesa. Pakiramdam niya ay inaantok na naman siya. Paniguradong napuyat na naman ito sa kanonood ng mga Korean Dramas. Simula ng mawalan siya ng love life ay ito na ang pag-ibig niya. Sa panonood na siya naging busy. K-drama is everything for her. Pakiramdam niya ay ito ang kumumpleto ng buhay niya. "Wala naman tayong ibang gagawin." Sabi pa niya.

Pumasok naman si Vanessa na hindi magkandaugaga sa mga bitbit. Habang papasok ay nagkandalaglag na ang mga chips na kanyang binili. "I'm sorry guys. Napakadaming tao sa canteen." Ibinigay niya ang mga pinabiling inumin at pagkain sa kanyang mga kaibigan. "Ano iyan?"

"It's a supernatural book. Nahanap ni Tricia" sagot naman ni Mary Rose na busy sa kapipindot sa bagong cellphone. Syempre katext na naman niya ang bago niyang boylet. Or should I say isa sa mga boylet niya? Di daw siya malandi. Iyon ang sabi niya. Siyam-siyam lang talaga ang puso niya gaya ng isang jeep.

"Mukhang maganda ito" biglang nagkaroon ng saya ang mga mata ni Vanessa. Sa kanila siya ang mahilig sa mga ganoong bagay. Manood at magbasa ng mga horror movies ay ilan lamang sa mga bagay na hilig niya.

"So ano guys? Gagawin ba natin?" Tanong ni Tricia pagkatapos niyang tignan silang lahat.

"Sige, next week. May alam akong isang lumang bahay na pwede nating puntahan." Sagot ni Christopher pagkatapos ay namulsa.

Nagtanguhan sila habang punong-puno ng excitement ang kanilang mga mata.

A/N:

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. NAPAKALAKING TULONG PO ANG FEEDBACKS. THANKS!

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon