Chapter 10 (REVISED)

6K 112 1
                                    

After three months...

Trigger's POV

Hindi ko na matiis. Kailangan ko nang bumalik sa Pinas. Gusto kong makita yung kalagayan ngayon ni Zeyen. Gusto kong makita itong naghihirap dahil kinuha ko na lahat sakanya. Yan ang napapala niya. She's a slut.

Matagal ko siyang hinanap para balikan uli. Akala ko kahit sa sandaling panahon pwede kong ipaalala sakanya lahat. Pero hindi pa ako naguumpisa, sinaktan nanaman niya ako.

Hinding hindi na ako mag-sasayang ng oras kay Zeyen ngayon. Tapos nako magtimpi at maghintay.

"Sir ready na po yung kotse." Sabi sakin ni Martines.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nagumpisa nakong maglakad papunta sa pintuan ng tawagin ako ni Hazel.

"Kuya!"

Lumingon ako at dali dali itong tumakbo papunta sakin.

"Uuwi kana ba? Babalikan mo na ba si Ate---"

"Stop it. Hindi na mangyayari yun." Pagputol ko.

"Pero kuya, kailangan ka ni Ate. Binasa mo ba yung binigay ko---"

"You're wasting my time Hazel. Wala nakong pake kay Zeyen."

"Let's go Martines." Utos ko rito.



Zeyen's POV

"Here's your change sir."

"Thank you."

Tumalikod ako at kinuha yung mug ng Latte. Nilagay ko ito sa tray at naglagay rin ako ng tissue at ng teaspoon. Binuhat ko ito at inabot sa next costumer.

"Here's your hot latte sir. That would be 110 pesos po." Sabi ko rito.

Nag-abot ito ng 500. Kinuha ko ito at---

"Keep the change please."

Nagulat ako sa sinabi nito.

"Sir..."

"It's okay. I always order here. And you do your job well. You deserve it." Sabi nito sakin.

"Nako. Thank you sir. Balik po uli kayo lagi." Nakangiti kong sabi.

Walang sumunod na costumer pagkatapos niya. Kinuha ko na yung basahan at pumunta sa bintana. Binasa ko ito ng onti at pinunasan.

Habang nagpupunas ako, may nakita akong Lamborghini na kotse at may nakapalibot pa dito na ibang kotse.

Napahinto ako sa ginagawa ko ng makita ko kung sino yung lumabas.

Trigger?...

Tinignan ko ito ng mabuti. Siya nga! Andito na siya!

Nakita ko itong pumasok sa tapat na building. Dali dali akong lumabas at nagmadaling tumawid.

"Trigger!"

Hindi ako nito nilingon. Nang makatawid ako, nakapasok na ito sa elevator. Napalingon ako sa kotse ng makita na palabas si Martines.

"M-Martines!" Tawag ko dito.

Napatigil ito sa pagpasok ng makita ako.

"Ms. Torres?"

Lumapit ako sakanya.

"Martines nakikiusap ako, pakitawagan naman si Trigger. May importante akong sasabihin sakanya." Pagmamakaawa ko.

"I'm sorry mam. Ayaw ka na pong makita ni Sir. Pinagutusan niya po kaming lahat na wag ka na pong babanggitin."

I Married A Cold Hearted Beast! [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon