Chapter 9 (REVISED)

6.3K 117 1
                                    

Zeyen's POV

Padabog akong pumasok sa apartment ni Lauren. Binagsak ko yung envelop at bag ko sa sofa.

"Anong nangyayari? Ganon pa rin ba?" Bungad nito sakin.

Pinuntahan ko ito sa kusina.

"Oo. Naka apat na interview nako tsaka limang pasa ng application form pero nirereject nilang lahat." Sagot ko.

"Baka ayaw nila sa buntis?"

Umiling ako.

"Hindi e. Parang---"

"I knew it. Panigurado akong kagagawan ito ni Trigger." Sabi ko.

"Hay nako, hayaan mo na nga siya. Wala lang siyang magawa kaya hanggang ngayon pinapakielaman kapa rin niya. Ang bitter ah."

*Bogosh*

Napalingon kami sa bintana.

"Nako aksidente nanaman ata." Sabi ni Lauren.

Pumunta kami sa bintana at sinilip yung ibaba.

May dalawang kotse na nagbungguan. Dumadami yung tao na pumapaligid dito para tignan.

Napalayo ako sa bintana at unti unting napalakad patalikod.

*Flashback*

"Mmmm, ang sarap ng carbonara. "Sabi ko.

Umangat ako ng tingin at hinalikan ko yung isang lalaki.

"Binobola mo lang ata ako e."

"Hindi kaya. Ikaw yung the best cook para sakin. " Proud kong sabi

Pumunta na kami sa kusina at nag-hain.

Masaya kaming kumakain nito.

"Zeyen, I have something for you. It's not much pero wala kasi akong maisip na ibigay sayo."

Dahan dahan nitong hinila yung kamay ko. May kinuha ito sa bulsa. Kinuha nito ang isang box at kinuha sa loob yung isang pink na leather watch. Sinuot naman niya ito sakin.

"Thank you. Ang ganda naman." Sabi ko.

Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa noo.

"I love you so much Zeyen."

"I love you too, love. "

Niyakap ko yung mga braso ko sa leeg niya at hinalikan ito.

*End of flashback*

"Andrea okay ka lang ba?"

Napahawak ako sa sentido ko.

Inalala ko yung relos na nakita ko sa closet ni Trigger.

*Flashback*

"Iiwan mo nalang ako!?" Naiiyak kong sabi.

"Zeyen, napagusapan na natin to. Kailangan kong asikasuhin yung kompanya namin. My family needs me."

"E paano ako? Paano tayo? " Naiiyak kong sabi.

"I'll be back. Magpapaalam agad ako kay dad for another break."

"Hindi ko na kayang maghintay. Love please, ako naman yung piliin mo. Kailangan rin naman kita." Pagmamakaawa ko.

I Married A Cold Hearted Beast! [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang