10 WAYS TO ANNOY YOUR CLASSMATES

232 14 7
                                    



Nabobore ka na ba sa classroom nyo dahil sa nakakaantok na lesson ng teacher mo? O di kaya ay hindi na naman pumasok ang absenero mong guro? Pakiramdam mo ba ay mamatay ka na sa bagot?

Pwes, wag ka nang lumipat pa ng babasahin! Ilagay na ang librong ito sa iyong RL sabay hit sa vote at mag comment na rin! Dahil eto na ang mga tips kung papano mo bubuwisitin ang mga kaklase mong suki sa listahan ng Noisy.


1. Kapag maingay ang klase, pumunta sa harap at kunwari ay may iaanounce. Kapag nakikinig na ang lahat, tumikhim ng malakas, i clear ang vocal cord, ayusin ang necktie, tingnan sila ng matiim na parang may sasabihin kang ikabibigla niya sabay sabihing, "Joke lang!" with matching peace sign.


2. Kapag tahimik naman ang klase, pumunta ulit sa harapan sabay magsimulang mag lista ng Noisy. Ilista lahat ng classmate, maingay man o hindi.


3. Mag presenta na maging leader sa isang group activity tapos kapag may group meeting sa bahay ng kaklase, mag pa late or better yet, WAG KA NANG SUMIPOT.


4. Pumunta sa black board, kolektahin ang mga powder ng chalk. Ilagay sa palad tapos ialok sa classmate mong mahilig manghingi ng pulbo. Siguraduhin mong walang nakakita sayo. Pag masdan kung paano niya ipapahid sa mukha niya ang chalk powder. Kapag tapos na niyang maipulbo sa kanyang mukha, saka mo lang sabihing chalk yun sabay takbo.


5. Mag ipon ng mga maliit na bato. Kumuha ng walang lamang plastic ng chicherya ( eg : Nova, piatos, Cheepee, Snaku, etc ). Ilagay ang mga maliit na bato sa loob. Tapos magkunwaring isa kang generous na kaklase. Ialok mo sa pinaka PG mong klasmeyt.

Bahala ka na kung anong gagawin mo kapag nakita nya na yung bato. Pwedeng tumakbo ka o di kaya tatawa ka sabay peace sign... Basta bahala ka na! Ginusto mo yan, eh XD


6.Kapag may nagpatawa, wag tatawa. Kapag natapos na lahat ng tawa nila, sabihin mong, "Ha. Ha. Ha. Tatlong tawa para sa joke mong walang nakakatawa."

Pwede mo rin itong i apply kahit sa hindi mo kaklase.


7. Kapag may nagre report, makinig nang maigi. Tapos kapag may hindi nai explain nang maayos o di kaya ay napapansin mong hindi talaga alam ng reporter ang sinasabi nya, magtanong nang magtanong tungkol dun. Sabihin mo, hindi kasi gaanong maintindihan. Tapos, ngumiti ng nakaloloko habang nabubulol na siya sa pagi explain kuno.


8. Wag na wag magpapakopya! Kapag ko kopya ang classmate mong nakapasa lang dahil sa pangongopya, eto ang sabihin mo, " Bakit? Hindi ka ba nag aaral?"


9. Maging pabibo! Sagot lang ng sagot sa mga recitations kahit medyo ligwak ang sagot mo! Pumapel kahit may naka assign na leader sa mga activities nyo.


10. At ang last but not the least, at siguradong kaiinisan ka ng mga classmate mo....MAKIPAG CLOSE KAY MAAM AND SIR! Dito pa lang, pak na pak ganern na ganern na ang iyong misyon.

Tandaan : Ang lahat ng ito ay nagawa ko na...maliban sa numbers 9 and 10. Pero nagawa naman ng ilan sa mga kaklase ko. At alam ko...na alam nyo rin na sobrang effective yang dalawang yan. At in fact, may kakilala kayong gumagawa ng ganyan...Yiee...Aminin~

Haha XD

Up next...

10 WAYS TO ANNOY YOUR PLASTIC FRIEND.

**********

Commercial Break :

Ilang buwan din akong naghiatus sa libro kong ito.

Ilang buwan ding walang update...

At dahil yun sa isang pm sa akin ng isang taong itago na lamang natin sa pangalang Maria Isabella Ariana Grande...djk. Itago na lamang natin sya sa pangalang bububear_004. Ang nilalaman ng mensahe n'ya ay eto : " Tanong lang po, ate. Ano pong mabuting maidudulot ng 1000 Ways To Be Annoying nyo sa mga kabataan? Puro kalokohan lang naman ang nakalagay dyan at kawalang respeto."


Grabe, apat na buwan ko ring inisip ang sagot sa tanong niya. Naisip kong oo nga ano? Ano bang mabuting bagay na maidudulot ng akdang ito sa mga tao? Puro nga naman kagagahan at kalokohan ang naririto. Kumbaga imbes na tinutulungan kong maging mabuti ang mga kabataan, tinuturuan ko pang mag maldita, magtaray at maging loko-loko.

Nawalan ako ng ganang mag update at muntik ko nang mai delete ito sa aking account.

Pero bakit nga ba ako nag update ulit?

Bakit nga ba naisipan kong ituloy ang kalokohang ito?

Simple lang naman ang dahilan ko....




Eh, sa trip ko eh. Bakit ba?

Kagaya nga ng sinabi ko sa umpisa ng kalokohang akdang ito, nasa inyo na yan kung susundin nyo ang mga tips dito o hindi!

Walang pilitan dito, dude XD

Ang mahalaga lang rito eh mag enjoy kayo ..

at syempre, ako na rin!

Tsaka matatanda na kayo para malaman ang tama at mali, noh?

Sus~ Kayo pa! Eh, may mas malala nga kayong nagawa kumpara sa mga nakalagay dito. xD Aminin~ 

*******************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1,000 WAYS TO BE ANNOYINGWhere stories live. Discover now