10 WAYS TO ANNOY YOUR NEIGHBOR

296 13 15
                                    


Naiinis ka na ba sa kapitbahay mong tsismosa? Kating-kati ka na bang rumesbak?

Pwes! Nasa tamang pahina ka ng Wattpad! Dahil eto na ang sampung tips para mabwisit mo ang bwiset na kapitbahay. Kumuha ng papel at ilista ang mga sumusunod.



1. ) Mag videoke. Itodo ang speaker at kumanta ng malakas. Siguraduhing sintunado at makabasag tenga ang iyong golden voice.



2.) Anihin ang kanilang pananim. Kung halimbawa ay may puno sila ng mangga, santol, bayabas o kung ano pa man na namumunga, huwag kakaligtaang ihanda ang iyong trusted panungkit. Sungkitin ang mga bunga ng kanilang puno o di kaya ay akyatin mo nalang at magkunwaring isa kang unggoy.



3.) Gawing C.R ang harap ng kanilang gate. Ipasyal si Bantay sa umaga at siguraduhing sa harap ng kanilang bahay ilalabas ng iyong alagang aso ang kanyang hinanakit (ihi ) at sama ng loob (jebs ).


4.) Batuhin ang kanilang bubong at magkunwaring may itinataboy ka lang na pusa.


5.) Lumabas ng bahay na may hawak na tabo at balde sabay sumigaw ng "SUNOG!! SUNOG!! MGA KAPITBAHAY! SUNOG NA SUNOG ANG MGA KULAY NYO!!"


6.) Walisin ang mga kalat sa harap ng inyong bahay at itambak ito sa kanila.



7.) Gumising ng alas tres ng madaling araw. Pailawan ng flashlight ang mukha, magsuot ng puting bestida, lagyan ng harina ang mukha. Kumatok sa pinto nila at mangutang ng isang libo.


8.) Pindutin ang kanilang doorbell ng ilang beses at kumaripas ng takbo.


9.) Utusan si Muning na nakawin ang ulam nila.


10.) Pitasin ang kanilang mga tanim na bulaklak at ibenta sa Dangwa.



ANG LAHAT NG MGA NAKATALA AY NAGAWA NA NG MGA KAPITBAHAY NAMIN SA AMIN. AT OO! PUNYETA SILA!!! >___<+++


P.S : Ihanda ang sarili sa pagharap sa Baranggay, kagaya ng ginawa ng aming kapitbahay nang ipa Baranggay sila ng aking mahal na lola. Maghanda agad ng speech para bongga.


Isa pang P.S : Hindi kami tsismosa. Magaganda lang talaga xD


************



1,000 WAYS TO BE ANNOYINGWhere stories live. Discover now