10 WAYS TO ANNOY JEEPNEY DRIVERS

345 23 5
                                    

Nabo bore ka ba sa byahe?

Gawin ang mga sumusunod para maging spicy ang travel time mo.

Kung sinuswerte ka, maaaring ma experience mo pa ang pwersahang mapababa ng jeep at mamura ( Kagaya ng Author nito)


1. Pumara ng jeep at kapag huminto na sa tabi mo, lumakad palayo nang nakapamulsa at kunwaring walang nangyari.


2. Sumakay ng jeep tapos bumaba agad-agad. Sabihin mong nakalimutan mo kasing mag panty at mukha pa namang manyak ang driver.



3. Magbayad ng sakto tapos, manghingi ng sukli.



4. Pumara tapos kapag huminto na ang jeep para makababa ka, sabihin mong "Ay, manong! Dun pa pala sa kanto." at kapag nakarating na sa kantong sinasabi mo, "Manong, naku sorry! Sa kabila pang kanto uli."



5. Maging instant barker.Magtawag ng mga pasahero sa pamamagitan ng pagsigaw, "Biyaheng Langit! Biyaheng Langit~ Paalis na!"



6. Kapag pumara at sinabi ng driver na, "Bababa?" gayahin si Vice ganda at sabihing, "Ay, hindi aakyat! Sosyal manong, ah. May second floor pala to?"



7. Kapag may sasakay, sabihin ng malakas, "Hello sir/maam, welcome to Jollibee!!!"



8. Tumabi sa driver. At abutin lahat ng bayad ng mga pasahero. Ibulsa.



9. Kapag nagpasounds ang driver, sabayan ang kanta ng malakas at gawin sa abot ng makakaya na isingit sa lyrics ang mga katagang, "Bingi si Manong Driver."



10. Wag magbayad hanggat wala ka pa sa mismong bababaan mo. Siguraduhing malaki ang ibabayad mo. eg : 100,500, 1,000.


*******

Namura ako ng driver at nasabihang, "Gago!" XD

1,000 WAYS TO BE ANNOYINGWhere stories live. Discover now